Chapter 14 - Gang War

744 14 3
                                    

Author's Note: Tatapusin ko lang toh guys.. tapos mag a update na ako sa Pink Haired Queen: Serenity. Ilang chappy nalany kase ito. Mga 6 chapters nalang. ^_^v

********

SAMANTHA'S POV

Ilang buwan na kami ni Dwayne. So far.. maganda naman ang daloy ng relationship namin. Tapos sila Max at Jessy ayun nagliligawan parin. Si Ylac at Rain 2 weeks nang mag-on. Si Harry at Ash ayun may LQ. While Timothy and Meghan are still denying each others feeling. Ang kulit nga eh. Kami kami rin pala ang magiging magkaibigan. Hahaha.

"Tara na Sammy. Uwian na oh." -sabi ni Rain. Kanina pa nag dismiss pero kanina pa ako di tumatayo. Feeling ko kase may mangyayare eh. Basta.

"Dito muna tayo girls." -sabi ko.

"Bakit naman? Anong gagawen natin dito? Tutulala? Duh! Baka kanina pa ako hinihintay ni baby Ylac ko!!" -sabi ni Rain.

"Oo nga Sam. Kanina ko pa gustong makutusan yung bwisit na Harry na yun eh. Biruin mo? Nilagyan ba naman ako ng sandamukal na chocolates sa bag ko!! Kita nang hindi ako kumakain ng sweets!! I hate him!!" -sigaw ni Ash. LQ sila nang dahil sa sweets.

-__-

"Tss. Kung ayaw nyo edi wag. Go. Alis na. Shoo." -sabi ko sabay hand gesture na alis. Tapos dumukdok nalang sa lamesa ko.

"Sige na nga. We'll stay here nalang." -sabi ni Rain kaya napasmile ako. Di nya ko matiis!!

"Eeehh!! Naman eh. May date kame ngayon ni Max. Guys tara na kase. " -sabi ni Jessy. Napatawa kame. Imagine? The silent and distant Jessy Hudges tumitili ng dahil lang sa hindi nya masisipot ang date nila ni Max. Hahaha!!

"Hahaha.. you're so panget talaga Jessy when you do that." -pang aasar ni Meghan kay Jessy. Nakatikim tuloy ng batok.

"Ouch!" -daing ni Meg.

"Sige na nga tara na." -sabi ko sabay tayo. Nagtext na kase si Dwayne sakin.

From: Dwayney ko.
   ~ Sam nandito na kame sa tapat ng campus. Wer na kayo?

To: Dwayney ko.
   ~ Palabas na po.

Sent!!

"Holo?? Kala ko ba ayaw mo pa umuwe?" -sabi ni Rain.

"Kala ko ba atat ka nang makita si Ylac?" -sabi ko na nagpatawa sa kanila.

"Hahaha.. atat much oh! Napaghahalataan ka tuloy na patay na patay ka kay Ylac. Haha" -pang aasar ni Meg. Nag pout lang si Rain.

"Hahaha.. oo nga. Kala mo naman may aagaw kay Ylac noh?" -sabi naman ni Ash. Napailing nalang ako.

-----

Naglalakad na kame palabas ng campus ng may marinig kameng ingay sa labas ng gate.

"Ano yun?" -sabi ni Rain.

"Di ko alam. Magkakasama kayo tayo noh?" -sabi naman ni Meg.

"Tara tingnan natin!" -sabi ko sabay takbo. Nagulat pa ako ng mabungaran ko sila Dwayne na nakikipag bugbugan.

"Oh.. tingnan mo nga naman oh. Mukang may mga regalo pa sa atin ang Dark Emperor. Hahaha.. ang kikinis!!" -sabi ng isang lalake na leader ata ng kalaban nila Dwayne. Naglalaway sya na parang aso habang nakatingin samin nila Ash. Nasa tapat kame ng gate. Madilim na din. Poste nalang ang nagsisilbing ilaw namin. Nakablack ang mga kalaban. Pati sila Dwayne nakablack din pero jacket ang black sa kanila.

"T*ngina mo Red!! Wag na wag mong gagalawin kahit isa man sa kanila!! Mapapatay kitang hayup ka!!" -galit na sigaw ni Dwayne na nagpagulat sakin. Never ko pa syang nakikitang galit. As in galit. Nakatiim ang bagang nya at nakatikom na tikom ang kamao at nanlilisik ang mga mata nya.

"Hahaha.. ako? Mapapatay mo? Hahaha nagpapatawa ka ata Dark Emperor eh. Natalo na nga namin ang Empire Knights kayo pa kaya?" -sabi ng Red. Parang kumirot naman ang ulo ko nang marinig ko ang word na Empire Knight.

"Tsong nagpapatawa ka ba? Kayo? Matatalo ang Empire Knights? Ulol!" -sabi ni Rain. Nagulat naman ako sa inasal nya. Di ba sya natatakot? Eh ako nga kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko eh. Parang may gustong kumawala. Tapos yung ulo ko pakirot ng pakirot.

"Rain anu ba!? Wag ka na ngang magsalita dyan!!" -sigaw ni Ylac. Pero ngumisi lang si Rain na ikinagulat ko. Why do I have this feeling na hindi naman takot sila Jessy sa mga nakikita nila? In fact.. parang normal na ito. Ano bang nangyayare?

"Hahaha.. yan ang gusto ko. Palaban." - sabi ng isa pang kasamahan ng Red. Unti unti na silang lumalapit sa amin pero agad na hinarangan kami nila Dwayne. Nakipaglaban na sila na parang halimaw. Sipa, suntok, tadyak. Puro ganun ang makikita. Sa bawat suntok nila sa isa't isa eh may tumatalsik na dugo. Di ko alam pero parang nag eenjoy ako sa nakikita ko. Pero yung isang pagkatao ko parang ayaw. Naestatwa na ako. Nakita ko rin sila Rain na nakikipag laban. Ang galing nila. Samantalang ako eh napako na sa kinatatayuan ko. Ano bang ginagawa nila? Nagpapatayan? Pero bakit? Para saan?

"Aaaaahhhh!!!!" -sigaw ko. Parang may kung anong pumipitik sa utak ko. Masakit!! Parang may mga alaalang gustong bumalik.

"Samantha!!" -sigaw ni Dwayne. Nakalapit na sya sakin. Nakayakap sya. Tiningnan ko lang sya.

"Ayos ka lang ba?" -alalang alala sya. Tumango lang ako. Pero maya maya eh may humablot na sa kanya at agad syang sinuntok. Kaya naiwan ulit akong mag isa. Nakatayo. Nagmamasid. Nanonood.

Duguan na silang lahat. Napakarami ng kalaban. Tapos nuwebe lang sila. May mga napatumba sila pero di pa yun sapat para maubos lahat. Madaya sila. May mga dos por dos sila at mga panaksak. Si Dwayne may hiwa sa bandang taas ng kilay at may mga pasa sa muka. Bugbog na bugbog na ang katawan nya dahil pinagtutulungan sya ng limang lalake. Si Ylac halos mahimatay na sa sobrang dami ng dugong nawala. Nasaksak sya sa tagiliran. Si Max nakatayo pa pero halatang pagod na at puro dugo na rin sya. Si Harry wala nang malay. Si Timothy hinahampas ng dos por dos ng tatlong kalalakihan. Si Rain at Ash sakal sakal na ng malaking lalaki. Si Jessy puro tama na ng basag na bote. Si Meghan wala na ring malay. Halos lahat sila hinang hina na. Ako naman walang nagagawa para iligtas sila. Napakawalang kwenta ko. Mga kaibigan ko at kasintahan di ko man lang kayang iligtas. Eto ako nakatayo sa isang tabi habang sila halos hinahabol na ni kamatayan. Hindi. Hindi ko na kaya toh. Tama na. Pagod na akong manuod.

"May maitutulong ka sa kanila Amber.." -sabi ng tao sa isip ko. Sya na naman. Sya yung laging nangungulit sa akin. Kahit sa panaginip ko nandun sya. Pero sya nga ata ang makakatulong sakin.

"Ano?" -tanong ko.

"Kaya mo silang labanan. Mas malakas ka sa kanila Amber... magtiwala ka sakin." -sabi nya. Ako? Malakas?

"Ako? Malakas? Pero hindi ko nga sila matulungan eh."sabi ko. Namamanhid na ako.

"Oo.. malakas ka. Matagal ka nang malakas. Pero hinayaan mo kaseng makatulog ang malakas na Amber eh. Pero ngayun pwede mo na ulit syang gisingin." -sabi nya. Tumango tango naman ako.

"Paano?" -sabi ko. Tapos biglang nagflash sa isip ko ang mga bagay na ni sa panaginip ko ay di ko mapaniwalaang nagawa ko.

"Aaaaaahhhhhhh!!!!!!!" -sigaw ko. At ilang minuto pa ay naliwanagan ako.

"Im back.." -sabi ko at sumilay ang isang malademonyong ngiti sa aking mga labi.

*************

Si Dwayney yung nasa picture!!! ^__^v Pogi nya nuh??

Next Chapter: Awaken

The Gangster Prince meets the Mysterious NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon