Chapter 1: Ang Madramang Panimula

8 1 0
                                    

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Madilim na.

Nakatulog pala ako ng nakaupo sa labas ng bahay sa may terrace. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig ng hanging dumadampi sa aking balat. Iba talaga ang simoy ng hangin ng probinsya. Kahit yata singhutin ko ng paulit-ulit ay walang mababakas na polusyon. Malayong malayo sa syudad na puno ng usok at mga taong nagmamadali.

Nilibot ko ang aking paningin. Puno ng buhay ang paligid. Madilim man dahil sa kadiliman ng gabi, hindi maitatanggi na talagang minahal ko ang pinagmulan ko.

"Cookie, pumasok ka na at malamok na d'yan sa labas." Nakatayo si mama sa pintuan.

"Opo," tumayo na 'ko mula sa isang tumba tumba kung saan din ako nakatulog. Hindi pa naman malamok dito sa labas pero malamig na. Siguro dahil narin sa Christmas season. Sa panahong ito, talagang lumalamig... baka nga hanggang February pa 'to.

"Iligpit mo na 'yang mga gamit mo, pagkatapos dumiretso kana sa kusina. Kakain na tayo."

Tango lang ang naging tugon ko. Inayos ko na ang mga gamit ko. Kahit na kasi Christmas vacation, busy parin ako, gumagawa ng school works.

Hindi nyo na naitatanong, writer ako sa isang online club sa school na "writers who never sleep". Dito malaya kang mag post ng mga articles tungkol sa mga nangyayari sa school. It's either educational or for entertainment. Ngayon, may article akong ginagawa tungkol sa pasko ng pinoy and why do we have the longest Christmas celebration. Sa tingin ko interesting naman 'yon at lahat kasi pwede makarelate.

Pero, this story is not about me being a writer... may mas malalim pang reason. As in super deep that it can make you relate and say "yah right!"

Well, let me start in introducing myself...

I am Cookie Pizzaro. Isang masipag at nag-aaral na mabuti na college student. Sa ngayon, second year educ student ako at wala akong balak mag-iba. Medyo may kahirapan din kasi ang kurso ko lalo na kung hindi mo siseryosohin. Meron kasi itong maintaining grade, kapag hindi ka nakaabot, it's either you change your course or you change your school. Mahigpit kasi ang patakaran sa pinapasukan kong eskwelahan, idagdag pa ang mga mahihigpit na professors at dean.

Kahit dalawang taon na akong educ student, may tendency pa'rin na matanggal ako kapag hindi ko pinagbuti. Well, I used to manage my time in studying naman kaya I think, ayon sa aking calculations, I only have 10% in failing. Kaya no more questions... but, if my calculations fail...then, bigti nalang tayo.

Ayun, masipag naman akong bata... masipag ha! Hindi naman kasi ako ganun katalino unlike those who can have high grades without falling a single drop of sweat.

Mabalik tayo sa usapan, sa totoo hindi rin about studies ang gusto kong pag usapan natin... ang gusto kong malaman nyo kasi ay tungkol sa pagiging fanatic ko.

Since fourth year high school, naging idolo ko na si Cloud Ruiz. Pano ba naman, boses palang n'ya, nakakainlove na! At kapag kumanta s'ya? Naku! Mapapasabay ka pa!

Alam mo ba yung feeling na marinig mo lang yung boses n'ya sa radio ay parang katabi mo lang s'ya?

O yung pakiramdam na parang ikaw yung kinakantahan n'ya?

Kapag nga sumabay ka pa sa pagkanta nya, akala mo meron kayong duet... sarap mangarap no?

Alam ko , alam n'yo yung ganung feeling lalo na yung may mga may idol na singer.

Simula noong narinig ko yung isa nyang kanta sa radio na "Once in a lifetime", sinubaybayan ko na s'ya. At take note, nagresearch pa ako ng bongga tungkol lahat sa kanya. From how he became a star and up to what is his favourite color ay alam ko. Dahil nga sa kanya, nagustuhan ko ang color yellow. Pati nga yung idol na singer nya na si Scotty McCreery ay naging favourite ko narin. Well, magaganda rin talaga ang kanta nitong si McCreery. Magaling talagang pipili si idol Cloud ko.

Alam nyo ba na pati social media pinasok at pinag-aralan ko para lang hindi mahuli sa balita. Nag-sign up ako sa facebook para i-like ang mga page na may tungkol sa kanya. Kinlick ko pa nga yung 'show notifications' para walang lusot ang mga update nila.

Meron din akong twitter, doon, tulad ng pagiging matiyaga kong estudyante, matiyaga ko ding hinihintay ang mga tweet nya. Minsan nag cocomment, retweet at favourite pa ako. Nagmemesage din ako, hoping na mapansin nya 'yon at replayan man lang.

Nilubos lubos ko na kasi pati instagram ay meron ako. Syempre, gusto kong maging updated sa latest pictures n'ya. Idol eh.

May mga kung ano ano din akong sinasalihang voting poll. Yun bang ivovote ko s'ya bilang best singer of the year o kung sino ay may mas magandang kanta among those other singers.

Nanonood din ako sa youtube ng mga music video n'ya at mga concert nya na nakuhanan ng ibang fans.

Nakakalungkot man kasing sabihin, kahit pa updated ako lahat sa kanya ay may isang bagay na hindi ko pa nararanasan. Yun ay ang makita sya sa personal, umattend ng mga concerts at mall show, at kahit ang makapagpa autograph sa kanya.

Ganun yata talaga ang buhay, hindi man ako pinalad, sana next time magkaroon ng pagkakataon.

Okay lang basta kuntento muna ako na lahat ng nirerelease na album nya ay nabibili ko kahit pa magtipid ng sobra para lang mabili ang mga ito.

Kapag lalabas s'ya sa isang programa sa telebisyon, talagang tutok na tutok ako kahit pa isantabi ko muna ang parereview at madaliin nalng ito kapag nasa school na 'ko.

Masayang maging isang fan kahit pa minsan nasasabihan ka ng hindi maganda. Kesyo tao lang din naman sila o kung bakit inaaksaya ko pa ang oras at pera ko masubaybayan lang sila. Ito lang ang masasabi ko, isa s'ya sa mga inspirasyon ko at hanggang hindi n'yo nararanasang maging fans, wala kayong karapatang magsalita against samin. Ang kailangan lang naming ay pang unawa na dito kami Masaya. Bow!

Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa lamesita. Mamaya ko nalang ilalagay sa kwarto para sabay narin ang pag akyat ko dun. Nakakapagod din kasing mag akyat baba.

"Kain na tayo!" tawag ni mama samin. Si papa kasi nanonood ng basketball. Si Kuya naman naririnig ko na na pababa galing sa kwarto nya.

"Opo!" sagot ko. Dumiretso na ko sa kusina, kasunod ko si papa matapos n'yang patayin yung TV.

Naupo ako sa tabi ni kuya.

Matapos naming kumain, niligpit at hinugasan ko na ang pinagkainan namin.

Kinuha ko narin yung mga gamit kong iniwan sa lamesita at umakyat na kwarto ko.

Pagpasok ko sa loob, bubungad agad sayo ang mga posters ni Cloud Ruiz. Lahat yun ay nakadikit sa pader. Kumbaga, ginawa ko na s'yang wallpaper.

Pumunta ako sa study table ko. Wala lang. Sa mga ganitong sitwasyon kasi na wala akong masyadong nasa isip na gawin, mas gusto kong tumingin sa labas ng bintana na katapat ng study table ko. Mas nakakarefresh. Mas nakakapayapa ng damdamin.

I glance at the picture at the corner of the table, sa tabi ng maliit na lamp shade. It is a picture of him. Hindi ko mapigilang hindi sya titigan.

Bakit ba ang gwapo mo?

Pwede bang akin ka nalang?

Hay! When will be the time na magkita tayo?

Do I have a single chance of meeting you?

At posible ba na ang isang ordinaryong ako ay mapansin, and somehow ay magustuhan ng isang out of reach na ikaw?

Kung possible naman, well, I will wait for that.

Fate... bilisan mo namang kumilos...

(I need opinions... kailangan ko ng inspirasyon.! Kung hindi rin labag sa loob n'yo, pwede ring mag Vote! -Dhayie)

Dreamy DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon