A/N : pasensya na sa bilaang korean language lesson hehe kasama po sa part ng story yan eh, kung ayaw basahin skip nalang po.
Please vote ;')
Cloe's POV
Kanina pako tinititigan ng lalaki sa tabi ko hindi naman sa naiilang ako kundi dahil NAIINIS ako, ayoko ng may tumititig sakin.
"Annyeonghasseyo!" Bati sakin ng batang nasa harap lang ng upuan ko. Mukhang eto yung sinasabi kanina nung lalaking balak akong patayin na kaklase daw niyang korean den. Hmn cute nga tong batang to ah.
"A-annyeonghasseyo" nakangiting usal ko din sakanya
"Kelan ka pa dito sa pilipinas noona?" tanong niya habang kinakain yung mansanas niya
"A-ah simula ten years old ako nandito nako, tuwing holiday nauwi kami minsan sa Korea. Ikaw ba?" Tanong ko pa pabalik sa kanya
"Ahh simula pagkapanganak ko nandito nako, ganon din kami madalas kami magbakasyon sa Korea, ay noona san kayo sa Korea? Kami sa Ilsan" tanong niya pa ulit habang tinatanggal ang balat ng mansanas na nadikit sa ngipin niya, Hays baboy naman ng batang eto.
"Sa D-daegu kami" sagot ko at napa ahh lang siya at ngumiti. Inalok pa niya ako ng mga dala niyang snacks kaya sinunggaban ko na gutom ako eh tsaka pag kain to bawal ayawan hehe lalo kung matakaw ka.
Dumaan ang araw naging masaya naman ang unang araw ko dito sa school maayos den ang pakikitungo sakin ng mga teachers at students. Lunch na kaya bumaba muna ako saglit para pumunta sa Cafeteria ng may kumapit sa braso kong bubwit.
"Noona tara sabay tayo kumain" yaya ng bata sakin napangiti ako ang cute ng batang to. Maliit lang din siya hanggang balikat ko lang para lang talaga siyang bata pero maangas ang dating niya matured den tignan.
"Tara Haha, lilibre mo bako?" Tanong ko napangiwi naman siya at inalis ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko, natigilan den ako at litong tumingin sa kanya, ngumiti naman siya ng nakakaloko at-
"Sige ba noona gusto mo bilhin ko pa buong cafeteria eh hahaha" sabi niya pa kaya natawa lang ako
"Hahaha loko ka tara na gutom na din ako eh" usal ko pa sakanya kaya hinatak lang niya ko papuntang cafeteria natuwa naman ako kase may instant kapatid nako wala kasi akong bunsong kapatid kuya lang masungit pa sakin
Ng makarating kami sa cafeteria nakarinig kami ng ilang sigawan at tilian agad kaming napapunta don at nakisiksik sa nagkukumpulang estudyante doon ko nalang nakita yung lalaki kaninang muntik ng makapatay sakin ay hawak yung isang lalaki-- wait si Kuya, kuya ko yung hawak niya at nakapatong siya rito habang hawak ang kwelyo at pinagsasapak.
Walang nagatubiling umawat dahil takot den ang karamihan may isang babaeng naiyak sa tabe habang hawak siya ng dalawang lalaki na batid kong kaklase namin.
Di ko na mapigilang di makisawsaw kaya inawat ko na sila dahil baka kung ano pang mangyari pag walang umawat baka mapatay nitong lalaking to ang kuya ko.
"Hoy, hoy tama na ano ba!" Sigaw ko sa lalaki sabay tulak sa kanya tumilapon den siya sa lakas ng pagkakatulak ko
"Wag kang makielam dito miss!" Sigaw niya palapit sakin at akmang lalapit na ulit kay Kiya ko upang sapakin nanaman ito ngunit dumating na ang teachers kaya natigilan ito.
"Mister Soleto, Mister Sanre what's happening here!?" Sigaw pa ng isang teacher na lalaki galit ba galit ito dahil sino ba namang matutuwa dahil unang araw ng pasukan ay may kaguluhan agad na naganap.
Ikwenento ng mga nakakaalam ang bawat detalye kung bat nag aaway ang Kuya ko at yung lalaki kanina. Nalaman ko den na yung kaninang babae pala ay ex nitong lalaki at ngayon ay kasalukuyang girlfriend ni Kuya di koto alam dahil kakalipat ko lang dito galing kase akong probinsiya.
Ramdam ko ang sama ng tingin sakin ni Kuya dahil ayaw na ayaw niyang makikialam ako sa gulo niya. Hindi talaga kami mag kasundo dahil sa di ko malamang galit niya sakin isang araw nalang ay di niya ako pinansin at naging malamig naden ang pakikitungo saken nasanay naden ako kase kung pipilitin ko pa ay baka lalo niya lang akong kainisan.
"Bat ba ang pakialamera mo!?" Galit na tanong ni Kuya at dinaklot pa ang kwelyo ko kaya napatayo ako sa pagkakaupo ko
"K-kuya ayoko l-lang masaktan ka k-kaya pinigilan k-ko s-siya" nauutal na sabi ko pa dahil nasasakal na ako at tinuro pa yung lalaking nakatingin lang samin na parang walang pakialam "K-kase baka mapatay k-ka n-niya kanina" naiiyak na talagang anas ko "T-tama na K-kuya nasasaktan na a-ako" pag mamakaawa ko pa tsaka niya pabato ako binitawan sinalo naman agad ako ni Daniel
"Ano ba bat mo siya sinasaktan!" Sigaw ni Daniel kay Kuya
"Wag kang makialam dito bulinggit ka baka pitikin lang kita" nakaamba pang usal ni Kuya sakanya kaya naitago ko nalang siya sa likod ko
"Daniel tara na sa room" sabi nung lalaki kanina. Di paren ako makatayo dahil sa pagkakabagsak ko ng pabato akong binitawan ni Kuya. Pilit akong tinatayo ni Daniel pero walang saysay dahil mas malaki ako sakanya.
"Kaya ko na Daniel-" diko na natuloy ang sasabihin ko ng buhatin ako nung lalaki ng pa bridal style "O-oh ano ba ibaba moko, n-napapano ka" sabi ko pa at nagpipilit na makaalis sa kamay niya pero di siya nakikinig at derederetso lang nag lakad
Di nakalagpas sakin ang mapanuksong tingin ni Daniel samin nako kutusan ko kaya tong batang to, napansin ko den ang sama ng tingin ni Kuya samin kaya inalis ko agad ang paningin ko dito dahil parang papatayin ako non.
Habang naglalakad kami papuntang room pinagtitinginan kami ng ibang estudyante kaya sa hiya ko napayuko nalang ako at di namamalayang ang lapit pala ng mukha ko sa mukha niya. Gwapo pala siya matangos ang ilong, maganda ang mga mata, makapal ang kilay at mapulang labi masarap siguro tong ikiss-- Wtf? Ano ba kase di kase yon i mean ang pula nung labi niya sarap ikiskis sa pader.
"Don't stare at me like that" bulong niya na nagpatindig ng balahibo ko "Baka isipin kong may gusto ka sakin" dagdag niya pa tsaka sumilay ang nakakalokong ngiti.
"H-huh yah!, Ano bang pinagsasasabi mo diyan b-baka ikaw ang may g-gusto sakin baka nakakalimutan mo na n-nakita ko kaninang m-malapit mo na kong h-halikan, Manyak!" nauuutal na sabi ko pa kaya nagawa niyang ngumisi
seryoso siyang tumingin sa mga mata ko habang buhat parin ako at naglalakad "Anong gagawin mo kung gusto nga kita?" huminto siya at tumingin sakin ng seryoso na nagpatulala sakin "Bat nagbablush ka?" nakangising tanong niya kaya napahawak nalang ako sa pisngi ko
Nakarating na kami sa harap ng room at huminto pa sandali si Daniel at minwestra ang kamay sa may pintuan at sinabing "Let's welcome our newlyweds" naghiyawan lang ang mga nasa room pati ang teacher namin ay nakitawa naren. Loko tong batang to.
YOU ARE READING
Untold Love
HumorI can't say that i'm inlove with her but her simple actions affect me and what i just know is i can't live without her... Is it love?