Nasa tapat na ng bahay nila ang kotseng sinasakyan nila at bumaba na, hindi sanay si Micaela sa mga kumukuha sa kanila ng picture.
"Tingin po kayo dito"
"Totoo po ba mag asawa po kayo?"
"Sir paki sagot po kami" pero patuloy lang sila sa pag lakad papasok sa bahay nila Josh.
"Wag kang kakabahan walang mangyayaring masama sayo as long as na nasa tabi mo ako" paninigurado ni Josh sabay hawak sa kamay ni Micaela at inilagay sa kanyang braso sabay pasok sa bahay nila."Lolaaaaaaa!!" Sigaw ni Josh
"Ang apo koooooo!" Masayang nilapitan ng Lola niya at pinisil pisil ang mukha at tinatad ng yakap ang kanyang apo
"La!! tama na hahaha halatang na miss niyo ako"
"Hindi mo na ako dinadalaw apo miss na miss na kita halika na at kumain" sabay hila Kay Josh. Nasa hapag na ang papa niya at kaharap ang babaeng na pili niya na ipapakasal Kay Josh at si Jia
"Nandito ka na pala" sabi ng ama niya
"Pa" at nagbigay ng galang siya. Nakasunod lang sa likod ni Josh si Micaela habang tinitigan niya bahay nila Josh at manghang mangha ito."Josh gusto kong ipakilala sayo si---"
"Asawa ko" pamumutol ni Josh
"Tama magiging asawa mo siya mabuti naman at sumusunod kana" masayang sabi ng papa niya habang nakatayo na si Emelia ang mapapangasawa niya sana. Napansin ng papa niya na hawak hawak ni Josh ang kamay ng kasama niyang babae
"At sino naman siya?" Tanong nito na biglang nag iba ang mukha
"Meet my wife,.... Micaela Suarez" proud na sabi ni Josh
"Ahhh Santos na nga pala ngayon" sabay titig niya kay Micaela at ngiti
"ANO?" Sabay sabay ang lahat maliban Kay Emelia na tahimik lang na nakatayo
"Apo may asawa kana? Kailan pa?" Tanong ng Lola niya
"Imposible! Pano nangyari yun?" Sabi ng papa niya
"Oo nga" gulat na sabi ng Lola niya
"Bumati ka" bulong ni Josh Kay Micaela
"Ahh tama--- magandang gabi po sa lahat" bati niya at bigay galang
"Ako po----"huminga siya ng malalim bago nag salita
"Ako po ang asawa ni Josh Cullen Santos,...Micaela Suarez Santos " taas noo niyang sabi
"My beloved Jesus!! totoo nga tignan mo ang mga daliri nila may singsing na, welcome sa bahay at pamilya Santos iha" sabi ng Lola niya at niyakap si Micaela na ikinagulat niya
"Maraming salamat po" masayang sabi ni Micaela
"Hindi ako naniniwala!" Sabi ng papa ni Josh
"Kung hindi po kayo naniniwala" sininyasan ni Josh si Lester para ibigay ang mga papeles na hawak niya. Binasa ito ng papa niya pero tutol parin ito at di naniniwala
"Papa sana matanggap niyo kami. Miss" sabi niya sa tahimik na si Emelia pero masama na ang tingin niya
"Sorry kung hindi na kita mapapakasalan ayakong mag pakasal sa taong di ko mahal" sabi ni Josh
"Sa mga mukha niyo mukhang kailangan niyo na mag pahinga kaya aalis na kami" sabi ni Josh ng nakangiti
"Lola. Babalik kami dito sa ibang araw" sabay halik niya sa noo ng kanyang Lola
"Lola, masaya akong nakilala ko kayo" sabay yakap ni Micaeal sa Lola ni Josh.Papalabas na sila sa bahay nila Josh at nakahinga ng maluwag si Micaela.
"Bakit di muna tayo kumain doon? Mukhang masasarap pa naman ang mga pagkain na nasa loob tsaka sayang tong ayos ko" reklamo ni Micaela
"Gutom ka na talaga?" Sabi ni Josh habang natatawa.
Hindi alam ni Micaela na pag labas nila ay nandoon parin ang madaming reporters at camera na nag aabang parin sa kanila
"Mama!!!!" Sabay tabon ng mukha niya
"Okay lang yan" natatawang sabi ni Josh
"Totoo po ba na kasal na kayo"
"Sir dito po"
"Sir sagutin niyo po ako"
"Sir sa camera"
"Mag hintay nalang kayo sa press con ko doon ko lahat sasabihin" sabay sakaya nila sa kotse nila."Wa~ akala ko umalis na sila" Sabi ni Micaela
"Natural lang yun" nakangiting sabi ni Josh
"Ano? Ahh oo nga pala isa kang napaka yaman na negosyante kaya pati buhay mo dapat updated sila" sabi ni Micaela
"Hmmmm sabi mo nagugutom ka? Sa bahay nalang tayo kumain".Pagkadating nila sa pent house nakaayos na ang lahat para sa dinner nila
"Wo? Pano mo to na handa? Tanong ni Micaela
"Pinahanda ko na talaga to, wala naman talaga akong balak kumain ng dinner kasama sila. Tsaka sabi mo nga sayang ang out fit mo" pinaupo ni Josh si Micaela. Nag dinner silang dalawa yung simpleng dinner lang. Uminom ng mga mamahaling wine at nag kwekwentuhan kung anong maisip nilang pag uusapan. Mas nakilala ni Josh si Micaela ang ugali niya at na pag tanto niya na masayang kasama si Micaela
"Mmm Simula pala ngayon mag kasama na tayo sa iisang bahay pati na rin sa iisang kwarto"
"Iisang kwarto? Teka lang naman nagpapanggap lang naman tayo ah"
"Dapat lang, mag hihinala ang lahat pag hindi natin yun ginawa" nakangiting sabi ni Josh.
Tapos na sila sa dinner nila
"Ahh! Nabusog ako doon ah" sabi ni Micaela, huminga siya ng malalim sabay tingin sa labas
"Waa ang ganda naman" sabi Micaela napatingin naman si Josh sa labas
"Gusto mo mag lakad-lakad?" Tanong niya
"Mmm!" Nakangiting sabi ni Micaela."Bakit ka pa sumama sakin? Okay lang naman na ako lang ee" sabi ni Micaela
"Well gusto ko rin mag lakad lakad kasi matagal na akong di nakakapag late night walk" sabi ni Josh
"Ahh hahaha---ako naman palagi akong nag la-late night walk pauwi, kasi waka akong pamasahi ee nag titipid" sabi ni Micaela
"Hmmm! Hindi ba sumasakit paa mo? Kawawa naman sapatos mo!" Sabi ni Josh
"Wow ha! Sapatos talaga naiisip mo di paa ko" pabirong sabi ni Micaela kaya natawa si Josh
"Joke lang naman" sabi ni Josh
"Medyo may point ka---- nakakaawa nga yung two years ko ng sapatos, dinidikit ko lang yun pag natatanggal yung takong. Pero last month lang week nag retiro na talaga siya, ang nakakatawa pa doon noong nasira yung sapatos ko habang papatawid may lalaking nag pahiram sakin ng sapatos" nakangiti si Micaela habang nag kwe-kwento kay Josh na biglang naging pamilyar sa kanya ang kwento ni Micaela
"Wait parang pamilyar ang kwento mo!"
"Ha?"
"Teka nga!! Ikaw ba yung babaeng bigla nalang na paupo sa gitna ng daan habang tumatawid?"
"Bat mo alam?"
"Ako yung lalaking nag bigay sayo ng sapatos! Chanel na sapatos!" Masayang sabi ni Josh, biglang luminaw ang lahat kay Micaela
"Waaa!!!!" Sabay tabon ng bibig ni Micaela sa gulat
"Talaga?" Masayang sabi ni Micaela sabay tawanan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Married To A Stranger (SB19JOSH)
RomanceDahil sa utang ng tatay niya at nalaman pa niyang siya ang ipangbabayad sa inutangan ng tatay niya *napakamalas niya diba?* nagising na lang siya isang araw na inaalok ng kasal kapalit ang ng pera, mabayaran pa kaya niya ang malaking utang ng tatay...