Chapter 3: Eye Problem

2 1 0
                                    

"Tulugin, gising na."

Naalimpunatan ako sa mga mahihinang hampas ng kamay ni kuya. Nakakasilaw ang sikat ng araw na tumatama sa'kin na nagmumula sa bintana ng sasakyan.

Nilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakaling makakita ng isang pamilyar na lugar na magsasabi kung nasaan na kami. Naramdaman ko ang tila pagtaas ng sasakyan na animo'y magtutuloy paakyat sa kalangitan. Ah fly over sa Baliuag. Malapit na pala kami.

Umayos na 'ko ng upo at hinintay ang pagpasok ng kotse namin sa parking lot ng mall.

Pumunta kami dito to have our family bonding. Paminsan minsan lang lang din naman naming nagagawa 'to. Yung umalis ng bahay at mamasyal. Si papa kasi busy sa farm namin. Lagi s'ya sa bukid para tignan kung nagiging maayos ba ang mga tanim na gulay. Madaling araw palang nandun na s'ya at umuuwi naman kasabay ng paglubog ng araw. Kahit pa may mga trabahador s'ya, mas gusto n'ya yung pati s'ya ay gumagawa doon.

Si mama, isang elementary teacher. As usual, lagi s'ya sa school. Ganoon yata talaga ang guro. Kasabay ng panunumpa ay responsibilidad sa mga batang tinuturuan. Kahit pa hindi maganda ang pakiramdam ay kailangan paring pumasok at magturo. Mas importante na may matutunan sila. Nararamdaman ko 'yan dahil soon, magiging isang ganap na guro na din ako.

Si kuya naman, kasama ni papa sa bukid. Nakatapos s'ya ng college na may kinalaman sa agrikultura. Sa ngayon, nagbibusiness din s'ya ng mga agriculture products at inaalok sa mga malalaking sakahan.

Kung mapapansin n'yo, hindi naman ganoon kayaman ang pamilya namin. Average kumbaga.

Isa akong probinsyana na namumuhay ng simple dito sa Bulacan.

**

Naging super saya ng pamamasyal namin. Nanood kami ng sine, tapos kumain, at ang pinaka Masaya. Pinayagan kami ni papa na bumili ng libro. Treat daw n'ya samin!

Kapag talaga libro e nagkakasundo kami ni kuya. Bumili ako na "First phone call from heaven" ni Mitch Albom (nag-iendorse lang po) at "the child called it" ni Dave Pelzer naman ang binili ni Kuya.

Kapag ganito, naghihiraman nalang kami ng libro para mabasa naming ng pareho. Hehe

Pauwi na kami. Habang paakyat ako ng kotse, may nahagip ang malikot kong mata.

S'ya yun ah?

Blink... blink...

S'ya talaga yun.

Sinundan ko pa ng tingin. Mismo! Alam kong s'ya yun. Parang may kung anong pumiga sa puso ko dahil tila huminto ito na nagpahirap ng paghinga ko. Bigla akong natulala na parang bata na hindi alam ang gagawin matapos bigyan ng guro ng math problem.

Animo'y isang anghel si kuya ng kalabitin nya ko sa ulo. Abat masakit yun ah.

"sasakay ka ba o iiwan ka namin?" itinuwid n'ya ang likod nya sa pagkakasandal. Narinig ko pang dinugong nya, "chismosa"

Ako na wala parin sa sarili ay napatingin ulit sa direksyon nayun. Wala na. Pero nakita din kaya ni kuya kasi chismosa daw. Ngunit di kalayuan , halos tabi lang kung saan ko sya nakita ay couple na tila nag aaway.

Sumakay na ko at umupo sa tabi ni kuya. Syempre kanino paba ko tatabi.

"Kuya, nakita mo ba yung nakita ko?"

"yung nag-aaway?"

"oo...este hindi.! Si Idol!"

"Cloud?"

Tumango tango ako.

"Oo naman..."

"talaga?" bakas ang saya sa boses ko.

"diba ang dami nun sa kalangitan kanina. Look, ayun o! Ang dami!" bwisit talaga to. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

Habang iniisip ko yung nakita ko, hindi ko maiwasang magbalik tanaw.

Si Idol yun ah.

 

Nakasuot sya ng polo shirt na tinernuhan ng medyo kupas na maong pants. Nakashades din s'ya. Pasakay na s'ya sa black Chevrolet.

 

Mabilis ang pangyayari. Pinaandar nya ito at umalis na sa parking lot papalabas ng vicinity ng mall. Pero kahit ganoon, alam kong s'ya yun.

 

S'ya nga ba?

 

O dahil lang sa sobrang paghahumaling ko sa kanya ay pati ibang tao ay napagkamalan kong s'ya?

 

Kailangan ko yatang medyo lumayo sa mga bagay na may kaugnayan sa kanya. Para kasi kong mababaliw na. Imposible talaga na ang isang sikat na Cloud Ruiz ay nasa isang mall sa baliuag. Wala rin naman akong nakitang show sa event center.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreamy DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon