Naalimpungatan ako ng may dumapong ipis sa mukha ko at agad agad na tumayo."What the hell! Kadiriiiii!!!" Pinunasan ko ang mukha ko na parang mabubura na ito dahil sa diin. Anong ginagawa ng ipis ditooo??
Natigilan ako nang marealize na nasa kwarto pa rin pala ako ni Nanay.
Huh? Nakatulog ako dito kagabi?? Pano yon? Hindi naman ako matutulog dito knowing na ang dumi dumi kaya nakakapagtaka.
Tumingin ako sa paligid, ganon pa rin naman ang kwarto. Madumi. Ano bang nangyari kagabi? Bat parang wala ako sa sarili?
Puro ako tanong putcha.
Madilim ang buong kwarto ni Nanay. Bukod sa nakasarado ang mga bintana ay sira na din ang ilaw. Hindi na nga kase nabuksan simula nung mawala siya diba.
Binuksan ko na ang pintuan para lumabas. Nilamon ako ng liwanag pagkabukas ko ng pinto at don ay kumirot ang ulo ko. Bigla kong naalala kung ano ang nangyari kagabi.
Wait lang ha, baka naman panaginip lang yon?? Baka hindi talaga memory yun. Panaginip lang yon eh. Bakit naman maggloglow yung kwintas to the point na buong kwarto eh nilamon diba? Syempre panaginip yon!
Bobo ko naman kung gagawin kong reality yon.
Tinignan ko yung kwintas. Isa itong locket pero wala namang laman sa loob.
Kung susuriin mo ito ng maigi eh hindi mo naman talaga paghihinalaan na iilaw ito. Sa liit niyang yan? Iilaw?
Naaalala ko pa nung araw na binigay to sakin ni nanay.
(For reference only)
"Happy Birthday Alliyah!" kakamulat ko pa lang ng mga mata ko ay si Nanay na ang bumungad sa akin.
Lagi siyang ganiyan, in the past 18 years tuwing birthday ko siya lagi ang una kong nakikita. Sweet talaga ang Nanay ko.
Umupo ako at yumakap kay Nanay. "Thank you naaay" busy ako sa paglalambing kay Nanay nang marinig kong tumikhim si mommy.
Napatingin ako sa pintuan at doon ay nakatayo si mommy. "Happy Birthday anak" ngumiti lang ako ng kaunti kay mommy. Magmula ng mamatay si daddy hindi na ganon katibay ang relasyon namin ni mommy. Naging malayo ang loob niya saakin at ganon din ako sakaniya.
"Thank you" tiim kong sagot at tumayo na sa kama. Umalis na si mommy sa kwarto ko samantalang si Nanay ay nakaupo pa rin sa higaan ko.
"Apo" tawag sakin ni nanay. May hawak na itong isang maliit na box. Hindi ko napansin na may hawak pala ito kanina.
YOU ARE READING
The Other Side
Science FictionWhen the telephone rings at 12:00 AM would you pick it up?