'Paano nabuo ang baby?'
-Uhm, kapag nagki-kiss ang Mama at Papa?
'Bakit hindi ko Papa si Ninong Santi?'
-Kasi pinsan ko si Tito Santino mo.
Ilan lamang iyan sa mga paulit-ulit na itinatanong kay Dior ng anak niyang si Andi. Mga katanungan na hahantong sa ikinakatakot niya at pilit na tinatakasan dahil alam niyang wala siyang magandang maisasagot sa anak.
Mabuti na nga lang ay miminsan lang kung tanungin siya nito simula nang magkamulat ito.
Pagkarating ng anim na taong gulang at ngayon ay pitong taon na ay hindi parin siya makaisip ng tamang sagot o matawag man lang na matinong sagot sa tanong nito.
"Well then Mama if he's not my Papa. Where is Papa?" inosenteng tanong ni Andi sa ina niyang halos malunod na sa kakainom ng tubig.
Ito lang ang paraan niya ngayon para maiwasan ang pagsagot o mas maiging makapag-isip ng tamang salita dahil nakatitig lamang ito sa kanya. Bilog ang mata ng anak niyang nakatuon lamang sa kanya.
Mabuti na lamang at tumigil na din siya sa pag-inom upang matuon ang atensyon sa anak.
Hindi man ito ang eksaktong tanong ni Andi sa kanya sa mga nagdaang buwan ay pareho parin naman ang konteksto at ito'y tungkol parin sa kanyang ama.
Kung hindi sino o paano niya naman daw ito nabuo kung wala ang Papa niya.
Sumasakit lang ang ulo niya sa tuwing naiisip ang mga iyon.
Yumukod siya rito para mas lalo pang makita ang makisig na mukha ng anak. Inayos ni Dior ang kaunting buhok na humaharang sa gwapong mukha nito.
Napangiti pa siya sa pagkunot ng noo nito na animo'y mas interesado sa isasagot niya kaysa sa pasakalyeng ginagawa niya para lang maantala ang sagot.
Kung titingnan ng iba ang anak niya ay walang magdududa na sa kanya nga galing ang batang ito dahil magkamukhang-magkamukha raw sila.
Oo, nakuha nito ang kulay ng buhok at kutis niya pero nagdududa siyang sa kanya nga hinulma ang itsura ng supling na ibinigay sa kanya ng Diyos. Mali sila ng akala dahil kamukhang-kamukha ni Andi ang kanyang ama.
Ito ang unang beses na hinayaan niya ang sarili na titigan ng matagal ang anak sa lumipas na pitong taon. Nagagawa lamang niya itong tingnan sa tuwing abala ito sa ginagawa o kung matutulog na.
Hindi niya matagalan ang titigan ito dahil kuhang-kuha ni Andi ang paraan ng pagtitig ng lalaking na nagbibigay sa kanya ng walang humpay na kahinaan at takot para sa matinding nararamdaman.
Alam din ni Dior na ito rin ang magpapagising ng konsensya niya sa mga kagagahang ginawa noong bata pa siya.
"Sa totoo lang anak, hindi ko na rin alam ang whereabouts ng Papa mo dahil sobrang naging busy si Mama sa pagpapalaki sayo," this is the most honest answer that Dior said to her son.
From, 'It just did not worked out.' and 'He left after we made you.' na pinaka-ridiculous na nasabi niya rito ay pasado na ang sagot niya ngayon.
Ito na rin ang pinakamalapit na nangyari sa totoong nangyari bago niya ipagbuntis si Andi. Sa tingin niya ay mas mabuti narin iyong sumagot siya kaysa sa ginawa niyang pag-iwas sa tanong nito noon.
Katulad nalang noong nakaraang buwan nang kunwang pagtawag ng Ninong Santino nito sa kanya na hindi naman talaga, dahil si Dior lang ang tumawag dito sa kalagitnaan ng meeting nito para sa bagong proyekto ng negosyo.
Naalala niya kung paano siya nagmakaawa sa pinsan na kuwentuhan ang anak para madivert ang utak nito.
Mabuti nalang at mahal na mahal ni Santi ang pamangkin na inaanak din niya kaya nawala rin sa utak ni Andi ang kuryusidad sa ama. Ngunit nagpupuyos naman na galit ang natanggap ni Dior sa gwapong pinsan.
Kaya magmula noon ay nangako siya sa sariling tanging katotohanan lang ang sasabihin niya sa anak. Hindi man lahat, sisiguraduhin naman niyang totoo ang mga ito.
"You know that Mama loves you so much and I can't afford to see you hurting, anak. I'm sorry for being a terrible Mama that makes you want a Papa," hingi nito ng tawad sa anak.
Nanlaki naman ang mata ni Andi dahil sa pag-aakalang nasaktan ang ina niya sa itinanong.
"No, Mama! You are a great Mama. I'm just curious at Papa because I don't know much about him. I'm sorry. I love you. I love you Mama." parang tinurukan ng punyal ang puso ni Dior nang makita ang mangiyak-ngiyak na mga mata ng kanyang anak.
What a perks of having a smart kid yet still a curse for every parents dahil hindi magtatagal ay magiging matured na ito at an early age. So might as well, hangga't clingy pa ito ay huwag ng palampasin.
"I know, sweetheart. I know." mahinang bigkas ni Dior sa tainga ng anak niyang yumakap sa kanya.
Hinalikan niya sa tuktok ng buhok ang anak na malinis ang pagkakagupit.
Ito man ang pinakagaga'ng desisyon na ginawa ng batang Dior noon, ito naman ang ipinagpapasalamat ng isang Monday Dior Evara Serrano ngayon.
Dahil nagkaroon siya ng isang anak na mahal na mahal siya at sobrang mahal din niya.
At kung papipiliin kung gagawin parin ba niya ang nagawa ay pikit-mata niyang sasabihin ang 'oo' para lang maramdaman ang sayang idinulot ng anak sa kanya.
Matatawag niya man pagiging makasarili ang ginawa ay hindi naman niya hahayaan na maramdaman ng anak niya na mali na nabuhay ito.
Her bad trick is to blame but her son was an exemption.
Because in this lifetime, Andrius Casimiro Evara Serrano was the very first gift and the only gift that God allowed to gave her.
For her, it's all worth it.
BINABASA MO ANG
One Desperate Move
General FictionHanggang saan nga ba aabot ang pagmamahal ng isang tao?