Chapter 5 (The Practice)

4 0 1
                                    

Nina POV
Ito na, ngayon na ang araw na makakasama ko si Zachary. ngayon na ang araw ng practice namin. ngayon na din namin  malalaman kung ano ang pagtatambalan naming dalawa.  sinubukan ko naman kausapin si Mr. Dizon para wag ako ang kunin nya sinabi ko din na mas maraming mas deserve sa gusto nyang gawin, sinabi ko din sa kanya na wag na lang ako. pero ayaw nya pumayag. ang gusto ko lang naman ay makaiwas na sa Zachary na yon para makaiwas na rin ako sa gulo. pero pano kung magsasama kaming dalawa? .

"parang ayoko nang tumuloy Sarah"

"bessy ano kaba. ang daming babaeng gusto na nasa lugar mo ngayon halos magpakamatay sila para lang makapartner si Zachary Ocampo ang the ultimate hottie dito sa campus. tapos ikaw ganyan."

"ayoko kasi talaga syang kasama"

"bakit? may past ba kayo?"

napailing ako sa sinabi nyang yun.

"ayon naman pala e. kung ganon walang problema. tara na ihahatid na kita sa gym"

magpupumiglas pa sana ko kaso nahila na nya ko.

Zachary POV
naglalakad na ko ngayon papunta sa gym. ayaw ko man, wala akong magagawa. isa pa may kung ano sakin na gusto kong makita ang babae na yon. hindi ko alam parang hindi ako mapakali ng hindi ko sya nakikita. hanggang napalingon ako sa bench ng gym at nakita ko si Nina na nakaupo. ewan hindi ko mailarawan kung anong nararamdaman ko ngayon. may part na masaya ako dahil nakita ko sya at may part na naiinis ako dahil kailangan kong gawin to. ano bang nangyayari sayo Zach.

nagseryoso ako nang mukha at pumunta sa kinaroroonan nila Nina. tinignan ko lang sya saglit at tumingin na ko sa ibang direksyon. anong akala nya. bibigyan ko sya na chance para ubusin ang oras ko sa pag tingin sa kanya. nararamdaman ko na tumingin sin sya sakin. pero bigla syang lumingon sa iba ng my tumawag sa kanya.

"Ms. Reyes."

si Mr. Dizon pala ang professor namin. sya ang punot dulo. kaya kami naritong dalawa.

"your here na rin pala Mr. Ocampo." sabi nito sabay ngiti

tinignan ko lang sya as if naman natutuwa ako sa idea nyang ito.

"siguro gusto nyo nang malaman kung ano ang pagtatambalan nyo dalawa. by the way. magkakaroon tayo ng pa play dito sa school at kayo ang gaganap na main character" masayang sambit ni Mr Dizon

"Are you serious?" sambit ko

tss. anong kalokahan nanaman ba ang naiisip nya.

"yes Im serious. gagampanan nyo ang palabas na sleeping beauty. ikaw bilang prince charming ni Aurora. at ikaw Nina, bilang Aurora. diba exciting

" what? No! " zach

" ano po? ayoko po" Nina

sabay na sambit namin. sa tono ng pagkakasabi ng babaeng to parang sya pa ang lugi. hello, ang daming nagkakandarapa sakin tas aayawan nya lang ako.

"What?" Mr. Dizon

napatigin kami ng seryoso sa sinabi ni Mr. Dizon. mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot namin.

"I mean sir. diba po may kiss yon?" nag aalangan na sabi ni Nina

"good for you madaming gustong  makahalik sakin. para kanang nanalo sa lotto pag nagkataon." mayabang na sabi ko

totoo naman kasi pila pila sila sa halik ko.

"You wish! baka bad breath ka pa" matapang na sagot ni Nina

"anong sabi mo?"

gusto atang masampulan ng babaeng to. baka hindi kana bumitaw pag natikman mo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still WaitingWhere stories live. Discover now