Copyright © 2012 by airaclarkson
All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or in any means – by electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise – without prior written permission.
This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
=*=*=*=*=*=
Prologue
Wont you be my number two
Me and number one are through
There won’t be too much to do
Just smile when I feel blue
Number Two.
Basahin mo pa lang ang pangit ng tignan. Sino ba naman kasing may gusto na maging number two hindi ba? Sa simpleng bagay na nga lang gusto natin lagi tayong NUMBER ONE.
Sa paggamit ng banyo, hindi ba’t mas gusto natin ang mauna dahil kapag ikaw ang nauna, lahat ng gamit na nasa loob magagamit mo ng buong-buo, walang labis walang kulang. Sa panonood ng tv gusto rin natin na lagi tayong unang magbubukas nito dahil kapag ikaw ang nauna lahat ng gusto mong panoorin mapapanood mo. Wala silang magagawa dahil alam nilang ikaw ang nauna.
Eh paano kung pagdating sa pag-ibig hindi mo nagawang maging Number One?
And there’s not much left of me
What you get is what you see
Is it worth the energy
I leave it up to you
Sabi mo makuntento ako sa kung ano lang ang kaya mong ibigay sakin. Gusto ko sanang sabihin sayo na ‘kahit oras mo lang, okay na ko dun’ pero hindi ko magawa, Number Two ako eh. Basta ikaw na bahala sakin…. Ang mahalaga alam mong mahal kita.
And if you got something to say to me
Don’t try to play your funny games on me
I know that its really not fair of me
But my heart’s seen too much action
Sa tuwing may gusto akong sabihin, idinadaan ko lahat sa biro. At naiinis ka kapag ginagawa ko ‘yon. Pasensiya ka na, wala kasi akong lakas ng loob sabihin sayo ng diretso ang mga katagang matagal ko ng itinatago… ‘Tama na. Please. Nasasaktan ako.’ ayan lagi isinisigaw ng puso ko kapag kinukwento mo SIYA sa akin. Alam ko. Alam ko namang wala akong karapatan magreklamo dahil ang kailangan lang gawin ng isang Number Two ay umupo at makinig.
And every time I look at you
You’ll be who I want you to
And I’ll do what I can do
To make a dream or two come true
If you’ll be my
If you’ll be my number two
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at naniwala ako sa mga katagang binitawan mo noon. Naniwala ako sayo nung sinabi mong iiwan mo siya para sakin, naniwala ako nung sinabi mong ako ang gusto mong makasama at naniwala akong ako ang mahal mo. Ang dami kong expectations sa atin noon, pero anong nangyari? Wala. Tama ngang Expectations leads to dissapoinment.
Bakit? Bakit hinayaan mo kong mahulog ng ganito kalalim sayo?