OPERATION #10: BeautyQueen/SportsQueen/AcademicsQueen

12 1 0
                                    

OPERATION #10: BeautyQueen/SportsQueen/AcademicsQueen

Corn's P.O.V.

Paiibigin ko yang lintek na henry na yan. Kakagigil sya. Ang pangit naman nung nililigawan nya.

Anyways diba readers nabanggit ko sa inyo nung nakaraan na may plano ako para makuha ko yang si henry. Kasama ko ba kayo dito sa plano ko? Taas ang kamay!!! Charaught

So eto na nga.. balak ko kasing talunin yang si henry sa sport nya. Sa maganda, mayaman at matalinong tulad ko walang imposible diba diba?

Nung mga nakaraang araw kinukulit ko si daddy na kausapin yung head administrator ng school namin para kausapin na isali ako sa official football team ng school. Alam ko nakakaloka at nakakahaggard yung gagawin ko. Pero malakas ang loob ko kase maganda ako at matalino at maganda at maganda at maganda!!! Whahahahhaha

After makausap ni daddy yung head administrator tinanong nya ako kung bakit naisipan kung sumali sa football team. Sabi ko naman for academics purposes... meh ganun talaga hahahaha

Balak ko naman talagang mag reyna sa lahat ng aspeto na. Sa sports, academics at sa pagandahan. Sa kayunayan naghahanda ako ngayon ng mga gagamitin ko para sa Bb.Pilipinas. oo mga kapatid ko sa kagagahan! Sumali ako sa Bb.Pilipinas

Balak kong maging beauty queen slash sports queen slash academic queen in short Dyosa!!!!

Ngayong week ang preliminary round.. may talent nako.. kakanta ako.. pero hindi ko pa maisip kung anong kakantahin ko. At tska may mga susuotin na din ako pero di pa rin ako kuntento.

Well.. ganun talaga kapag dyosa diba never settle for less...

Gusto kong tumingin ng mga sapatos at damit. Gusto kong maging perfect aba. Yung pang pak na pak. Genern telege!

Sa Mall

Lakad lakad lakad lang wag mong pansinin yang mga pangit na yan. Alam kong gandang ganda sila sakin.. ako din e. Gandang ganda ako sa sarili ko uma umaga nga sinasamba ko yung sarili ko.. pero punyeta lang pag naiisip ko yang lintek na henry na yan at yang ysabel na yan feeling ko sila ang sumisira sa kadyosahan ko. Tinatapakan nila ang ego ko.

Thinking na ang ganda ganda ko at ang dyosa dyosa ko pero may isang lalaki na binalewala ako at mas pinili nya yung nililigawan nyang tuod.

Nakakairita. Nakakapang init ng dugo.. arrggggghhhhh

Andito ako sa victoria secret ngayon. Tumitingin ng underwear. After nito at tska ako maghahanap ng shoes at damit kung may makita akong sa tingin mas bagay sa kadyosahan ko.

Lakad.lakad.lakad.

Ang dami ko ng nabili napapahod nako gusto ko ng cheesecake... pumasok ako sa starbucks doon ko nakita ang henry at ang ysabel na naglalandian. So totoo nga yung issue ng daga sa starbucks. Hahahaha nakakaloka. Makaalis nga sa starbucks.. hindi ito ang tamang panahon para makakita ako ng mga pangit baka mahawa ako may contest pa ako ang sasalihan. I'll make sure na ako ang magiging reyna sa Oxford Academy na yan!!!

Sorry readers nakalimutan ko na kase yung story kaya ngayon na lang ako nakapag update.. thank you so much 😘😘😘😘

[OPERATION:] <3<3<3 ROMEO will be MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon