Andito na po ako!! Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.
Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kaming relasyon ni Joey!
Minsan mo na akong niloko Andy kaya di mo ako masisisi kung hanggang ngayon ay nagdududa pa rin ako!
Napabuntong hininga na lamang ako araw-araw ganito sina mama at papa laging nag-aaway. Dumiretso na ako sa kwarto ko total di rin naman nila ako mapapansin. Agad kong kinapa sa bulsa ko yong phone ko at nag open ng Facebook
😞 As always 😞
#feelingAloneWala pang minuto
😢Mel, Keziah and 10 others react to your post
Keziah Hug Sent ❤
Melissa lika sa bahay pagluto kita ng lumpia at Fried chicken
Napangiti ako kahit kailan talaga tong dalawang to! Di talaga nawawala sa ka emotan ko sa buhay to the rescue sila lagi. Well thanks to them at least nakakalimutan kong mag-isa lang ako.
Mel wants you to join in video call..
Okay ka lang? Duet kaagad ng dalawa nong mag join ako sa video call nila
Hindi na lang ako nagsalita it's useless halata masiyado sa pagmumukha ko na di ako okay
Girls why not gumala tayo tanong ni Mel
Sa Mall sagot naman ni Kez
Nope! What I mean is yong adventure! Malayo sa city yong ganoon!
At saan naman? Kunot noong tanong ni Keziah
Marshal Falls!! Excited na anunsyo ni Mel
Paano? Natahimik pa sila agad nong bigla akong magsalita
Hoy paano nga? Ulit ko nakatulala lang kasi yong dalawa Mel is right kailangan ko ng fresh air kailangan kong lumayo muna sa bahay namin yong kahit saglit lang makalimutan ko munang may problema pala ako.
So see you tomorrow!?
huh? Anong tomorrow naguguluhan kong tanong medyo napunta kasi ako saglit sa outer space
My gosh! Airah mahina ba wifi diyan sa inyo o naka data ka lang? Sabi ko bukas na ang alis natin since may na rent na van sina ate at di sila matutuloy kasi nalaman ng bayaw ko na masilan yong pagbubuntis ni ate kaya tayo ang tutuloy sa naudlot na adventure nila ate. Magsasalita pa lang sana ako
Psshhh!!! Everything is settle ang kailangan na lang natin tomorrow ay yong self natin take note girl Presensya baka kasi andoon ka at naiwan yong diwa mo dito. Natatawa pang paliwanag ni Mel. Pag ito talagang babaeng to ang nag plano wala talagang makakapigil sa kanya
By the way My name is Airah Fe Servida 20 years old a 3rd year college student taking up Bachelor of Elementary Education major in General Education.
****
Kinabukasan habang nag-aagahan kami tahimik lang ako at pareho lang ding tahimik si mama at papaBaby I'm sorry about kahapon.. Napatingin ako kay mama Sorry kung lagi mo na lang kaming naaabutan ng papa mo na nag-aaway nagsimula ng manubig yong mga mata ko
Pero wag na wag mong iisipin na hindi ka namin mahal anak mahal na mahal ka namin ng mama mo! Dugtong naman ni papa
Mahal ko rin po kayo mama papa!Feeling ko gumaan na yong pakiramdam ko kahit papano