Bad girl ang laging papel ni Mika nung bata pa siya.
Ngunit habang lumalaki na siya ay natutunan niyang baguhin ang kanyang ugali.
Nahirapan siya nung mga panahon na iyon.
Dahil nung naisipan niyang magbago...
Saka naman bumaliktad ang mundo.
Hindi na siya matanggap ng karamihan.
Suklam sa kanya halos lahat ng kanyang kaklase.
Isama pang sa mga kaklase niya ay nahuhuli siya sa trend, o sa mga bago.
Hindi na siya nakakasabay sa ihip ng hangin.
May ilan siyang kaibigan na nakakita naman sa kanyang pagbabago.
Sila iyong mga nagtulak sa kanya na mas pagbutihan ang pagbabago niya.
Hindi na siya palamura.
Hindi na siya nang iinsulto.
Hindi na siya bastos.
Hindi na mainitin ang ulo...
Mapagbigay na...
Matulungin..
Mabait...
Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong iyon ay hindi niya nakamit ang pagtanggap ng mga kaklase niya. Bagkus ay inabuso siya ng mga ito.
Pinagsamantalahan ang kanyang kabaitan at pagbabago.
At sa tuwing nagagalit si Mika sa ganoong pagtrato sa kanya ay lalo pang nadadagdagan ang galit nila sa kanya.
Alam ni Mika na kulang.
Alam niyang mayroong hindi pa rin nababago sa kanya.
Ngunit hindi niya rin kinakayang kontrolin lahat dahil kaakibat na ng kanyang pagkatao ang kanyang nakaraan..
Ika nga nila Mahirap patayin ang nakagisnan.
Lalo pang nahirapan si Mika dahil hayskul siya.
Ito ang phase ng kabataan na napakahirap makisalamuha. Iyong panahon na mahirap mag-isa... Iyong panahon na madalas kang napaglalaruan.
Pero sa kabila nun... pinagtaguyod niya ang pagbabago.
Ginawa niya ang makakaya niya para lang mabago ang tingin sa kanya ng mga kaklase niya.
Ngunit paulit ulit rin naman siyang nasasaktan. Ilang ulit na pinaglaruan... ilang ulit na inabuso.
Hanggang napagod siya.
Hanggang hindi niya na kinaya ang Rejection.
Hanggang sa sinuko niya na lahat.
Hindi niya na kinaya.
Huli na para sa ina niya na lapitan ang anak dahil nung mga panahong iyon? Kulang na kulang na si Mika. Pagod na siya. Wala ng gana.
Hinahangin na ang utak niya sa lahat ng tama at mali.
Wala na rin siyang kumpyansa sa sarili.
Pinagsakluban siya ng langit at lupa.
-/-/-/-/-/-
Isang araw sa paaralan ay bumagsak lahat ng kanyang pag-asa. Lahat ng kanyang pagkagusto na magbago para sa ibang tao at para rin sa sarili niya.
Kasi sa araw na iyon.. nagising siya sa katotohanan.
Hindi na siya matatanggap ng mga kaklase niya.
Masyado ng huli.
dahil sa mga panahon na nagbago siya... tumulong siya...
Wala pa ring nakakakita sa kanya.
Para siyang isang gamit na puwedi mong gamitin saka mo lang iitsepwerahin kapag wala ka ng kailangan.
Kaya nung umuwi siya at walang tao...
Nakapasok ang demonyo sa utak niya at hinanda na ang taling gagamitin.
Gamit ang natutunan ay nakagawa siya ng tali ng kamatayan...
Bago niya tinahak ang paraang iyon ay kumuha siya ng papel...
-/-/-/-/-/-
Natagpuan si Mika sa kanyang kuwarto na nakabigti.
Hindi makapaniwala ang ina na nagawa iyon ng kanyang anak. Hindi man lang nito magawang unawain kung bakit ginawa ito ng kanyang anak.
Sa ilalim ng malamig na bangkay ng dalaga ay may liham na natuyuan ng luha.
"Nakakapagod magbago para sa wala"
-/-/-/-/-
Sa burol ng dalaga ay napuno ito ng mga mag-aaral at guro. Hindi rin nila alam kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito dahil hindi binabanggit ng kanyang pamilya.
Balibalita na lamang sa kanila na nagpakamatay ito.
Habang tinitignan ang kabaong ng dalaga ay hindi nakayanan ng iba na magsabi ng kanikanilang mensahe.
"Lagi niya kaming tinutulungan sa mga aralin namin kapag hindi namin maintindihan."
"Kapag may kailangan kami... lagi siyang magbibigay"
"Minsan, kahit pa hindi siya iyong mahinhin, siya naman iyong handang tumulong."
At sa harap ay tumayo naman ang lalaking may pagtingin si Mika nung buhay pa ito.
"Hindi naman ako manhid, eh. Alam kong may gusto siya sa akin. Kasi sa amin... ako iyong tipong lagi niyang tutulungan. Lagi siyang nag-aalala sa akin. Kahit barahin niya ako. Mas madalas, nasa likod ko siya. Ang mali ko lang, ni minsan hindi ko naiparamdam na naging malapit na siya sa puso ko."
-/-/-/-/-
Ngunit sa huli? Balewala lahat ng sinabi nila tungkol kay Mika. Lahat ng pagpansin nila sa tulong ng dalaga.
Kasi patay na si Mika. Hindi na niya maririnig lahat ng sinabi nila.
Namatay si Mika na ang saloobin ay wala siyang kuwenta. Pagod at nawalan ng saysay ang buhay dahil hindi nila pinaramdam sa kanya na siya'y tinanggap.
Kasi nung siya rin ang nangailangan, wala ni isa ang tumulong sa kanya.
Bagkus ay inabuso lang siya ng mga ito.
________________
Hi! Oo, emo masyado. Panu ba naman kasi...
Ngayong buwan ng puso... kailangan mo ring ipadama sa mga taong nasa paligid mo na na AAPRECIATE mo sila.
may ilan kasi sa kanila na nagbabago para lang quits na kayo... kaya sana lingonin niyo... sana mapansin niyo rin kasi:
Mahirap talagang magbago para lang sa wala... lihim na nakakapasok ang espiritu ni Kamatayan sa puso nila =(