Prologue

83 3 0
                                    

"Psst!"

"Psst"

Ngayon ang libing ni Inay,lahat sila umiiyak.Ako? Nakatingin lang ako sa kanila.Habang nandun sila at pinapanood kung pano ilibing ang nanay ko,nandito ako sa malayo nakatanaw lang sa kanila.Ayaw kong lumapit doon.

"Psst."

Lumingon ako sa paligid ko para hanapin kung sino iyong sumi-sitsit.Pero wala namang tao dito bukod sakin.

Napasinghap ako ng may humawak sa balikat ko at hinarap ako sa kanya.

"S-sino ka?" Nanginginig kong tanong.Isang batang lalaki ang kaharap ko ngayon,naagnas na ang balat nito at masangsang ang amoy nya.Alam ko sa pagharap ko,hindi sya tao.

"Bitawan mo ko! Sino ka?" Umatras ako sa kanya.Pero habang umaatras ako,syang pag lapit nya sakin.

"L-layuan mo ko!" Nanginginig na ang tuhod ko sa takot.Hanggang sa may maramdaman akong nabunggo ko.Lumingon ako sa kanya upang sana humingi ng tulong.

Hindi ako makapagsalita ng makita kong katulad nung bata ang nabunggo ko.Hindi lang sya nag-iisa,marami sila.

Napaiyak na ako sa takot."Layuan nyo ako! Lumayo kayo sakin! Inay!" Sigaw ko.

Lumapit pa sila sakin hanggang sa napaupo na ako sa damuhan.

"Tulong.." Tila bulong ng hangin.

"Ayaw ko! Lumayo kayo sakin!" Tinakpan ko ang dalawang tenga ko at humagulgol habang umiiling.

Paulit-ulit na naririnig ko ang tulong,lahat sila iisa lang ang sinasabi."Tulungan mo kami."

"Rackie!" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Tita Chang na naka luhod sa harap ko.Hinanap ko ang nang gugulo sakin kanina na ngayon ay wala na.

"Tita.M-may nakikita akong m-multo."

Napahinto ito sa sinabi ko.

"Mu-multo?" Pag-uulit nya sa sinabi ko.

Haunting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon