yumuko nalang ako at walang sabi sabing tumakbo palayo sa kanila..
"ang sama-sama nila. lalo kana zach. napakasama mo!" umiiyak na sabi ko
nakakahiya yung nangyari kanina. Nina naman kasi bat di ka tumitingin sa dinadaanan mo.
"dito na muna ako atleast dito tahimik"
napagpasyahan ko munang dumiretso sa cafeteria nakakahiya kasi. buti nalang may nag announce na walang class today dahil sa faculty meeting atleast hindi ko na kailangan dumaan ulit sa lobby. baka mamaya nandoon nanaman sila zach. tumataas talaga ang dugo ko pag nakikita ko ang mga yon lalong lalo na ang lalaking yon. kumuha nalang ako ng libro at binasa ito
"ano ba yung maingay na yon?"
bat ba ang ingay. tinignan ko kung saan nangagaling ang ingay. mga student lang naman na naghihiyawan at nag titilian.
"ano bang meron?"
napatayo ako sakinauupuan ko dahil hindi ko makita kung ano ang pinagkakaabalahan nila sa entrance ng cafeteria. unti unti ko nang nakikita kung ano ang meron. I mean kung sino ang pinagtitilian nila. at tama kayo walang iba kung hindi ang mayabang na zach na yon. wla pang isang oras nung nakabangga ko sila tas ngayon. nakikita ko nanaman sila
"O. M. G the hottest student in our campus! whaaaa!!!" girl student
hottest? saan banda?
"I know right. kung siya ang bubuntis sakin. kahit ngayon na!!!" another girl student
kilabutan ka ate sa mga pinagsasabi mo
"handa akong ibigay ang buong katawan ko para sayo Zach baby!!!" another girl
seryoso ba kayo??? hello si zach lang yan. walang iba jan. at isa pa napaka yabang nyan.
hindi ko napansin na malapit na pala sya sa way ko. dahil sa mga babaeng bighaning bighani sa kanya. seriously??
" aray! "
bwiset talaga to. walang araw ba na hindi nya ko aasarin. tinitigan ko sya ng masama.
"akala ko kasi poste" ngisi nitong sabi
onti nalang. pigilan nyo ko babangasan ko lang mukha nito. hindi ko alam kung anong nangyari sakin. kung bakit hindi ko sya mabulyawan. kung bakit walang lumalabas na salita sa mga bibig ko. masama ko lang syang tinitigan.. at hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha sa aking mga mata.. nakita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. siguro nagtataka sya kung bakit ganon ang reaksyon ko. kasi usually kapag ganto ang sitwasyon namin. hindi ako nagpapatalo sa kanya. pero bakit ngayon bakit ganto yung nararamdaman ko. walang sabi sabing tumakbo nalang ako. para makalayo sa kanila, sa kanya. tumakbo lang ako ng tumakbo. hanggang makarating ako sa likod ng school tahimik dito. walang masyadong nagpupunta. bigla nalang akong umupo sa sahig at may inilabas na picture.
"Sabi mo babalik ka.. sabi mo mag-antay ako, sabi mo... sabi mo... asan ka na ba kasi? kinalimutan mo na ba ko? ayaw mo na ba sakin?" hagulgol kong sabi
nasaan ka na ba kasi. babalikan mo pa ba ko? may inaantay pa ba ko.. lumuluha kong sabi.
Flashback
"Nina, antayin mo ko. babalik ako."
" mag- iingat ka don. promise mo babalik ka. aantayin kita" malungkot na sabi ng babae
"oo naman, kung pwede nga lang na hindi ako umalis e. babalik ako tandaan mo. nandito kaya yung buhay ko." sabay hawak sa mukha ni Nina
"wait for me. wag mo kong ipagpapalit ah." sabi pa nito habang nakangiti
hindi nagsalita si Nina. tuloy tuloy lamang ang pagtulo ng mga luha nito
"Hey. wag kanang umiyak. baka magbago pa ang isip ko e."nag aalala nitong sabi
pinunasan ng lalaki ang mga luha ni Nina at hinawakan naman ni Nina ang mga kamay nito. nakatitig lamang ito sa kanilang mga kamay.
" sige na umalis kana. your dad is waiting for you. baka maiwan kayo ng eroplano" malumanay na sabi ni Nina
"Nina, mag ingat ka. promise me iintayin mo ko."
"promise. I waiting for you. "
niyakap muna nila ang isat isa bago tuluyang sumakay ng eroplano ang lalaki. nalulungkot man ay kailangan nilang tanggapin na maghihiwalay muna silang dalawa.
flashback end
biglang niyakap ni Nina ang picture na hawak nya habang umiiyak.
" aantayin pa rin kita. mag aantay pa rin ako sayo" umiiyak na sabi ni Nina
Zachary POV
nangyari don? bakit sya umiyak. nakikipag biruan lang naman ako sa kanya. nasaktan ba sya sa sinabi ko sa kanya? masyado bang malakas ang pagkakabangga ko sa kanya? may mali ba kong sinabi. iniinis kong naman sya. ang cute nya kaya kapag naiinis. nasobrahan ba ang pang iinis ko. I think wala namang below the belt akong nasabi o ginawa. its just a joke. joke lang yun. para seryosohin nya... pero bakit ganon. nung nakita ko siyang umiiyak may part sakin na gusto ko syang yakapin. may part sa akin na gusto kong sabihin na tama na andito lang ako. pero mali eh. bakit ko naman sasabihin sa kanya un. eh kelan lang naman kami nagkakilala. tss. ang labo naman ng pakiramdam ko sa kanya. pero... pero okay lang kaya sya?"Pre lets go." Ellie
"coming! " zach
Christian POV
naglalakad ako dito sa may likod ng school. bakit? wala lang gusto ko lang lumanghap ng hangin. masyadong grounded na kasi sa harap ng school. teka. si Nina ba yon? anong ginagawa nya rito?"Nina!"
lumingon naman sya. sabi na si Nina nga yon. pero teka bakit parang kakagaling nya lang sa iyak. okay lang ba sya?
"ayos ka lang ba?"
"ah.. eh oo ayos lang. anong ginagawa mo dito sa likod?"
sigurado bang okay lang sya. mukhang kakagaling lang nya sa iyak.
"nagpapahangin lang. ikaw? sure kabang ayos kalang?" worried na tanong ko
"oo naman" mabilis na sagot nya.
umiwas na sya ng tingin sakin at tumingin sya sa mga ulap.
"masarap sigurong maging ulap"
napatingin ako sa kanya pero sya sa mga ulap pa rin sya nakatingin.
"siguro kung naging ulap ako. malaya ako. malaya ako sa lahat"
nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita sya. ano kayang problema nya. nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya habang nakatingin sya sa mga ulap. sana kaya kong bawasan yung bigat na nararamdaman mo. sana may magawa ako para maalis ang mga lungkot sa mga mata mo. kaya kahit alam kong may problema sya hindi ko nalang tinanong nakinig nalang ako sa mga kwento nya. para kahit papano nababawaaan yung mga dinadala nya. ang ganda lang nyang pagmasdan habang nakatingin sya sa mga ulap. para syang isang ulap habang tinitignan ko. para syang mga bituin na nagniningning sa paningin ko.
YOU ARE READING
Still Waiting
DiversosLove will see you through believe in things you want to do and feel happy when your dreams come true. In life, we seldom find a true person and if we ever find one, hold on, and never let go. because it is one of life's gift worth keeping. distance...