5th

1.1K 38 1
                                    

(Ara Galang's POV)


Dahil sa aking pagkainis nang mabasa ko yung text ni Bang ay pinatay ko yung cellphone ko at lumabas ng dorm. Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Kimmy.

"O, saan punta natin WAF?" tinanong ako ni Kimmy. Dahil  sa ayaw ko namang idamay si Kimmy sa inis ko ay sinagot ko ang tanong niya.

" Ah, diyan lang sa labas. Baka late na rin ako makauwi ah." tapos lumabas na ako ng dorm. Di ko alam kung saan ako pupunta tapos gabi na kaya napagdesisyunan kong kumain na lang sa Zark's Burger. Magfo-foodtrip na lang ako. T.T

Pagkatapos kong umorder ay naghanap na ako ng vacant table. Ang swerte ko kasi may nakita ako at isa na lang. Habang kumakain nakita ko si Arra San Agustin na pumasok at may kasama pa.

Akala ko si Thomas pero hindi. Grabe magka-holding hands pa sila nung pumasok. Medyo yumuko ako para hindi nila ako makita. Pumwesto sila dun sa isang vacant na table. Medyo naririnig ko yung conversation nila.

"Arra ano na? Akala ko ba iiwan mo na si Thomas? " sabi nung guy kay Arra. Dahil ako'y tao lang din pinaandar ko na ang pagiging chismosa ko. 

" Iiwan ko din siya pero-" hindi natapos ni Arra ang sasabihin niya kasi nagring yung phone nung lalaki.

"Sandali lang ah." tapos tumayo na yung guy. 

Napatingin ako sa watch ko at 8:30 na pala. Kaillangan ko nang umuwi kasi may curfew kami. Tumayo na ako at nakayuko pa rin kasi baka makita ako ni Arra. Nung makalabas na ako sa Zark ay may nabangga ako. Yung guy na kausap ni Arra! 

"Ay sorry." sabi ko. Syempre ang mga gwapo nagso-sorry rin.

"Sorry din." tapos umalis na siya. At ako? Edi umuwi na rin. 

***

Thomas' POV


Baby? Tss. Baby pala ah. Puntahan ko kaya si Arra sa kanila tapos makikita ko sila nung lalaki tapos wala na. Haaaaay! Ano bang gagawin ko?

Maya-maya nagring yung phone ko.

Calling Desiree Cheng...

"Uh Hello?" 

"Thomas andyan ba si Jeron? sorry sa istorbo." 

"Uh eh. Wala pa eh. Bakit?"

"Ah ganun ba. Itatanong ko sana kung nakita niya si Ate Ara eh"

"Ah sige itatanong ko mamaya. Asan ba si Ara?"

"Wala pa eh. Umalis kanina mukha daw badtrip. Baka kasi mapagalitan siya ni Coach eh."

"Ah sige."

 CALL ENDED

Dahil sa wala akong magawa ay.. lumabas ako ng dorm. Bukas may laban ang Lady Spikers kalaban ang UST. Manonood ako. 

Habang naglalakad nakita ko si Ara! 

"Ara!" lumingon siya sa akin.

"Uy Torres!" tapos lumapit siya sa akin.

" Kanina ka pa hinahanap sa inyo. Tumawag si Cheng."

"Ah ganun ba? Sige." tapos sabay na kaming lumakad papuntang dorm.

"Ay Thomas may sasabihin ako. Si ano kasi eh." ha? Anudaw?

"ano yun?" 

"Wala wala! Sige una na ako! Bye Bye!" tapos tumakbo na siya na papuntang dorm.

Fallen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon