CHAPTER 8

7 2 0
                                    


                   BRIELLE'S POV


Nagising na lang ako sa isang malakas na sigaw ng pamilyar na boses

"Samantha Brielle! Gumising ka jan dahil hindi nako natutuwa sayo!" Boses ng nanay ko na , nakapag pa bangon sakin ng mabilisan

"Ano ba nangyayare sayo ha ?! May problema na nga ako sa canada , dumadagdag kapa ? Ano ba ? Kulang kaba sa pansin ha ? Kelan kapa natuto uminom huh? Kelan kapa napariwa sa buhay mo huh ? Tinatawagan kita hindi mo sinasagot ? Bakit ba nag kaka ganyan ka ha ?!" Panunumbat at sermon niya

Okay fine gusto kona lang matulog ulit

"Ano hindi ka talaga ba'bangon jan ? Lahat naman ng gusto mo binibigay namin ng papa mo ah , kahit may sari sarili na kaming pamilya pinapadalan kapa rin namin ng pera , nabibili mo ang mga gusto mo ano paba?! Bat ba nag kaka ganyan ka huh ? "

Ayukong sumagot , pero nasasagad nako , oras na siguro para malaman niya yung hinanakit ko , kaya bumangon ako at ngumiti sa kaniya

"Uy ma , kamusta flight mo ? Aga aga mo naman nagagalit sakin , ano bang kasalanan kopo ? May problema po pala kayo sa canada sorry ah , pabigat pako , dagdag pako sa problema niyo , sorry ma ah , wala akong kwentang anak kase eto lang ako eh , sorry ma ah napagod kase ako , nasasaktan kase ako "

"Ma alam mo , gusto kong ikwento sayo yung buhay ko , yung nangyayare sa bawat araw ko , kaso kapag tatawag ako sasabihin mo , osige mag papa dala ako ng pera bukas , inaasikaso kopa ang tito jack mo at mga kapatid mo , sa bawat achievements ko sa school na sarili ko lang yung kumukuha , sa bawat kuhanan ng card na kailangan ng magulang , kung kani'kaninong magulang yung hinihiram ko , ma alam mo naiinggit ako sa mga tao jan sa labas , buti pa sila may kumpletong pamilya , hindi man sila mayamab pero mag kakasama sila at masaya "

"Sorry ma ah , magulang at pamilya kase yung kailangan ko hindi pera para sa mga luho ko , pwede ako mag trabaho kung gugustuhin ko para mabili ang mga luho ko , basta kasama ko kayo pero wala eh , nakalimot bako na may magulang ako ? O yung mga magulang ko yung nakalimot na may anak sila na nasasaktan "

" Ma , kahit minsan ba minahal moko ? Di naman pera lang yung kailangan ko eh , kailangan ko ng pag mamahal niyo ni papa! Kailangan ko kayo sa tabi ko , sa mga araw na masaya ko gusto ko mag kwento sainyo at sa mga araw na nasasaktan ako gusto ko din mag kwento sainyo "

" Kahit minsan ba tinanong niyoko kung okay lang ako ? Kung masaya bako ? Kung ano nangyayare sa buhay ko o kung humihinga paba ko? Nag alala ba kayo ? Na iisip niyo rin bako ? Anak ba tingin niyo sakin ? Kase parang hindi! , ma , pag mamahal at atensiyon niyo ni papa yung kailangan ko hindi pera niyo  , sorry ma ah kung pabigat ako , kung sumasabay pako sa problema niyo , itong anak niyo na pabigat at isang malaking problema , pagod na , pagod na pagod na , sorry ah , hayaan niyo ma kung sakaling mamatay ako di niyo kailangan pumunta para umiyak sa harap ng mga tao , di niyo kailangan mag padala para sa libing ko , kase kung mangyare man yun hihilingin kong wag nang ipaalam sa inyo ni papa , baka kase sabihin niyo marame ng problema sumasabay pako , sorry ah dina mauulit , dinako tatawag sainyo ni papa , kaya kona sarili ko , sana masaya kayo sa mga bago niyong pamilya , habang ako nag hahanap ng pag mamahal ng pamilya sa iba " Tuloy tuloy na saad ko

𝒪𝓃𝒸ℯ 𝒶 𝒮𝓊𝓅𝓅ℴ𝓇𝓉𝒾𝓋ℯ 𝒢𝒾𝓇𝓁𝒻𝓇𝒾ℯ𝓃𝒹 ℊℯ𝓉 𝒯𝒾𝓇ℯ𝒹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon