KABANATA 1

3 1 0
                                    


A smile automatically form in Earnest lips as he heard the little voice behind him.

"Papa, milk."

Ibinaba ni Earnest ang tasa at nakangiting lumingon sa pinanggalingan ng maliit na tinig na 'yon.

"How's your sleep, little man?"

Kinusot-kusot nito ang mata gamit ang dalawang nakakuyom na kamao saka nakangusong tumingala sa ama.

"I had a bad dream, Papa." Sumbong ng bata sa ama.

"Oh," Ikiniling ni Earnest ang ulo, naaaliw na tinitigan ang nakangusong anak. "Tell me, what did you dream about?"

Nanulis ang nguso ng bata saka nagpakandong kay Earnest. "It's about my Mama." Maluha-luhang tumingala sa ama. "she's not coming home anymore. Hindi niya ako love katulad ng palagi mong sinasabi." Tuluyan nang tumulo ang luha ng bata.

Naaawang tinitigan ni Earnest ang anak. Masuyong pinahid ang mga luha sa mata. "Uuwi si Mama, okay? And she loves you so, so much."

Nanulis ang nguso nito. "Bakit wala pa siya? Malapit na birthday ko, she should be here by now."

Natawa si Earnest, ginulo ang buhok ng anak. He's son is turning seven years old now. Sino ang mag-aakalang mapapalaki niya ang anak ng mag-isa?

"Uuwi siya." Aniya sa anak.

Kumibot-kibot ang manipis nitong labi na namana nito kay Nympha, kuhang-kuha nito ang mukha ng babaeng unang niyang minahal. Hanggang ngayon ay may lungkot paring namamahay sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang dating kasintahan.

"Pero next week na ang birthday ko."

Earl Nyle Castillo. Nympha was the one who gave that name to their son.

"Uuwi siya, okay. Keep on praying to God and He will grant your wishes."

Nanulis ang nguso nitong tumingala kay Earnest.

"Sinabi mo rin 'yan last year, hindi naman siya dumating." Nagsimula ng tumulo ang luha nito na kaagad namang pinahid ni Earnest.

Ang Mama na tinutukoy nito ay ang kapatid ng yumao niyang kasintahan, si Goddess. Who happened to be his wife.

His wife...

Malakas na bumuga ng hangin si Earnest, ginulo ang buhok ng anak. "Ano bang gusto mong regalo ngayong birthday mo? Name it and I will give it to you." Pag-iiba niya sa usapan nilang mag-ama.

"My Mama. I want my Mama on my birthday, Papa." Pinagsalikop nito ang dalawang palad. "Please, Papa."

Ipinikit ni Earnest ang mga mata. How can he say no to his adorable son? Kahit na imposible ang hinihingi nito. He still have a week to find where she is. And knowing how famous Goddess is, he can find her easily.

Sana lang nasa bansa ito ngayon.

Another morning came. Panay ang habilin ni Earnest kay Yaya Glady na siyang pag-iiwanan niya sa anak. Maging ang iba pang kasambahay.

Napailing si Earnest nang makitang nakasout pa ng pajama ang anak, habang nakahawak sa laylayan ng sout niyang shirt.

"Be good while I'm gone, 'kay?"

Mabilis na tumango ang anak. "Opo, just promise na kasama mo na ang mama ko pag-uwi mo, Papa."

Napangite siya. Ni hindi manlang siya pinipigilang umalis ng anak, unlike then makita lang nitong hawak niya ang susi ng sasakyan ay hindi ito hihiwalay sa kanya. Kahit anong pang-uuto niya ay walang epekto rito, pero ngayon sing-bilis ng hangin ang leeg nito sa pagtango.

You Teach My Heart to Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon