TRES: 03:00

14 4 0
                                    

“THE GREATEST CRIME”
03:00 (Him)

"HIJA, KUMUSTA ka na? Hindi ka ba na nahihilo?" Napatingin ako sa nagtanong na si Manang Rosing. Pagkatapos nang walang imik na kainan kanina, niyaya ako ni Manang sa garden para marelax ko raw ang isip ko dahil baka may bumabagabag sa akin. I didn't hesitate to say yes to her because I don't wanna stay inside the house. I might ruin someone's day or I must say, someone might ruin my day. But I owe him one so I need to be good at him.

I nodded and replied, "I'm okay po, Manang." Hindi na sana ako magsasalita nang biglang may sumagi sa isipan ko. "Manang, bakit po ako narito? I mean, paano po nakita ng amo ninyo at nailigtas?" Inuga ko ang swing at nilipad naman ng hangin aking nakalugay na buhok. Hindi ko talaga alam kung nasaan ang aking pamuyod. I'll ask Manang na lang later for one. Hindi pa naman ako ganoong binabanas.

Napatigil naman si Manang sa pagwawalis sa garden at sinabi, "Natagpuan ka ng mga trabahador na nangingisda dito kagabi sa may ilog dahil napadpad sila roon. E, malawak ang lugar na ito na pagmamay-ari ni Don Estaqio, lolo ni GA. Tapos nakita ka nila't dinala sa akin, saktong kausap ko si GA ang sabi ay dalhin ka sa kuwarto niya pagkatapos ka naming linisan dahil baka makita ka ng kaniyang mga kabarkada at nag-iinuman sila, baka kung ano raw ang gawin sa iyo."

"Sino po nagbihis sa akin?" Importante 'to, baka kung sino ang humawak sa akin. Naku! Delikado na.

"Ako, pero wala akong nakita ,ah? Sabi ni GA, gamutin ka lang daw at bihisan pero 'wag isama ‘iyon’." Napatawa siya at nagpatuloy. Manang's way of answering my questions are too detailed, huh? "At ano, ibinigay niya ang gamit niya at siyang ipinasuot sa iyo. Tapos nagpabili na siya sa ibang maid ng mga damit para sa 'yo."

I asked once again, "Saan po siya natulog?" Baka kasi kung ano ang ginawa sa 'kin ng alaga niya. Lalong delikado.

She answered my question, "Sa kuwarto niya, sa tinulugan mo. Huwag kang mag-alala, wala iyong ginawa. Mataas ang respeto niyon sa mga babae. Kahit nga thirty na 'yang alaga ko ay wala pa rin iyang girlfriend, ewan ko lang doon sa laging naghahabol sa kaniyang babae. Naiinis talaga ako sa Feather na iyon! Mas mabui ka pa nga na bago lamang ay magaan na ang loob ko, pero sa babaeng iyon! Una pa lang, at kahit pangalan lang marinig ko, naku ang dugo ko'y kumukulo!!" Dahil sa pagkairita'y nabunot na niya ang mga damo sa harp niya. "Ay! Naku, sorry." Thirty na pala ang luko.Four years gap pala kami.

Ngumiti na lang ako at nagtanong, masiyado kasi akong nagtataka at bakit Ga o sino si Ga. "Who's Ga? Is it him and you're calling him 'Ga' from the Bisaya word 'palangga'?" Gosh! Para akong interviewer. Naggawa ko yata ang mga bagay na ginagawa ko sa station namin sa tuwing nagpaaamin ng mga suspek. But I am not saying that Manang Rosing is a suspect, I am just curious.

"Ahhh... hindi. Parang pwede na rin ang palangga pero ang akin kasi GA, as in G at A. Ang pangalan kasi ng alaga ko ay Gideon Antonio. Ikaw, hija?", paliwanag nito at tumango naman ako. So, Gideon Antonio, huh?

"Keisha po. Keisha..." Santiago o Lionheart? Ayaw kong ipinapaalam ang pangalang gamit ko ngayon lalo na't may misyon pa ako. Siguro, I'll be back as Keisha Santiago. "Santiago. Keisha Santiago po." Hindi ko alam kung tama itong desisyon ko pero ayokong may makaalam ng aking identity ngayon.

Nakita kong napatango si Manang at biglang napatigil sabay sabi, "Keisha Santiago? Pamilyar. Ah! Siguro'y dahil sa dati kong inalagaang apo ni Don Estaqio. Keisha Rodriguez. Kaso ang nakalulungkot ay patay na ang bata. Kawawa nga si Don dahil una niyang apo ang bata. Namatay raw ito dahil sa sakit na ano nga 'yon? Ah! Multiple myeloma, cancer of the bone marrow." Napatigil ako. I am Keisha Santiago at may dati pang inalagaan si Manang Rosing na Keisha rin? Pero magkaiba kami, 'di ba? I died, I mean the old Keisha died because her parents died in an accident and she, Keisha R. that Manang had mentioned, died because of multiple myeloma. And she's Keisha R., Keisha Rodriguez.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Greatest CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon