Kendrix's POV
"Y-you killed h-him?" Tanong ng kaibigan ko sa kabilang linya nainis ako dahil takot na takot siya
"Yes, masyado siyang sakit sa ulo dapat lang sakanyang idespatsa, tsaka di ako yung literal na pumatay pinapatay ko lang siya wag kang oa" sabi ko tsaka binaba ang tawag
Masyado siyang duwag.
Nagdadrive ako ngayon papuntang school ng may makasalubong akong babae haharang harang sa daan minabuti kong dumiretso at di siya pansinin. Pinaharurot ko ang kotse papunta sa kanya pero di ko siya babanggain tatakutin ko lang.
Dinikit ko ng kunti sakanya yung kotse kaya nataranta siya. Hininto ko ang kotse para tignan siya nasa tabi siya ng daan at pinupunasan ang tuhod na nagdudugo shit i didn't mean to, di ko alam na masasaktan siya. Agad siyang tumayo matapos punasan ang tuhod at naguusok ang ilong na lumapit sa kotse ko na pa sandal ako dahil nakakatakot ang itsura niya.
"Ahh apa! Yah! Banggeum Mweol Hasseoyo?!, Ssibal!" Sunod sunod na sabi niya di ko siya maintindihan dahil iba ang language koreana ata ang isang to
Parang narinig ko na yang accent nayan sa isa kong kaklase eh
cc: ahh ouch! hey! what did you just do?!, fuck!
"I-i'm sorry i don't understand" sabi ko ng ibaba ang bintana ng kotse ko na kanina ay hinahampas pa niya. Ngayon ko lang napansin na parehas ang uniporme namin. Mukhang ito yung sinasabi ng kaklase ko na magtatransfer samin hays yare!.
"Hoy ikaw kingina mo, di ka ba natingin sa dinadaanan mo ponyeta ka balak mo ba kong patayin?" Sunod sunod na sabi niya nagulat ako kase marunong pala siyang mag tagalog deretsong deretso at halatang sanay na may kasama pang mura
"Sorry di ko sinasadya haharang harang ka kase sa daanan" pagtataray ko pa dahil totoo naman.
"Tanga ka pala edi sana binusinahan mo muna ako di yung nagtuloy tuloy ka nasugatan tuloy ako, nako nanggigigil ako sayo baka masapak kita ngayon!" Sabi na naman niya napalunok pako dahil baka totohanin niya ang sinabi niya.
"Again I'm sorry nagmamadali kase ako papasok pa kase ako" sabi ko at napakamot pa ng ulo at napatingin sa orasan shit i'm late. Napatingin naman siya sa uniporme ko.
"U-umh sa Node University ka ba papasok? M-mukhang don kase nakauniporme ka d-don den ako nagaaral, G-gusto mo i-isabay na k-kita" Shit bat ba nauutal ako.
"Sige dahil sayo ren naman eh kung bat malelate na tayo pareho" sabi niya sakin ng masama paren ang tingin. Binuksan ko ang pinto sa tabe ng driver's seat
"D-dito ka m-miss--" di ko na naituloy dahil nagpakilala siya bigla
"May pangalan ako, Son Chae Ssu" sabi niya at iniabot pa ang kamay sakin, kaya kahit naiilang iniabot ko na baka murahin ulit ako eh.
"A-ah i see korean ka pala m-may kaklase den a-akong korean eh" sabi ko ng nauutal bat ba ko nauutal
"Tinatanong ko ba?" Pagtataray na naman niya tsaka sumakay sa kotse ko, napakamot ulo nalang ako tsaka instart ang kotse.
Pagdating sa school as usual nakaabang ang ibang mga kababaihan iniintay ako siyempre gwapo kong to daming nagkakagusto sakin hays iba talaga pag gwapings
Ba baba na sana ako ng maalala kong may kasabay nga pala ako napatingin ako sa katabi ko ng makitang natutulog siya napatulala ako at tinignan ang mukha niya. Maganda siya, makinis ang mukha matangos amg ilong may nunal siya sa bandang mata na hindi mapapansin kase maliit lang napansin ko ito dahil malapit ako sa kanya, may kulay nga pala ang buhok niya kulay orange na may pagka brown nagpatingkad pa ng kaputian niya, mapula den ang labi. Di ko napapansing nalapit na pala ang mukha ko sa kanya sa sobrang lapit mahahalikan ko na siya.
YOU ARE READING
Untold Love
HumorI can't say that i'm inlove with her but her simple actions affect me and what i just know is i can't live without her... Is it love?