A/N: Sa first chapters ay flashback palang po ito kung pano nagkakilala si Ish and Jack since nasa iisang school lang sila. Wala pa yung present hehe. basa well hahahaha
-1 YEAR LATER...
Ishtar's POV:
"Mga baklaaaaaa, di ako makapaniwala na 1st year college na tayo!!!" Tuwang tuwang sabi ni lemon samin.
"Teka, ano ba balak nyo? Anong course ba kukunin nyo?" Tanong ni gigi habang kumakain ng piattos
"Ako ang kukunin kong course is Industrial Engineering. Ikaw ba Lemon? Diba sabi ni tito ikaw ang mag ma-manage ng company nyo?" Sabi ko kay lemon
"Yes, ang akin naman ay Business Management. sayang nga e, gusto ko sana magkakaklase tayo huhuhu" Nakanguso na sabi ni lemon samin ni gigi.
"Ako naman Tourism, syempre ang ganda ko kaya no! BWAHAHAHA" Sabi ni gigi
"teka, anong kinalaman ng pagiging maganda ha? kawawa naman kaming mga panget oy!" sabi ko psh.
"Wow nagsalita yung pinakamaganda sating lahat!!" sabay nilang sabi.
Tignan mo nga naman, nagkampi pa yung dalawa.
Pagkatapos namin mag movie marathon ay napagpasyahan naming matulog na dahil bukas ay mag e-enroll na kami sa Clark University.
Yes po, opo. doon parin po kami mag aaral since malaki naman ang Clark U and kilala. Napagdecide namin na dun nalang kami ulit mag aaral.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
6:00 am, Monday
*Kringgggg kringgg!!!*
"Ughhhhh, nakakatamad bumangoooooon!!" wala nakong nagawa kung hindi bumangon at maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nag bihis at nag ayos nako.
Pagkababa ko sa sala ay meron ng nakahandang pagkain: Hotdogs, Eggs, Fried Rice and Water.
Natatakam nako, dali dali akong kumain dahil anong oras na din at si lemon at gigi ay kikitain ko pa sa school.*CLARK UNIVERSITY*
Pagkakita ko sa Clark U ay bigla kong namiss yung HS days ko bwahahahaha kahit ilang months palang nakalipas since nung grumaduate kami nila lemon dito.
Habang naglalakad ako di ko maiwasang mapatingin sa malaking sign na nakalagay ay...
*CLARK UNIVERSITY, COLLEGE DEPARTMENT*
Yes, this is it, pancit!! College na kamiiiiii whoooooo!!
Dali dali kong tinawagan si Gigi sa phone..
Sinagot naman nya ito"Hola! Como estas mi amiga?" (Hello, how are you my friend?) Bungad nyang sabi saken, aba nag spanish pa si gaga.
"Muy bien, y tu? (very well, and you?) potek asan na kayo? Andito nako sa bungad ng college department!" sabi ko sakanya.
ako nanaman nauna lagi nalang, ambabagal kumilos talaga kahit kelan.
"Kasama ko na si lemon, don't worry. naglalakad na kami papunta jan, makikita mo na agad yung maganda--" Sabi ni gigi at ayun na nga po,
Biglang humangin ng malakas, pahangin effect habang naglalakad sila. chos!
Binaba ko na yung tawag at binatukan si gigi ng malala.
"Hoy ikaw bruha ka tumigil ka jan, mag e-enroll na tayo, mahaba nanaman ang pila" naglalakad na kami papunta sa loob at diko maiwasang mapahanga kasi ba naman, ang ganda, ang lawak parang hotel lang AHAHHAHAHA
So ang nangyare, nahiwalay din kaming tatlo kasi iba iba kami ng course, bale every course, may department din at dun pala mag eenroll. sorry diko alam hehe.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
After manymanymany years ay natapos na din ang pag eenroll ko. nakuha ko na rin ID ko.
CLARK UNIVERSITY
SCHOOL IDName: Sanderson, Ishtar J.
Birthdate: February 14, 2003
Age: 18
Course/Sec: BS Industrial Engineering-1A
putek ang pangit ko naman sa ID AHAHAHA. Uniform ko nakuha ko na din, mabilis lang mag enroll sa CU kasi nakaorganized na kung pano yung process of enrolling nila, sana all.
Natapos na din sila lemon at gigi mag enroll, so kumain muna kami sa Mcdonald's.
hay, kapagod.
Nakauwi na rin ako sa bahay bago mag 6pm, pano ba naman kasi tong sila lemon, nag aya pang mag-mall di tuloy ako nakauwi agad HAHAHAHAA good girl ampeg.
PASUKAN NA BUKAAAAAAS, SANA NAMAN MAAYOS AT MATINO MGA KAKLASE KO.
ZzzzzzzzZZZZzzz
BINABASA MO ANG
In The Back Of My Eyes
Mystery / ThrillerIsh Sanderson believes that everything happens for a reason and people come and go. years ago, She met Jack.. A guy that will change her almost PERFECT world with another guy whom she really loved. Can Jack will ruin their relationship?