2- Sino

26 3 0
                                    

Nasaan ako, tanong ko sa aking sarili pamilyar ang lugar na ito lagi kami nagpupunta dito nuon kasama ang aso kong si Bruno, tama! Di ako pwedeng magkamali.

Nahiga na ako sa damuhan at di ininda ang kati habang sa bandang kanan ay ang pa-unti unting pag lubog ng Araw. Rinig at amoy na amoy ko din ang dagat bandang paanan at walang ka proble-problema, ang tanging alam ko lang ay masaya ako.

Likod ng bahay namin to sa Ilocos Kung san ako pinanganak ni mama; ang probinsiya niya. Kase kinahihiya niyang malaman ng mga kapitbahay nila sa dating bahay nila kaya nagtago siya nun dito sa probinsiya nung lumalaki na ang tiyan niya kasama siyempre si kuya.

Alam kong nasa panaginip lang ako ngayon at masaya ako dahil bumalik ako sa batang ako,ito nanaman ang panaginip ko. Ang tinuturing kong pinaka masayang Araw ng buhay ko, hindi pa ako mulat sa mapanakit na realidad ng mundo nuon.

May taong papalapit ang pumukaw sa aking atensiyon, si lola Monica ang aking lola sa tuhod.

Naamoy ko kase yung matamis na amoy ng tabaco niya, minsan hinhit hit ko din yun. haha

Isang mainit na palo ang aking naramdaman sa bandang pwet, "Kay taas ng Araw! Nakahilata ka nanaman!", galit na sigaw ni mama.

Napaupo ako sa takot at tumutulo na ang aking mga luha.

"Alam mo Ken, puro ka nalang hilata, o kaya mag cellphone! Kaya laging galit kuya mo sayo ehh", dagdag pa niya.

Naiiyak ako dahil naiinis na din ako sa sarili ko.

"Di ka na nahiya! Sa edad mong kinse anyos! Pinapalo ka padin! Di ka ba nahihiya sa mga kapitbahay natin!" Sigaw niya sa aking mukha.

Agad niyang dinampot ang mga libro sa lamesa at hinahagis saakin "tama na po", pagmamakaawa ko.

Patuloy padin nag pagmumura niya saakin.

Pumunta siya sa kwarto Ni kuya at parang alam ko na ang kukunin Niya.

"Ma, huwag po. Di na po mauulit, tama na po, masakit iyan", hagulgul ko sakanya.

Ngunit hindi siya nakinig

Biglang bumagal ang lahat ng nasa aking paligid pati ang aking pandinig ay humina
Tumutulo ang dugo sa aking katawan. Hinampas pala ako ni mama sa ulo.

"Ken anak sorry, anak" rinig kong pag-aalala ni mama.

****

"Hindi kita iniwan Samantha, ni minsan di ko naisip yan. Ikaw ang umalis ikaw ang nangiwan, pero huwag na natin isipin iyon ang mahala magkasama na Tayo" Sabi ko sakanya sabay yakap.

"Jacob", pagsambit Niya saaking pangalan.

Anong nangyayare sa kanya, bakit nakalimutan na niya ako.

"Oo ngayong bumalik kana, maari bang ako Naman piliin mo ngayon, Sam. Ako naman. Hayaan mong mahalin Kita. Mahal na mahal kita Sam.", pagsusumano ko sakanya.

Kumikislap ang kanyang mga mata, parang nangungusap gustong sabihin na gayon din siya. Mahal na mahal din niya ako.

"Anong nangyayare bat di ka umiimik", pagtatanong ko sakanya.

Biglang kumabog ang aking dibdib nang marinig ko ang mala-anghel niyang tinig na Kay sarap pakingan.

"Di ko alam ang sasabihin ko Jacob", ani niya.

"Sabihin mong mahal mo ako, parang awa mo, ipangako mong hindi na tayo mag iiwanan", Sambit ko sa kanya.

Sabay hawak sa mga pisngi niya at nais ko na siyang halikan.

"Di kita maalala, pero hahayaan kitang ipaalala mo", tugon niya saakin.

Nasaktan ako sa sinabi niyang di na niya maalala pero nabuhayan ako ng loob at bibigyan padin niya ako ng pag-asang ipaalala sa kanya.

Isang mahigpit na yakap ang aming pinagsaluhan.

*"Ken anak! kaya mo yan. Tinig ng babaeng humahagulgol

"Anong nangyare, bat bigla kang nagugulat jan", tanong ko sakanya.

Nagulat ako sa tinig na narinig ko, humahagulgol na tinig ng isang matandang babae mga 40+ ang edad, na nag mamakaawang patawarin siya ng kanyang anak dahil di raw niya sinasadya.

*"Anak patawarin mo ako, di ko na uulitin. galit lang si mama, kaya mo yan nak, lumaban ka", dagdag niya.

"Sam, Anong nangyayare saiyo?", Pag-uulit ni jacob.

"Hindi mo ba iyon narinig"

"Ang alin sam, alam mo gutom ka lang. epekto siguro yan ng muntikan mong pagkalunod kanina. Tara kain tayo, libre ko. San mo ba gusto?", Paanyaya niya.

Inabot ko nalang ang aking kamay sakanya.

----

"Leche nga namang buhay to ohh ano ba kaseng ginawa mo, nagpapakahirap ako sa pagtratrabaho tapos dadagdag nanaman to sa gastusin. Punyeta!", rinig kong pagmumura ni kuya.

"Anak! di ko sinasadya. Di ako nakapagtimpi", mangiyak iyak na sagot naman ni mama.

"Anak ayaw kong makulong, anong gagawin ko, dagdag pa niya.

"Ewan ko sayo ma! pati yan pagbibisyo mo kailan mo ititigil yan! Akala mo di ko malalaman! Puro kayo problema! Puro kayo pabigat! Wala na akong buhay! Sigaw ni kuya na rinig na rinig sa buong kwarto.

Ano ba namang klaseng buhay to, kung hindi ma-drama, puro sila galit saakin. Kailan ko kaya ulit mararanasan ang maging masaya. Sana di na'ko magising ulit.

____________________________________
A/N: Hi! there, It's west_lei_deib. Please let me know if you want me to continue my story. Anyway, thankyou for reading my story. xoxo

UNREAL : An Unrevealed Story || : west_lei_deibWhere stories live. Discover now