One

5 0 0
                                    

Aftermath

Ilang buwan na lamang at sasapit na muli ang birthday ni Andi kaya abala na sa pagpaplano si Dior ng party para sa anak.

Sa paghahanda nito ay niyaya niya ang matalik na kaibigan sa maliit na opisina ng isang kilalang party organizer.

Si Daniella na ang madalas niyang kunin sa birthday party ni Andi simula noong fourth birthday nito dahil ang dating party organizer niya nung mga unang taon ni Andi ay nawala na lamang na parang bula.

Sayang lang din si Yesha dahil ang husay pa man din nitong mag-organize ng party.

Sa pag-uusap ni Daniella at Dior ay ang pag-iikot naman ng mata ng kaibigan niyang si Trinity dahil sa pagkabagot.

Ang pagsuporta nito sa kaibigan ay walang humpay ngunit ang pagsama sa meeting na katulad nito ang ayaw niya. Si Trinity Soledad Araniego ang nag-iisang matalik na kaibigan ni Dior mula pa noong high school sila.

Ito lamang ang nagtyaga sa kaniya at ganoon na lamang ang utang na loob ni Dior rito dahil sa sakripisyong ginawa para sa pagkakaibigan nila.

"Pwede ba Monday, 'wag na ako ang isama mo sa ganoong meeting. Nakakaantok." reklamo ni Trinity kay Dior kasabay ang nakasanayang tawag nito dito.

Natapos na ang meeting nila sa organizer kaya tamad na itong nakaupo sa tabi ng driver seat kung saan nagmamaneho si Dior.

Tinapunan ni Dior saglit ng tingin ang matalik na kaibigan bago ibinalik ang konsentrasyon sa daan pauwi ng condo nila.

"At kanino naman ako magpapasama? Kay Santi?" irap ni Dior dito. Alam naman nilang dalawa na siya at si Santi lamang ang may alam ng tungkol kay Andi.

Si Santi ay palagi na ngayong tutok sa trabaho kaya hindi siya pwede. Sa totoo nga lang ay aksidente lang ang pagkakaalam ni Santi sa katauhan ni Andi sa pagpunta nito noong first birthday ng anak.

Big question mark para sa kanya kung paano nito nalaman pero hindi na niya naisip iyon no'ng panahong iyon dahil kay Andi lamang umiikot ang mundo niya.

Sa madaling salita, si Trinity lamang ang nakakaalam ng lahat mula sa simula.

Ito ang kasama niya noong naghihirap siya sa pagbubuntis kay Andi, sa paglilihi niya ay ito ang pinaka napagod sa paghahanap ng mga gusto niya, sa panganganak niya... lahat!

Sa kabila ng bitchy at independent aura ni Trinity na talagang kinahuhumalingan ng mga lalaki ay mas lalong mahuhulog ang sinuman kapag nalaman na sobrang buti ng puso nito.

Maging siya ay first hand na naranasan iyon kaya taos sa puso ang pagpapasalamat niya para rito.

"Do you really want me to answer that, Mon?" sarkasmo ang nahimigan niya sa kaibigan kaya dumiin ang hawak niya sa manibela.

Sa pagiging prangka lamang nito ang hindi niya magawang hindi mapikon dahil sagad sa buto ang pagiging bastos ng bibig.

"You know I still don't get it. Why you don't like these kind of stuff, Tris." pagbabago ng usapan ni Dior bago pa matuloy ng ingrata ang sasabihin.

Looking satisfied, Trinity can able to smile now. Tingin nito ay nanalo na naman siya sa asaran nilang magkaibigan.

"What kind of stuff?" pinatunog pa nitong interesado sa sasabihin ng kaibigan pero tingin niya ay alam na niya ang tinutukoy ni Dior.

"This! Ayaw mo'ng sumama sa tuwing bibili ako ng mga gamit ng anak ko. Kapag makikipagmeet sa organizer ko for his birthday, palagi kang wala sa mood Pero kapag bar hopping, enjoy na enjoy ka. Mas exausting 'yun kaysa sa uupo ka lang at makikinig sa mga suggestions for Andi's celebration," tila paulit-ulit nalang na litanya ni Dior dito.

One Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon