N [EDITED]

2.4K 69 8
                                    

Innocent Seduction. [Start--가자!] (Part 2)

"Oh? Hahahahahahahaha. Tinataliku-talikuran ka lang pala eh! Hahahahahaha." Tawang tawa na sabi ni Changsub bading.

Kinagat ko yung sandwich ko. Tss. Kwinekwento ko kasi sakanya kung anong nangyari kanina, yung first encounter namin 'nung Jungkook.

At heto siya tawa ng tawa.Kingina nito eh noh? Wag ko na kaya ituloy yang operation; seduce jungkook na yan!

"Hahahahahahhahahahahahaha. Tapos tinawag kang Georgina---pfft." Inirapan ko siya. Nang tumawa lang sya lalo ay binato ko sakanya yung plastic ng sandwich ko.

Sapol naman sa mukha, may mayo pa yun, take note.

"Kadirian mo nman!"Sabi niya habang tinatapon pabalik sakin yung plastic. Itinabi ko yun sa gilid ko. Punyemas ka kasi.

"Pano ba yan? Taob ka na ngayon? Ano nangyari sa title mo? Teka natatawa padin ako. Hahahahahhaha" natatawa nyang sabi habang pinunasan gamit panyo yung mukha niya.

Inirapan ko nalang siya.

"Ms. Phleigh? Excuse me po?"Napatingin nman ako sa lalaking tumawag sakin. Bakit dadaan ka po?

Gusto ko sanang isagot.

Ngumiti naman ako. "Bakit?"

Narinig ko naman na nagpipigil ng tawa yung isa dyan. Tss. Mabulunan ka sana ng sarili mo laway.

Maya-maya may inabot syang sulat. Maganda yung papel na pinagsulatan at halatang may effort.

Nakatingin lang ako dun habang namumula nyang inabot sakin yun.

Nagtataka man ako kinuha ko iyon. Baka death threat?

"A-ano to? Hehehe." Yumuko lang siya.

"B-bsahin nyo po sana. Bye." Tapos nagmamadali syang umalis ng cafeteria. Narinig ko naman nag-si-woo yung mga lalaki dun sa may labas ng cafeteria na sa tingin ko ay mga tropa niya.

Tinitigan ko lang yung sulat. May ilan padin na nakatingin sa gawi nmin kaya hindi ko pa matapon to.

Ano ba kasi to.

malay ko kung death threat pala oh utang ko-----

"Engot, love letter yan. Pfft." Napatingin nman ako kay Changsub na umiinom ng tubig.

Love letter?

"Di mo ba babasahin? Naks naman, george. Ganda mo nman. Hahahahhahaha." Sabi niya pagkatapos niya ubusin yung mineral water. Kinuha ko yung bote at pinukpok sakanya.

"Tss."Tinago ko na lang sa bag ko yun. Sayang nman,dba?

Tinuloy ko na lang yung pagkain ko sa sandwich ko ng may natatanging lalaki na pumasok sa cafeteria na mag-isa.

Innocent Seduction [Jungkook FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon