CHAPTER 6

6 2 0
                                    


                      XAIVER'S POV


Nag paalam na sila Ella na uuwe na , nag papasalamat ako kay Brielle kase hindi niya hinahayaan na masira ako sa paningin ng mga kaibigan niya kahit anlaki ng kasalanan ko sa kaniya

Nang maka labas na sila Ella ay humiga na ulit si Brielle at ipinikit ang kaniyang mga mata , gusto ko siyang kausapin kaso natatakot ako baka palabasin niya lang ulit ako

Sila Aljo at Matt ay hindi rin tinitignan ni Brielle , Ni lingonin ay Hindi niya talaga ginagawa sa'min

Maya maya ay dahan dahan siyang umupo' nilapitan ko siya pero itinaas niya lang ang kamay niya at saka umiling

Ayaw niyang tulungan ko siya

Hatak hatak niya ang Dextrose niya papunta sa Cr , naawa ako sa kaniya , gusto ko siyang ala'layan pero ayaw niya

Pag balik niya sa kaniya'ng higaan ay tyaka lang siya nag salita

"Anong sabe ng doctor ? Kelan daw ako uuwe ?" Tanong niya na tila nawawalan ng gana sa kausap niya

"Pinapaubos na lang daw ang laman ng Dextrose mo babe at pwede kana maka'uwe" sagot ko sa tanong niya

"Edi mabuti kung ganun" naka tingin sa laman ng Dextrose na malapit ng maubos

"Lahat ng nagastos mo ay sabihin mo sakin , para mabayaran kita bago ako umuwe sa bahay ko , ako na rin ang mag babayad ng bayarin dito sa Ospital , ayuko mag karoon ng utang na loob sayo" walang emosyon na pag kaka bigkas niya

Nasasaktan ako sa mga salitang binitawan niya , pero kasalanan ko , tanga ako dahil niloko ko siya

Napaka tanga ko para sayangin yung tiwala niya , diko alam kung pano ko hihinge ng tawad sa kaniya

Ayuko'ng maiwan mag isa , mahal ko siya , mahal na mahal , nadala lang talaga ako ng tawag ng laman na alam kong hindi niya pa kaya ibigay sakin pero kaya ko makuha sa  iba kaya  nagawa ko yun

Nag padala ako sa init ng katawan , na alam kong pag sisi'sihan ko

Time Check 6:30 pm 

Nag aasikaso na kami ng mga gamit dahil uuwe na si Brielle , Ayaw niya nako ulit kausapin

Maging sila Aljo ay hindi niya kina'kausap

             BRIELLE'S POV

Masama yung loob ko sa boyfriend ko kase nagawa niya akong lokohin , ayuko naman magalit kela Aljo at Matt Dahil alam kong hindi nila iyon kasalanan , pero may parte sa isipan ko na may alam sila pero di nila ako sinabihan

Si Xai Ang nag ligpit ng mga gamit ko pero kinuha ko sa kaniya ang bag ko

"Ako na bahala sa sarili ko , ako na mag dadala ng bag ko at mga gamit ko , di naman ako lumpo para pag silbihan mo"  walang gana'ng saad ko at saka dere'deretsong lumabas ng kwartong iyon , para mag bayad ng Bill

Pero agad nila akong sinundan at inabot sakin ni Xaiver ang Sobre

"Bayad na , binayaran na namin kanina , nag padala ang mama mo ng pera pambayad ng ospital bill mo "  Saad sakin ni Xaiver

"At sino ang nag sabe sayo na huminge ka ng tulong sa kaniya ? Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino , tapos na tayo"  Nagulat din ako sa sinabi ko pero diko alam kung pano ko iyon babawiin

𝒪𝓃𝒸ℯ 𝒶 𝒮𝓊𝓅𝓅ℴ𝓇𝓉𝒾𝓋ℯ 𝒢𝒾𝓇𝓁𝒻𝓇𝒾ℯ𝓃𝒹 ℊℯ𝓉 𝒯𝒾𝓇ℯ𝒹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon