SIMULA

7 2 0
                                    

HINDI alam ni Earnest kung tatawa siya o magagalit sa hiling ng kanyang girlfriend. It's pure madness. For Christ sake! How can she say those words. Hindi ba ito kinikilabutan? Dahil siya, hindi niya matanggap ang sinasabi nito.

"Are you serious? You want me to," Napahilamos siya ng mukha at naluluhang napatingala. "... marry your little sister? Nasisiraan ka na ba ng bait, Nympha?"

Malungkot itong ngumite sa kanya. May tumolong luha sa mga mata nito. "Alam kong nagiging makasarili ako. Mahal na mahal kita. Hindi ko matanggap na magmamahal ka ng iba kapag wala na ako. Kaya naisip ko kung magpapakasal ka sa kapatid ko ay parang nakasal ka na rin sa'kin. Kung mawawala man ako ay maluwag sa dibdib kong tatanggapin na mapupunta ka sa kanya. At isa pa alam kong mamahalin niya ang magiging anak natin."

His girlfriend is very much pregnant but she's dying. Iyon ang ikinasa-sakit ng dibdib niya. Magkaka-anak na sila pero mawawala naman ito. She's seven months pregnant. At maselan ang pagbubuntis nito dahil may sakit ito sa puso. Binalaan na sila ng doktor nito na bawal itong magbuntis dahil sa kalagayan nito but she's very persistent to have a baby. So he obliged. Mahal na mahal niya ito kaya ibinigay niya ang gusto nito.

"Hilingin mo na ang lahat h'wag lang 'yan. You know it's you I want to marry with not your damn sister."

Iniwan ni Earnest ang nobya upang magpalamig ng ulo. Dinala siya ng kanyang mga paa sa rooftop ng hospital. Tiningala niya ang nag-aagaw dilim na kalangitan. Unti-unti ng kinakain ng kadiliman ang maliit na porsyento ng liwanag. Soon enough, darkness envelope the whole sky.

He meet Nympha when they're in college. They're classmates turned into lovers. Until now they're still together. Kasal nalang ang kulang sa kanila. But she doesn't want to marry him. Ilang beses na nitong tinanggihan ang alok niyang kasal.

Ilang beses na rin siyang napahiya pero okay lang dahil naiintindihan niya ito. Ayaw nitong magpakasal sa kanya dahil nga sa sakit nito.

Ngayon ngang buntis ito ay halos sa hospital nalang ito tumira. The doctors are monitoring her health and the baby.

He don't want to lost her.

Hinayaan niyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata, nanginig ang kanyang balikat saka napaluhod sa semento. Just for this moment, he want to be weak. Hindi niya kayang makita ang babaeng pinangarap niya na unti-unting mawawala sa kanya.

Nympha is an elementary teacher while Earnest is a farmer. He owned a few hectares of land that he inherited from his parents when they passed away. Ang farm at ang Villa lang ang tanging naiwan sa kanya ng mga magulang na minana pa ng mga ito sa kanilang mga ninuno. They're a family of farmers since dark ages. Mahirap lang ang mga ninuno niya ngunit dahil sa sipag at tiyaga ng mga ito ay nagkaroon ang mga ito ng maliit na lupa na siyang naging dahilan ng pag-asenso ng mga ito.

Isang tapik sa balikat ang nagpatingala kay Earnest.

"Hindi na ako magtatanong kung ayos kalang dahil nakikita ko namang hindi." It's Nympha's father. "Ano, kaya pa ba?"

Marahas niyang pinahid ang luha saka tumayo. Itinukod niya ang kamay sa mababang pader saka tumingala upang pawiin ang luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata.

Kaya pa? That question etched in his mind. Two words but has a deep meaning.

"I've been in your shoes nineteen years ago. Ang kaibahan lang natin ay ikinasal at nagkaroon ako ng dalawang anak sa babaeng mahal ko."

Nympha's mother has the same sickness as her. Ikawlang beses na nanganib ang buhay ng ginang dahil sa panganganak. Ang una ay na-comatose ng halos isang taon. Sa ikalawang pagbubuntis nito ay hindi na nakayanan ng puso nito. She died but the baby survived.

You Teach My Heart to Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon