Innocent Seduction [A night with him]
Napanganga ako ng tumingin ito sa gawi ko at isang mapanlarong ngisi ang lumabas sa kanyang labi. Sino kaya siya???
Agad akong umiling sa naiisip ko. Duuuh, imposibleng siya. Sinong siya ulit tinutukoy ko?!
Focus!!!
"1,2,3..........Go!!" Agad pinaharurot ng mga kalaban namin ang mga kanilang motor na sinabayan ni Changsub habang moderate lang ang takbo ko. Nakikita ko kung pano nakipagdikdikan ang lalaking nakapulang jacket kay Changsub. Napangisi ako, alam ko na yang gagawin mo.
Humarurot kagad si Changsub kaya agad siyang sinundan nung naka-pula at nakalayo kagad sila samin. Nagtri-tricks pa ako ng mapabusangot ako.
May isa pa nga pala siyang kasama!! Tsk.
Binusinahan nya ako at pumantay sa bilis ng takbo ko. Mas binagal ko na ang takbo ko at siya ang nauuna. Binusinahan ko naman siya kaya bahagya siyang bumagal. Siguro ay alam na nyang nasa likod lang ako.
Agad akong pumunta sa kaliwa nya papunta sa unahan niya. Pagewang gewang kong pinaandar ang motor ko habang nasa mabilis. Style ko ito para maharangan siya sa pagsingit sakin. Nakita kong checkpoint na kaya kelangan ko bilisan.
Tama ako at di makadaan etong lalaking nakaitim. Dumiretso ako ulit sa unahan niya at mas pinaharurot ang motor. Pinausukan ko siya. Take that! Oha hehehee.
Di ko na maramdaman ang pagsunod niya sakin. Sigurado akong sure win na si changsub ng marinig ko ang pito at hiyawan.
Ako nalang at panalo na! Okay, george keri mo ituuuuu. Nabahala ako ng may narinig akong busina sa may gilid ko. Yung lalaking nakaitim at jusq inunahan niya na ako!
Nadistract ako sa pagmomonologue sa utak ko ha??
Yan lang ba ang kaya mo?
Naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga tao. Pinaharurot ko ulit ang motor ko at hanggang sa makapantayan ko na siya. Sinigurado kong tinaas ko ang takip sa helmet ko at ngumiti sakanya at saka siya binunggo. Inunahan ko nanaman siya sa harap niya. Pinataas ko pa ang unahan ng motor ko hanggang sa makalagpas ako sa linya.
Agad akong tumawa ng makita kong nakaabang na ang nakangising si Changsub. Sabi na eh! Natawa ako kasi mukha siyang asong uloel ehehehehe.
Lumapit ako kay kuya at hiningi ang premyo. Nakabag itong malaki at isang susi. Binigay ko yung bag kay Changsub. Ngumiwi naman siya at sunod sunod na reklamo ang inabot ko sakanya. "George naman eh. Gusto ko yung kotse."
Agad akong pinaandar ang brand new na kotse sa harap ko. Ang bago kong baby hehehehe. Pano ko kaya maiiuwi to? Sasabihin ko kela mama ipon ko :""">
Kaso sasampalin ako non.
Ako nagipon.
Anong kalokohan yon.
"Uwi na ko changsub ah! Bili ka kotse dyan!" Sinakyan ko na kaagad yung bago kong baby. Nakasimangot lang si Changsub na kinkatok yung salamin. Uloel?!?
Binaba ko yung bintana at binalibag sakanya yung susi ng motor ko. "Pahatid bukas sa bahay!!! Mwa hehe."
Agad kong binaba ang bintana ng bagong kotse ko. Makauwi na nga. Inantok ako sa laban na yon grabe. Kala ko pa naman magaling?!?
Pinaandar ko na pauwi yung kotse. Buti nalang walang masyadong kotse pagabi. Bukas may pasok pa nga pala. Di pa ko nakakaaral sa isang subject ko?!?
BINABASA MO ANG
Innocent Seduction [Jungkook FF]
FanficI'm George Phleigh the oh-so-called Innocent Seductress, and I play the game called Seduction. [JUNGKOOK FF]