CHAPTER ONE

13 3 0
                                    

Dedicated to: Ashtrix_Dim

AYA'S POV:

"Aya" narinig kong tawag ni Anne sakin habang yinuyugyug ako dahilan na akoy nagising. "Hoy bangon na malalate na tayo" ani Anne kaya nagmamadali akong bumangon tsaka naligo at nagbihis pagkatapos kong magbihis ay tapos na rin si Anne at hinahanda na ang pagkain.

"Mmm,sarap naman nyan" saad ko habang sinisimot yung pagkain.

"Aba, ako pa, magaling naman talaga akong magluto, masarap pa katulad ko" aniya kaya napatawa ako "hahaha,loko ka!"

"Mag-ayos ka kasi para may makatikim na sayo " dagdag ko pa tsaka umupo at nagpasalamat sa Panginoon sa pagkaing ibinigay nya samin.

"Amen" sabay naming sabi at kumain na.

"Alam mo, wala pa muna ako sa boyfriend..boyfriend nayan. Wala naman akong natitipuhan" panimula nya.

Ganyan naman talaga sya since grade 7 palang kami, sinusuri nya talaga yung mga lalakeng nagkakagusto sa kanya tsaka pag tipo nya sasagutin nya.

Daig pa nya yung evaluators namin sa school. Hahahaha

"Malay mo baka maraming gwapo at mabait don sa Ilite Academy, ang sosyal pa ng pangalan ,sigurado akong puro na naman mga rich at spoiled kids don, Tss"

"Ang masasabi kolang sayo magmadali kana dyan dahil malapit na mag alas 8:00" aniya

"Huh?" Yun lang ang tanging naisagot ko dahil lutang na naman. Hayst. Tss

"You're such a daydreamer" tara na.

Ngayon kolang naintindihan yung sinabi nya kaya nagmadali akong mag toothbrush tsaka sumakay sa kotse at pinaharurut ito papuntang Ilite Academy.

"Hala, wow anganda naman"

Napapamanghang saad nya dahil totoo naman talagang maganda ito.

"Oo nga" tanging sambit ko, kahit hindi na kapani-panibago sakin ang school dahil junior high school palang ako palagi akong pumupunta rito para hatid-sundo ate ko.

Pinark kona ang kotse tsaka pumasok na sa loob ng campus.

"Oi, Via" sigaw ni Venice , kababata ko

" Oh Venice, nice to see you again"

Saad ko tsaka nag biso-biso kami.

"Kumusta na pala ate mo?"

"Ahh, okay na sya , nagpapahinga na"
Pagsisinungaling ko

"Akala koba hindi kana dumadalaw sa ate mo?" Bulong ni Anne kaya siniko ko sya

"Tumahimik ka nga" Bulong ko ulit sa kanya pero hindi pinahalata.

Nasa hospital pa kasi ate ko ngayon dahil dahil nahulog sya sa hagdan tsaka na fracture yung kamay at paa nya. Malapit na syang mag 1 month ron, ewan ko kung bakit hindi pa sya nakakalabas.

"Clumsy kasi eh, tss"

"Ahh, Via, who's with you? ani Venice tsaka bumalik sa realidad ang utak ko.

"Ahh, si Zephania Quincy Altura, my bestfriend, but you can call her Anne " Saad ko tsaka ngumiti.

"Venice- Anne, Anne- Venice "

Paralyzed Love (Season 1)Where stories live. Discover now