Chapter 2

0 2 0
                                    

"Yieeee."

"Sanaol! Solace! "

"Yes! May bagong class couple dito! "

"Solace pagnanligaw sayo si Jacob sagutin mo na! "

"Yes naman Solace! Nagdadalaga na!"

Iilan lang yan sa mga tudyo nila saakin, bwisit naman kasi yang si Jacob eh! Panira nalang palagi ng araw

Di ko naman inaano kailangan i-special mention?

Pabibo? Bida-bida?

Kainis talaga. Knowing my classmates  panigurado hanggang matapos ang school year na to di nila ako tatantanan

"Okay class tama na yan You're making Ms. Rivera uncomfortable. " Saway ng Prof. namin

Hehehe thank god.

"Ah basta pag-sinagot ka ni Solace Jacob! Libre mo kami! " Sabi ni John

"Hoo! Gusto mo lang kumain! " Sabi naman ni Tiffany

Napailing- iling nalang ang Prof. namin dahil sa dalawang yan siguro yang dalawa ang magkakatuluyan palagi nalang kasi nagsasagutan yan

Naglesson na ang Prof. namin syempre at mabilis na naman ang oras lunch time na.

Kasalukuyang nasa canteen na kami ngayon , actually wala akong balak na pumunta dahil nagtitipid ako ng pera tsaka di naman ako masyadong gutom

Pero itong best friend ko mapilit masyado kaya wala na akong nagawa kundi pumayag

Iniintay ko sya ngayon dahil sya ang manlilibre nung una ayaw ko dahil nahihiya ako pero wala na naman akong nagawa kaya pumayag ako at sya nalang pinapili ng kakainin ko sya naman manlilibre eh.

Habang nag-hihintay ako luminga linga ako sa paligid kung nnandoon ang magaling kong katabi sa classroom

And there's no sign of him good god pero nagulat ako nang may umakbay saakin at tinignan ko kung sino yon at

Anak ng pitongput pitong tupa naman!

Agad kong inalis ang braso nyang nakapulupot saakin. Aba mahirap na baka may makakita na naman saakin dito at 'sumikat' na naman ako

"Ano ba? Baka pagtinginan tayo dito. " Pabulong kong sita sakanya

"Tayo? "

"Hindi ako lang, inaakbayan ko yung sarili ko eh. " Pamimilosopo ko

"Tch ang sungit mo naman miss sabog. "

Hehe sige isang tawag mo pa saakin nyan isusulat kita sa death note ko, papaluin ko na dapat sya nang dumating si Ashley kasama si Eijiro

"Hi Solace." Bati saakin ni Eijiro , kaya nginitian ko lang sya

"Solace! Mind if they sit here? " Sabi naman ni Ashley habang nilalapag ang tray

Shit.

Hindi na ako makakatanggi kasi nakaupo na sila. Galing diba?

So ayon habang kumakain kami silang tatlo lang naman nag-uusap, ako naman tamang kain at basa lang

Wala naman kasi akong sasabihin eh alangan mag-salita ako wala naman akong sasabihin na hindi tungkol sa school

"Anyway Solace. " Rinig kong tawag saakin ni Ashley

Inangat ko ang tingin at pagtingin ko lahat sila nakatingin saakin

Luh.. Anong meron?

"Have you heard the rumors? " Tanong saakin ni Ash

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since the day she was bornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon