Dyosa #1

98 2 0
                                    

"Maganda ka sana kung hindi ka lang pango."
"Maganda sana ako kaso Hindi. Dyosa ako eh."
"Dyosa? Tama! Anak ng gubat! Hahahahahaha."
"Dyosa ako. Kahit anong sabihin mo. Dyosa ako."


"Hoy taxi! Para!" Sigaw ko sa Kulay dilaw na kotse na ang tawag ay Taxi. Feeling ko sasabog kaming pareho dahil sa suot kong kulay Dilaw na bistida. Sabi kasi ng Nanay ko bagay sakin ang asul kaya nagDilaw ako.

Ge.

"Ma'am san po punta natin?" Tanong ng driver sakin.

"Sa mall ako. Ikaw mag-pasada ka muna bago ka mag-gala." Sagot ko naman.

Tinignan niya lang ako sa center mirror saka naman tumango. Sinaksak ko nalang yung Earphones sa tenga ko.

Napansin ko naman na biglang nag-lagay ng mask yung driver saka nag-spray ng kung ano sa may Aircon! Ay shet ano tho?

First chapter palang tragedy agad?

"Hoy manong ano yang iniispray mo??!"

"Ah wala miss, ano, pabango lang to."

"Pabango? Eh bat nag-mask ka? Itigil mo tong sasakyan! Bilis ngayon na!"

"Igigilid ko po ba?"

"Oo wag kang tanga! Alangan namang bababa ako dito sa gitna ng kalsada edi namatay nako?"

Pinanlakihan ko siya ng mata kaya ginilid niya na agad yung taxi. Gagong to. May balak na ngang holdapin ako, gusto pa akong patayin! Tch.

Bumaba na ako sa Taxi at nagabang nalang ng iba pero parang walang naDaan. Puro private cars lang ang dumadaan.

Wah! Mameh! Nawawala na ba ako? Letcheng driver yun ah! Sa Ganda- no. Sa KaDyosahan kong to? Tss.

May dumaang motor, pinara ko pero hindi kuminto. Shet snob diba?

Lah pano nako makakapunta sa Mall?

Kung lakadin ko nalang kaya? Tutal naka rubber shoes naman ako eh.

So ayun na nga nilakad ko naman. Medyo may nakita akong parang park.

"Ate? Anong lugar po to?"

"Ay miss! Pano ka nakaPasok dito eh Private park to?" Lah? Private? Kaya pala walang nadaan!

"gago yun ah." Bulong ko sa sarili ko.

"Miss tinatawag mo ba akong gago?" Tanong nung maganda pero medj baduy? Yak!

"Ay hindi. San ba ako pwedeng lumabas dito? Or may masasakyan ba? I was lost kasi eh."

"Ay sige ipapahatid nalang kita sa pinsan ko. I'm Angela pala. Ikaw?"

"Dyosa, I mean. Leigh."

"Sige Leigh. Tatawagin ko lang pinsan ko."

"Okay."

Tumakbo siya para tawagin daw yung pinsan niya. Ang cute naman ni Angela. Para siyang bata. Ang liit liit. Buti pa ako, Dyosa.

Dyosa Nga KasiWhere stories live. Discover now