CHAPTER FOUR

127 6 0
                                    



Pagod na pagod si Micaela na umalis sa mall., Kakatapos lang ng shift niya sa trabaho at diretso na siya sa hospital. Malapit na siya sa labas ng may mga lalaking naka itim na suit at nag aabang, hindi niya ito pinansin at dirediretso lang siya sa pag lakad
"Teka miss. Ikaw ba si Micaela Suarez?"
"Bakit? Anong kailangan niyo?" tanong niya
"Sumama ka samin" sabi ng isang lalaki
"Bakit ako sasama sayo?"
"Si Mr. Williams nag patawag sayo yung future asawa mo hahaha" tawanan nilang lahat
"Anong asawa? Asawa niya mukha niya!" Sabay talikod ni Micaela
"San ka pupunta!" Sabay hawak sa mag kabilang braso ni Micaela
"Ano ba bitawan niyo ko!!!" Pag pupumiglas niya
"Wag kayong makikialam may kasalan to sa boss namin!" Sabi ng leader ng mga lalaki sa mga tao at gwardiya. Pumalag si Micaela at inapakan ang paa ng isa at  sinipa ang alaga ng isa kaya namamaloktot ito sa sakit. Tumakbo siya papalayo pero hinabol parin siya ng tatlong lalaki palingon lingon itong tumakbo hanggang sa nabangga siya ng motor. Duguan ang kanyang noo pero hindi niya ito pinansin at kahit masakit ang mga katawan pinilit siya ng bumangon at tumakbo hanggang sa dinala siya ng mga paa niya sa parking lot. Napansin niyang may tao sa isang kotse dahil umilaw ang kotse. Lumapit ito para humingi ng tulong tyempo ang may ari ay si Josh .

Habang nasa byahe si Josh sakay sakay sa front sit ang walang malay na si Micaela agad siya tumawag Kay Lester
"Lester ipa cancel mo muna ang meeting namin ni Miss Cruz, papuntahin mo rin ngayon si Doctor David sa bahay" utos ni Josh  habang nag mamaniho
"Ano? May nangyari ba sayo? Nasan ka?" Tarantang tanong ni Lester
"Mamaya ko nalang ipapaliwanag sayo" sabay baba niya ng tawag. Tinignan saglit ni Josh ang walang malay na si Micaela. Pag kabukas na pag kabukas ng elevator papasok sa bahay niya nagulat ang mga bantay dahil sa karga karga niyang babae at patakbong pumasok sa kwarto niya habang nakasunod ang mga bantay niya
"Ako na po ang kakarga" sabi ng isang bantay
"Hindi ako na" sabi ni Josh. Sinalubong siya ni Lester at ng doctor
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Lester
habang hinihiga niya si Micaela sa kama niya
"Nabanga ko siya" sabay hubad ng suit niya..

"Okay na siya. Nalinis ko narin ang sugat niya, wala rin siyang pilay pero mukhang hindi siya kumakain ng tama at kulang ang mga nutrients niya sa katawan, inoover-worked din niya ang sarili niya. Ang payo ko lang at pakainin niyo siya ng tama Mr. Santos at pagpahingahin ng mabuti may reseta na rin ako ng gamot niya so alis na po ako" paalam niya sa dalawa sabay alis
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Lester habang nakaharap ang dalawa sa tulog na si Micaela
"Well papaalis na ako sa parking lot tapos sumulpot siya bigla bigla sa harapan ng kotse ko kaya ayan na bangga ko siya" paliwanag niya, natahimik sila sandali
"Pero parang may nag hahabol sa kanya kasi pag sakay ko sa kanya sa kotse ko may mga lalaking parang may hinahanap"
"Ano? Baka nag uwi ka ng kriminal sa penthouse mo!!!" sabi ni Lester
"Pfttt kriminal? Pano naman magiging kriminal ang isang malnurish?" Natatawang sabi ni Josh.

Kinabukasan habang naka upo si Josh sa upuan niya at naka cross legs, malapit sa bintana at katabi ng higaan niya na kung saan nakahiga si Micaela. Tumitingin siya sa magazine na hawak niya biglang nagising  si Micaela mula sa mag damag niyang tulog.
"Gising kana?" Sabi ni Josh habang nasa magazine pa ang mukha niya
"S-sino ka?" Sabi ni Micaela sabay tingnin niya sa katawan niya at automatic niya itong tinabunan ng komot
"Anong ginawa mo sakin? Bakit iba na ang soot ko?" Takot na tanong ni Micaela. Nilapag ni Josh ang magazine sabay tayo at lapit kay Micaela
"Kung Ano ang iniisip mo mal---" pinutol ni Micaela ang sinasabi ni Josh
"Walang hiya ka!" Lumanding ang isang suntok sa ulo ni Josh
"AH!" sigaw niya, nag sipasukan naman ang mga bantay niya
"Ano pong nangyari?" Sabi ng isang bantay
"Wala wala lumabas na muna kayo, mag bantay kayo sa elevator" sabi ni Josh habang iniinda niya ang sakit sa noo niya, sumunod naman ang mga bantay niya. Tatakbo na sana si Micaela
"Saan ka pupunta hoy!" Sigaw ni Josh habang hawak hawak ang ulo niya bigla namang pumasok si Lester
"Ayy tukwa!!!!" Gulat at napa atras si Micaela
"Gising ka na pala" sabi ni Lester, na baling naman ang mata niya sa papatayong si Josh
"Anong nangyari sa inyo Vice president?" Tanong ni Jihoon sabay lapit kay Josh para alalayan
"Vice President?" Tanong ni Micaela
"Oo di mo siya kilala?" Sabi ni Lester
"Ang sakit mo manuntok ha! Ulo pa talaga sinapol mo" sabi ni Josh habang naka ayos na ng tayo at hinahawakan pa ang ulo
"Teka ikaw yung----?"
"One and only!" Nakangiting sabi niya
"Ohhhh" Lumuhod ito sa harapan ni Josh
"Sorry po hindi ko po kayo nakilala agad sir patawarin niyo po ako wag niyo po akong papatayin!" Sabi pa niya
"Anong papatayin? Kung gusto ko sana pinatay na kita kagabi pa, tsaka tinulongan kita ka gabi!" Sabi ni Josh. Naalala naman ni Micaela ang nangyari kagabi bago siya nawalan ng malay
"K-kayo po yung tumulong sakin?"
"Tumayo ka na dyan!" Sabay alis ni Josh  sumunod naman si Micaela sa kanya
"Sir maraming salamat po sa pag liligtas ninyo. Hindi ko po alam kung papano ko po kayo mababayaran sa tulong niyo pero sir---" naputol ang sinasabi niya ng tumigil si Josh sa pag lalakad at nasa sala na sila
"Miss Tin paki ayusan niyo tong babaeng nasa likod please. Kayo na ang bahala sa kanya" sabi ni Josh sa isang katulong niya
"Opo VP" sabay lakad ng babae
"Ho? H-hindi na kailangan sir okay lang po ako!" Humarap siya Kay Micaela
"Okay lang sayo na naka pang shower robe ka?"
"Oh!!!!!" Sabay yakap niya sa sarili niya..


Nasa sala sila at kinakausap ni Josh si Micaela, kahit na anong pakiusap niya Kay Josh sadyang matigas ito para pakawalan siya ng basta basta.
"So sinasabi mo hindi ka kriminal?" Tanong ni Josh 
"Wow haha. nag kakanda kuba kuba na nga ako sa mga kaliwat kanan ko na trabaho! Tapos kriminal? Sino? Ako?"
"Bakit ka nga hinahabol ng mga lalaking yun?"
"Hindi ko nga rin alam!" Pag sisinungaling nito dahil ayaw niyang malaman ng lahat na ipapang bayad siya sa utang ng tatay niya at utang nitong anim na milyon
"Pwede ba yun, hinahabol ka lang nila na walang dahilan?" Sabi ni Josh
"Paalisin niyo nalang po ako!"
"Mmm-mmm" Pailing ilang na sagot ni Josh
"Pakiramdam ko kasi di ka nag sasabi ng totoo kaya hindi pa pwede. May gusto pa kong malaman, baka nga palabas mo lang to lahat" sabi ni Josh
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako spy sa kompanya niyo!!!"
"Malay ko ba!---- bakit sa harap ng kotse ko pa talaga ikaw natumba, kitang kita sa cctv ng parking lot na hindi kita na bangga-- well natabig lang"
"Ahhhhhhhh Napaka tigas niya!" Pabulong na sabi ni Micaela. Pumasok si Miss Leon  at pinaalam na nasa labas na si Jaimee
"Sige papasokin mo dito" utos ni Josh
"Lester  paki bantayan siya sa kwarto ko" utos ni Josh.
"Hali na po kayo" paanyaya niya kay Micaela
Agad tumayo si Micaela at napilitan na pumunta sa kwarto ni Josh.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon