Story 1: Last Dance

107 6 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



















Three Days to go nalang at Masquerade Ball ng aming school. Everyone is excited sa mangyayari, lalo na ang mga kababaihan. Nakakabingi ang mga tilian nila in imagining na they are on the ball dancing with their desire man with the accompaniment of heart-melting music and romance aroused, at ang iba naman ay nagiimagine na makakatagpo sila doon nang kanilang kaforever.

Sino naman hindi ma-excite na babae sa event na ito? Napakaromantic kaya. Lights. Roses. Ambiance. Dresses. Music. Dances. Holding hands. And kisses. Diba ang romantic?

Me? I'm excited but not that much, hindi katulad nang iba. I do know naman kasi na hindi sisiput ang tanging lalaking gusto kong makasayaw sa oras na iyon. May pagkatupak kasi siya. He's not into romantic or something like that. Kung iisipin talaga, napakaunfair niya hindi niya ako sinuklian sa aking nararamdaman kahit hindi ko naman sinasabing keep the change.

I liked him, but I think he doesn't feel the way I feel about him, hindi ko nga alam kung alam ba niya na may gusto ako sa kanya.

"Tayo na Angel bumili na tayo nang damit na isusuot natin ngayong palapit na ball. Malapit na ang friday." sabi ni Kath.

"Pass. Kayo na muna, bukas nalang ako bibili." tuluyan akong naglublub sa aking kama.

"Bumangon ka na..." hila ni Myka sa kumot ko. "Hali kana huwag kang magmukmuk rito ano naman ang makukuha mo..." napahinto siya sa pagsasalita at binitawan ako.

"Don't tell us your upset because of Harry?" tinignan nila ako nang nakairitang tingin.

"Stop it! Why would I. Never! Hindi ko siya iniisip no_" huli na nang napagtanto ko ang aking sinabi. Damn it parang nawawala narin ang aking pag-iisip.

"Sino naman ang may sabing iniisip mo siya." malisyadong wika ni Myka. "Ehhh. I smell something fishy sayo. Don't tell me nagkacrush kana kay Harr_"

Bago paman siya makatapos sinagot ko agad siya. "No!" pasigaw kong sagot. Nakakaramdam ako nang pag-iinit sa aking pisngi kaya tumalikod ako. "My mom will come this afternoon, siya daw ang sasama sa akin para pumili nang damit." wika ko. Actually that's a lie, hindi ko nga pinaalam si mom na may kaming masquerade ball dahil for sure darating talaga siya at pagmumukhain akong manikin.

Hindi na nila ako kinulit at agaran nalang silang nag-paalam at lumabas nang dorm.

Sinubsob ko ang aking sarili sa unan at pagulong gulong ako sa maliit kong kama. Hindi mawala sa aking isip yung sinabi ni Myka. Am I that lucid? Halata ba talagang may gusto ako kay harry? My god nakakahiya.

Bumaba ako sa dorm at pumunta at naglakad lakad ako sa school ground. I can see may mga couples na naka occupy sa mga benches na kung saan kong plano umupo at doon mag-isip isip, kaya nangpatuloy nalang ako sa paglalakad. Sana sumama nalang ako kina Myka at Kath at nagpaiwan ako sa arcade section baka maaliw pa ako.

RomanceWhere stories live. Discover now