9th

1.2K 37 1
                                    


Ara's POV

"Ara gising na. " naramdaman kong may nayugyog sakin pagtingin ko si Ate Cyd pala.

Umalis agad si ate cyd nung nakita niyang gising na ako. Napansin kong wala na yung bullies sa kwarto namin. Pagtingin ko sa alarm clock 7 palang naman.

Bumaba ako tapos kumuha ng tinapay tapos nutella.

"Ate Cyd asan sila?" tanong ko sabay salampak sa upuan.

"Ah kakaalis lang may training kasi tayo. Oh sige Ara una na ako ah. Exempted ka naman sa training napaalam ka na nila. Ge bye!" tapos nagmamadaling umalis.

May training di man lang ako ginising. Dahil captain ako ay magtra-training ako.

Naligo na ako at dumiretso na sa gym.

9 am

"Araaaaa!" Nagsigawan yung teammates ko ng makita nila ako.

"Oh akala ko ba di pupunta si Ara?"

"Ah eh sorry coach medyo late lang."

Nakita kong nagsisiligpit na sila ng gamit nila.

"Ang aga pa ah! Ba't aalis na kayo?" tanong ko sa kanila.

"May magtratraining kasi eh."

Bigla namang dumating si coach ramil.

"Dahil sayang naman ang pagpunta mo Ara (insert tawanan ng bullies) ay magtraining ka kasama ng mga yan."  Sabi ni Coach Ramil sabay pasok ng Green Archers.

"Coach? Di nga po?" sabi ko.

"Oh ara bilisan mo na diyan at makijogging kana din kasama nila."  Sabi ni Coach Gee.

Dahil sa wala akong magawa ay tumakbo na rin ako.

Umalis na yung mga Teammates ko na inaasar ako.

"Ara ang gwapo mo! I love you ! Haha!" Sigaw nilang lahat sakin sabay alis.

Habang nagjo-jogging wala naman akong kaclose dito kaya medyo nakakailang. Kilala ko lang sila.

"Sorry coach I'm late!" napatingin ako sa nagsalita si Thomas pala.

"Okay 20 rounds"

Nagsimula na ding tumakbo si Thomas. 

~fastforward~

"Okay boys team a vs. team b" sabi ni coach gee.

Umupo muna ako sa bleachers kasi maglalaro na sila. Pwede na pala ako sumali sa basketball team namin haha nakasurvive ako sa training namin.

"Coach injured po yung isa sa team b paano yun?" sabi ni jeron.

Lumingon-lingon naman si Coach Gee. Napalingon siya sa akin. Napatitig. Mukhang alam ko na ang balak ni coach.

"Ayoko ko coach."

"Sige na ara." No choice again.

Fallen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon