Number One
Aminah’s POV
“Okay. Class dismissed.”
Pagkasabing pagkasabi ng Professor namin, tumayo na agad ako at lumabas ng room. Letse. Late na ko ako sa duty ko. Grabe naman kasi mag overtime eh, 15 minutes?!
“Hoy babae! Hintayin mo naman kami.” Daye
“Oo nga be. Ganyan ka ah.” Beverly
“Saan ka ba pupunta te?” Dyanne
Bigla akong napahinto sa paglalakad. Oo nga pala, hindi ako nakapag-paalam sa tatlong yun. Alam na alam ko kung sino yung nagsasalita kasi iba iba tawag nila sakin. Humarap ako sa kanila.
“Eh late na ko mga te! May duty ako sa library ngayon diba?” pagpapaliwanag ko
“Ay oo nga. May duty pala siya.” Daye
“Paano yan be?” Beverly
“Samahan na lang natin siya te. Saglit ka lang ba ngayon?” tanong ni Dyanne
Tumingin ako sa wall clock ng school “Oo. Tara na. Papagalitan na naman ako dun.”
Sabay sabay na kaming pumunta papuntang library. Nako panigurado mag-iingay tong mga toh sa loob. Lagi silang nasisita ‘pag ganun eh kaya pinagsasabihan ko din.
“Aminah naman. Simpleng pagsunod lang sa tamang oras hindi mo pa magawa. May klase tong kapalit mo.” Sabay turo ni Ma’am Jen sa isang lalaki na isang student assistant din.
“Pasensiya na po. Nag-overtime po kasi si Sir kaya hindi po agad ako nakaakyat dito.” Agad agad akong pumasok sa may parang information desk at umupo.
“Sige, last na yan okay? And by the way napansin kong nandito na naman yung tatlo mong kaibigan, huwag kamo silang mag-iingay kung hindi iba-ban ko sila dito.”
Nginitian ko na lang si Ma’am at tumingin kila Daye na kasalukuyang tumatawa. Hahaha. Mga baliw talaga tong mga toh. After ng tinginan session namin, sumeryoso na ko at onti onti ng dumarami ang mga estudyante. Ito kasi yung month na madaming pinapagawang research paper ang mga Professors kaya mabenta ang library.
“Ate iiwan po ba yung bag dito?” tanong sakin. SIguro first year pa lang to
“Ah oo. Kunin mo na lang yung mga kakailanganin mo.” Hinintay ko siya hanggang sa matapos. Kinuha ko na bag niya at binigyan siya ng number
Ganito lagi eksena ng everyday life ko. Minsan sa canteen ako naka-duty, minsan sa clinic at kung saan saan. Isa kasi akong Student Assistant at ito lang yung dahilan kung bakit nakakapag-aral ako dito sa Monte Aura University.
“Miss saan ba banda nakalagay yung mga Economic books?”
“Second row po then yung pinakataas na shelf.”
Minsan naiinis din ako sa mga estudyante na nagpupunta dito eh. Hindi marunong magkusang maghanap. Nakatanong agad. Sarap sapakin eh. Pero siyempre joke lang yun. Haha.
Napatingin ako sa may sofa kung saan nakaupo yung tatlo. Aba! Kinikilig ang mga baliw. Sinundan ko kung saan sila nakatingin, hindi ko makita kung saan kasi wala namang gwapo sa tinitignan nila kaya tumingin ulit ako sa kanila. Napansin siguro nila na hindi ko nakita kaya lumapit sila sa akin.
“Mga baliw. Sino na naman bang tinititigan niyo?” tanong ko
“Ang bulag mo kahit kailan Maria Aminah Samonte!” sabi sa akin ni Daye
“Eh sa hindi ko nga alam kung saan diyan. Letse ka.” Depensa ko
“Te ayun oh. Si Lorenzo! Yung may red na panyo. Taga IT Department.” Kinikilig na sabi ni Dyanne