1st song (Chapter 1)

13 2 1
                                    

Doom doom doom.. .

Dagundong sa'king isipan, tunog na ako lang ang nakaka-alam ng tono. Tunog na nararandaman ng aking saloobin na gustong kumawala at sa lahat ay iparinig.

Isang malakas na katok mula sa pinto ng aking kuwarto ang nagpabalik sa'kin sa ulirat na ako'y muling nananaginip ng gising.

Hoy caloy! kanina pa kita tinatawag 'di ka sumasagot. Yan ang hirap sa'yo pag naka-salpak yang earphone sa tainga mo!!

Bulyaw ng aking ina na nanggagalaiti na sa inis at kanina  pa pala ako tinatawag.

Sige ina susunod na'ko, ligpitin ko lang mga gamit ko.

Nang marinig ang aking tugon ay naramdaman kong bumaba na ang aking ina upang  bumalik sa sala. Tinanggal ko na ang earphone sa'king tainga at niligpit ang mga nakakalat na libro, papel, ballpen at kung anu-ano pang mga gamit ko sa pagsulat ng kanta at tula.

Tinignan ko ang wall clock sa bandang itaas na parte ng dingding ng aking kuwarto at 6:45 am na pala, hindi na naman ako nakatulog ng maayos. Mahuhuli na naman ako sa klase nito. Dali-daling kinuha ko ang aking tuwalya't patakbong tinahak ang aming banyo. Sakto namang wala nang gumagamit ng banyo at dali-dali akong pumasok dito.

Isinabit ko ang tuwalya't ni-lock ang pinto. Isa-isa ko rin hinubad ang suot kong pantulog at pinihit ang faucet ng shower. Randam ako ang lamig na agad-agad bumalot sa buong katawan ko. Habang kinukusot ko ang aking buhok ay bigla kong naiisip ang tunog na isip ko'y kanina pa naglalaro.

Isang melody na medyo may pagka-senti ang dating. Mukhang ayos tong mabubuo kong kanta, mamaya sisifrahin ko'to sa classroom kapag walang ginagawa. Nang matapoa na'ko sa pagligo ay mabilis akong umakyat ng kuwarto at nagbihihis, inayos ang mga gamit sa eskuwela at nilagay sa guitar case ang aking gitara. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita kong kumakain na ang aking ama at si ina naman ay abalang naghahanda ng babaunin namin.

Good morning ama, ina. Hhhhmmm sarap ng bacon. Ina paki damihan ng konti yung pack lunch ko at p.e.namin mamaya.

Siya nga pala, hindi ko pa naipakilala ang aking sarili. Ako nga pala si Carlo Joseph M. Villacorta. 5'8 ang taas at medyo payat na pangangatawan. Medyo.mabuti at messy lagi ang ayos ng buhok (ginagaya ko ang hairstyle ng idol kong si ely buendia ng Eraserheads, ang cool kasi) hindi mapagkakailang mahilig ako sa musika. Simple lang naman ang pormahan ko, para isang estudyante average lang ang datingan. May mga burloloy sa kamay na gawa ng suot  ng karaniwang musikero (rubber na bracelet na itim, kuwintas na ang pendant ay tuning key ng nasira kong gitara) friendly ako at kahit hindi ko kakilala ay binabati ko. Hilig ko nang makinig music at tumugtog, sabi nga ng ama ko nung 2 y/o ako napapansin niyang mahilig ako sa music, kapag may napapakinggan akong kanta na pinapatugtog niya'y tahimik na nakikinig at napapailing ang aking ulo na para bang nauunawaan ko ang sinasabi ng kanta. Music lover din si ama at hilig niya pakinggan ang mga kanta ng bandang bon jovi, eagles, guns and roses at kung sino-sino pang sikat na banda't soloista. Hindi nga lang  siya natutong gumamit instrumento dahil talagang hindi siya matuto-tuto kahit anong pilit niyang aralin at nakuntento na lang siya na makinig.

Habang kumakain kami ng almusal sa hapag ay nabanggit sa'kin ni ama ang gaganapin na battle of the bands sa kabilang barangay sa nalalapit na fiesta.

Balita ko may battle of the bands na gaganapin sa kabilang barangay sa susunod na buwan. Alam mo naba yun?

Habang nginunguua ko ang kinakain na pandesal at bacon ay mabilis akong sumagot

Hindi pa ama, baka gaganapin yun sa darating na fiesta nila.

At patuloy ako sa'king kinakain. Tumango si ama at tumayo na't dumukot na sa kanyang bulsa at sabay may dinukot sa kanyang wallet at inabot sa'kin ang isang calling card ng isang SK kagawad na nag-oorganize daw ng nasabing event.

Inabot sa'kin yan ng isang dalagita na may magandang mukha, hinahanap ka nung nakaraan at sumali daw kayo ng banda mo.

Sabay sabat ni ina na may niluluto sa kusina

Si ano ba ika yan, yung anak ng kaklase mo ama nung elementary ka. Yung sabi mong nagkagusto sa'yo't hindi mo naman kursayada ika. Sino nga na iyon?

Pangising sumagot si ama na parang  natawa sa narinig na sabat ni ina

Si florentina, muse namin noon. Patay na patay sa'kin yun at ewan ko nga't sa iyo ako nabagsak

Palambing na biro ni ama. Malambing si ama kung maglambingan sila ni ina'y akala mong isang taon pa lang mag-asawa.

Hay nako lamberto, madaming mas guwapo't 'di hamak na mas mayaman ang nanliligaw sa'kin noon. Hanggang ngayon nga hindi ko lubos maisip na ikaw pala ika mapapangasawa ko.

Lumapit si ama kay ina at hinagkan sa leeg si ina kahit amoy pawis at nanlilimahid dahil init ng kalan

Alam ko naman noon pa may sa'kin ka patay na patay (naka ngising bulong nito kay inay  habang naka-akap sa naglulutong asawa)

Tumayo na'ko at nagpaalam na papasok na sa eskuwelahan. Ibabalita ko mamaya sa mga kabanda ko na may battle of the bands kaming sasalihan.

-------------------------------------------------------------

Susunod na chapter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Musician WannabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon