One

82 2 0
                                    


"Bilisan mo na dyan!"

"Eeee nagugutom pa ako."

"Importante pa ba yan? Madami ng tao sa labas!"

"Maghintay sila! Nagugutom ako at walang makakapigil sakin."

Bigla nyang hinila ang pinggan ko."Ano ba!"

"Masisira ang raket natin pag kumain ka pa dyan."

"Raket raket puro na lang raket,pakaladkad kita sa raket eh." Bulong ko.

"May binubulong ka?" Taas kilay nitong sabi.

"Oo,at wala ka ng pake dun."

Lumabas na kami at totoo nga,madami-dami nga ang tao.Napairap na lang ako habang umupo sa trono ko.

May umupo ng lalake sa harap ko.

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong sabi.

"Gusto kong makausap yung girlfriend ko." Sabi nya.

"Ba't di mo na lang tawagan?"

Bigla akong kinurot ni Tita Chang.Sinamaan ko sya ng tingin.

She mouthed the words."Umayos ka nga." Kaya napairap na lamang ako.

Napakamot na lang sa ulo yung lalaking kaharap ko.

"Akin na yung mahalagang bagay para sa kanya." Ibinigay nya sakin ang hiniling ko.

Isa iyong singsing.

"Anong pangalan nya?" Muli kong tanong.

"Ivy,Ivy Sandoval."

Pumikit ako at hinawakan ang singsing.

Ivy Sandoval,magpakita ka.

Ilang minuto na pero wala parin akong kakaibang nararamdaman.Wala pa sya.

Leche! Magpakita ka sabi e..

Bigla na lang umalog ang chandelier at nag patay-sindi ang ilaw.Andito na sya..Matapos ang ilang segundo,tumahimik ang paligid.Minulat ko ang mata ko.

"Ay punyeta." Napahawak ako sa dibdib ko ng makita ang katabi ng lalaki.Naka puti ito at may kaiklian ang buhok.Akala ko ba girlfriend? Baka Gayfriend.

"Sino ka?" Tanong ko ng maka recover sa gulat.

Nag flip ito ng buhok."I'm Ivy Sandoval ang Dyosa ng mga baklang multo!"

"Ivy?Babe?Ikaw na ba yan?" Naiiyak na tanong nung lalaki.Napalingon iyong Ivy sa lalake.

"Mahal? Babe? Sugarsweet? Honeybunch? Baby? Ikaw ba yan?" O edi kayo na maraming endearment.-_-

"Oo babe! Si Ivan to.Asan ka?"

"Babe,mahal,baby,sugarsweet,honeybunch andito ako sa tabi mo." Tila naiiyak na sabi noong Ivy.

"Mahaaal ikaw nga.Ba't mo ko iniwan?Hindi ka man lang nag paalam sakin." Iyak nung lalaki na si Ivan.

"Wala kasi akong load noong nasagasaan ako nung Van.Hindi tuloy kita natawagan o na text man lang na mamamatay na ako.Huhuhu I'm sorry babe." Taraaay! Mamamatay na kailangan pa nyang isipin yun.-_-

"Hindi bale okay lang yun.Miss na kita baby.Pwede ba kitang yakapin?"

"Ha? Ah,o sige,ipikit mo yung mata mo." Sinunod nung ivan ang sinabi ni Ivy..Inakap nga ito ni Ivy.

Haunting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon