Chapter 1

14 0 0
                                    

Minsan naiisip ko tama bang nasasaktan ang isang tao kahit hindi nya kasalanan? tama bang umiiyak tayo sa maling tao? tama bang nag aantay tayo sa walang kasiguraduhan? tama bang nagmamahal tayo kahit masakit na? love parin ba ang tawag kapag hindi na tayo masaya? love pa rin ba ang tawag kung sa bawat minuto iniisip mo sya. love pa rin bang matatawag na kahit sinaktan at iniwan ka nya inaantay mo pa rin siya?

" girl, question?"

"Ano yon Sarah?"

"Girl, bakit ba tayo laging nagpupunta dito sa garden? bakit parang may lagi tayong inaantay dito? umamin ka nga! yung crush mo ba dito dumadaan?"

napangiti ako sa sinabi ni Sarah, sana nga crush lang sana nga sumisilay lang kasi mas madaling makalimot kung crush lang kung sumisilay lang ako. pero hindi eh. hindi. 😔

" Wala no. ako magkakacrush. malabo yun. kung ano-ano nanaman ang pumapasok diyan sa isip mo. tara na nga"

hindi mo na dapat malaman Sarah, dahil ayoko na sanang bumalik yung sakit dito. sakit na iniwan nya sakin. pero, bakit nga ba ako nandito? bakit nga ba umaasa pa din ako kahit malabo na? pero, sapat na sakin na makita ko sya. okay lang kahit masakit. kahit nasasaktan ako kapag may kasama siyang iba, basta masaya sya. kakayanin ko. kahit nadudurog na ang puso ko.

"Nina, saglit lang naman, antayin mo ko girl."

"bilisan mo kayang maglakad. ang bagal bagal mo kasi" she laugh

buti nalang nandito si Sarah. kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko. kahit papano

"Nina, sa Harap mo!  sabi sayo sa harap mo eh yan tuloy"

hayssss... ano ba yan ang sakit  naman nun ang malas ko naman. bat ngayon pa ko nabangga sa poste. este sa taong parang poste sa kakisigan ng katawan.

"Ms. are you okay?"

shunga ba to. may tumalsik bang naging okay?

"yeah, Im okay"

hays. wala akong mapapala dito tumayo na ko sa pagkakaupo ko ng biglang

"Arayyyy!!! "

hindi ako makatayo masyadong malakas ang pagkakatalsik ko nung nabangga ko sya. pano na ngayon to.

"my god ang sakit" sabi ko habang nakahawak ako sa isa kong binti at pinipilit na tumayo

" I will help you to stand miss"

naiinis  na ko sa lalaking to. ilayo layo nyo sakin to.

"No, kaya ko."

putik bat ngayon pa.

"Arayyyyy" napapaluha na ko sa sobrang sakit. pero sinubukan ko pa rin tumayo kaya lang na out balance ako sa sobrang sakit ng binti ko. napapikit nalang ako at inaantay na bumagsak ako sa sahig pero bat parang may kamay sa bewang ko? napadilat ako at nakita ko syang karga nya ko sa balikat nya.

"Hoy! , teka anong ginagawa mo? ibaba mo ako. Hoy!! "

pagpupumiglas ko naiilang ako sa posisyon ko ngayon. at pagtingin ko sa paligid ko may mga nakatingin narin sa amin. nakakahiya.

"Wag kang malikot baka mabitawan kita"

"Saan mo ba ko dadalhin? ibaba mo nga ako Hoy! ano ba?"

para syang walang naririnig patuloy lang sya sa paglalakad habang karga ko. hanggang sa napagod na ko kadadaldal at nagdilim ang patingin ko

"Clinic? Anong ginagawa ko dito?"

flashback

"Hoy, teka anong ginagawa mo? ibaba mo ako. Hoy"

Still WaitingWhere stories live. Discover now