"Kasal"

6 0 0
                                    

Narito akong muli, sa mundong hindi maipaliwanag. Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang simbahan. Tila mayroong ikakasal ayon sa ayos ng mga tao. Napukaw ang aking atensyon sa isang lalaki sa labas ng simbahan, batay sa kaniyang ayos ay mukhang siya ang lalaking ikakasal.

Naglakad na ako palabas ng simbahan. Hindi ko alam kung bakit dito ako napunta, hindi ko naman kilala ang mga tao dito. Sumulyap akong muli sa harap ng simbahan at nakita ko ang unti-unti nitong pagbukas. Dumako ang aking tingin sa lalaking ikakasal at laking gulat ko na sa akin rin nakapako ang kaniyang tingin. Nangungusap ang kaniyang mga mata na para itong nagmamakaawa at hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong nararamdaman.

Tinalikuran ko ito at nagmamadali nang lumabas. Tumakbo ako at ngayon ko lamang namalayan ang aking kasuotan. Nakasuot ako ng isang mahaba at magandang damit. Napahinto ako nang makita ko ang aking pamilya na nakaupo sa isang mahabang lamesa. At tulad ng mga nakita ko sa simbahan ay tila ba galing rin sila duon base sa kanilang kasuotan.

Nabigla ako sa pagdabog ng aking ama sa lamesa kasabay ng pagtayo nito. Parang naga-apoy ang mga tingin nito. Nakaramdam na ako ng takot ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ito nagkakaganito. "Kaya't ikaw, huwag na huwag kang magmamahal ng lalaking hindi ka kayang panindigan!" Napaatras ako sa takot at pagkabigla sa sinabi ng aking ama sa akin.

12;49Where stories live. Discover now