Number Two

78 5 4
                                        

Number Two

Aminah’s POV

“Te, grabe yung scene mo kahapon ah.” Dyanne

“Ha? Anong scene?” pa-inosenteng tanong ko kasi ayoko na alalahanin. After umalis nung lalaki kahapon, pinagtawanan ako ng mga nakakita.

“Ano ka, si Amnesia Girl?” pang-aasar ni Beverly

“Wala talaga akong maalala.” Sabi ko

“Tsk. Sige kunwari hindi mo na maalala ha. Nadulas ka kasi kahapon Aminah eh. T-tapos –pfft! Hahaha! Laughtrip eh.” Sabi ni Daye habang  tumatawa. Yung tipong may konti pang tumatalsik na kanin galing sa bibig niya

Tinignan ko sila ng masama “Mga letse kayo ah. Kasi naman nakakahiya eh! Sana man lang tinulungan niyo ko ‘non diba?”

Binatukan ako ni Dyanne pagkatapos umakbay sa akin “Alam mo the magpasalamat ka na lang sa amin dahil kung nilapitan ka namin ‘non, hindi mo mahahawakan kamay nung gwapo.”

“Oo nga babae ka! Swerte mo din eh. Kung ako sayo sinunggaban ko na ‘yon!” sabi ni Daye

Nagulat ako sa sinabi niya “Hoy! Grabe toh. Sunggab talaga? Letse ka.”

“Joke lang yon. Hahaha.” sabay bawi ni Daye

“Pero be, gusto mo malaman pangalan nung gwapo?” tanong ni Beverly

Bigla kong naibuga yung juice na iniinom ko. “HUWAG!” sigaw ko

Natahimik sa loob ng canteen. Napalakas pala yung sigaw ko. Ngumiti na lang ako sa kanila at sumubo sa pagkain ko.

“Bakit huwag?” tanong ni Daye

Kakaiba gumawa ng mga moves tong mga toh eh. Diba dapat ninja moves? Yung tipong walang makakapansin sa ginagawa mo pero sa kanila ‘obvious moves’ eh. “Anong bakit?! Alam kong alam niyo kung bakit ayaw ko.”

“Eh di hindi na. Ikaw din teh, sayang.” Dyanne

After ng usapin about sa lalaki kahapon, kumain na lang kami. Malapit na rin kasi mag-time.

“Tara na?” tanong ko sa kanila. Halatang mga nabusog eh. Haha!

Tumango sila at lumabas na kami ng canteen at naglakad papuntang classroom.

“Be Ayala tayo maya. Maghuhulog lang ako sa Cebuana.” Sabi ni Beverly

“Ba yan te! Cebuana na naman.” Reklamo ni Dyanne pero pabiro lang

Kaya natawa na lang ako. Kasi naman tong si Beverly laging naka Cebuana eh. Hulog ng hulog ng pera. “Oo na sige na. Sasamahan ka na namin.”

“Ay Beverly oh, niloloko ka nilang dalawa. Kung ako sayo sapakin mo na sila.” Panggagatong ni Daye

Hinampas ko sa braso si Daye “Umayos ka! Huwag ka Beverly, sinabi ko na sasamahan kita. SI Dyanne na lang sapakin mo!”

Biglang naglakad ng mabilis si Dyanne dahil nakatingin na ng masama sa kanya si Beverly. Tawa kami ng tawa ni Daye habang naglalakad at nakatingin sa kanila. Pero bigla kaming napatigil na apat dahil may dalawang estudyante ang nakatalikod, nag-aaway. RInig na rinig namin sigawan nila. Ay malamang Aminah maririnig niyo, sumisigaw nga eh.

“Ano ba! Ang kulit mo! Wala nga lang ‘yon! Kakilala ko lang!” sigaw nung babae

Naglakad kami ng dahan-dahan at tahimik. Ni walang nagsasalita sa amin baka kasi maistorbo namin sila. Ilang hakbang na lang malapit na kami sa room. Hakbang.. Hakbang..

“Anong wala?! Eh mukhang enjoy na enjoy ka nga kasama yung lalaking ‘yon!”

Medyo nagulat ako kasi ang lakas ng sigaw nung lalaki. Hala. Mamaya dumating head ng OSA lagot sila.

Be My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon