Prologue

26 3 0
                                    


Kasalukuyang naglalakad ako papuntang gate ng aking eskwelahan.

Nang may mahagip ako sa aking paningin.

Mag-amang naglalambingan. Pareho silang marungis at sira sira ang kanilang pinaglumaang damit. Masasabi mong mababa ang kanilang estado sa buhay.

At napansin ko na parang hindi na makakita ang ama.Pero parang nakikita nya ang anak nya. Nakikita nya ang anak nya sa pamamagitan ng pagmamahal nya. Kahit ganoon ang estado nila sa buhay wala na iyon sakanya kasi ang mahalaga sakanya ang anak nya.

Isa lang masasabi ko Sana all.

Ako? Kailan ba ako magiging mahalaga sa mata ng mga magulang ko?

I shove off my thoughts at lumapit sakanila.

Inabutan ko sila ng isang daan.Baka sakaling may mabili silang pagkain.

"Bata... " Tawag ko

Lumingon saakin ang bata at lumapit saakin

Medyo nagaalangang tumingin sya saakin. Hindi nya alam kung kukunin nya ang pera o hindi.

"Sige.. Kunin mo na. " Sabi ko na may malumanay na boses baka kasi matakot ko eh.

Dahan dahan nyang kinuha ang pera sa mga palad ko at pumunta na sa ama nya.

I felt a warm hand touched my heart kasi parang nakakagaan ng loob pagnakakatulong ka.Kahit na wala akong masyadong pera

Tumalikod na ako sakanila at naglakad na ulit.

Ngunit napatigil ako dahil may kumalabit saaking likod.

Paglingon ko ang bata ang nakita ko. Naka ngiti sya saakin.

Humarap ako sakanya at marahang binaba ko ang sarili ko para magpantay kami.

"May kailangan ka ba? " Pinahinhin ko yung boses ko aba mahirap na.

"Salamat po napakabait nyo po bihira po kaming makakita ng tanong ganyan. Napakalaki nga po ng binigay nyo saamin po siguro po mahal na mahal po kayo ng magulang nyo kaya po napakabait nyo.Sige po punta na po kayo sa eskwelahan nyo po babye po. " Aniya at tumakbo papunta sakanya ng ama.

Muntikan nang may luhang kumawala sa mga mata ko.

Nagkamali sya sa isa nyang sinabi.Yung part na mahal ako ng mga magulang ko.

Napatulala lang ako nang ilang saglit hanggang sa may kamay na nagwawagayway sa mukha ko.

Napakurap-kurap ako

"Miss bakit mukha kang sabog? "
Sabi ng isang hinayupak na nilalang.Pero gwapo ha.

"Excuse me? Ako?Sabog? baka ikaw. " Sikmat ko sakanya ganda ganda ng moment ko sinira nya

Tumawa naman ang damuho nang malakas. Aba ang kapal.

"Ano naman tinatawa-tawa mo dyan? " Pagtataray ko

Instead of answering me tumawa pa sya ng mas malakas

Nainis ako sakanya kaya naglakad na ako palayo.

Napaigtad ako nang may humawak sa braso ko

Tinignan ko kung sino yon

And it turns out yung lalaking tawa nang tawa kanina.

"O? Ano na naman? " Singhal ko

"Hindi ko pa nalalaman ang pangalan mo. " Sabi nya habang nakangiti

Ang gwapo mo...

Luh saan galing yon?

I shove off my thoughts and I answered him

"Ano bang pake mo sa pangalan ko? Nakita mo lang akong mukhang sabog magtatanong kana ng pangalan. " Inirapan ko sya.

Since the day she was bornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon