A Love That Last

65 3 5
                                    

Nakaramdam ako ng saya dahil sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. Punong puno ito ng pagmamahal. His smile reflects the beauty of the snow around us. Parang nakikisaya sa munti naming mundo. I smiled too.

Slowly, he reach and caress my face like a delicate snowflake. In a swift, he kissed me.

Somehow, in this cold weather, he made me feel warm.

"Our love will last forever..."

Namulat ko ang mga mata ko at nakitang umaga na mula sa orasan sa tabi ng kama ko.

Ngayon, naulit nanaman ang panaginip kong 'yon.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula o kung paano. Hindi ko na nga rin matandaan kung gaano kadaming beses naulit ang panaginip na' yon. Hinawakan ko ang dibdib ko.

Pero ang pakiramdam, parang totoong totoo. Hanggang ngayon mabilis pa din ang tibok ng puso ko.

Tumayo ako at hinawi ang kurtina sa bintana ng kwarto. Marahan akong napapikit nang masilaw sa sinag ng araw. Pumikit ako at napahinga ng malalim. Kasing init ng sikat ng araw ang dulot ng halik ng lalaking 'yon.

Binuksan ko ang laptop sa sala saka dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Linggo ngayon at walang pasok sa trabaho. Saan kaya magandang pumunta? This past few weeks masiado akong stress sa trabaho. Nakakalungkot pa ang mag-isa rito dahil matagal na 'kong bumukod kela Mama at Papa. Ang hirap din pala.

Napalingon ako sa direksyon ng sala ng tumunog ang laptop hudyat na may nagpadala ng mensahe. Nagmadali akong umupo sa sofa at tinignan ang laptop.

From: Winter

Hindi kaya siya ang lover mo nung past life?

Napakunot ang noo ko sa nabasa mula sa email galing kay Winter. Kapwa ko blogger. Nagtatago kami sa sariling pen name hanggang sa nagpalitan ng email address. Minsan ko na kasing na post sa isang blog ko ang tungkol sa panaginip ko. Mukhang nagkainteres din siya dahil minessage niya 'ko. Mahilig kasi siya sa history. Hindi ko siya lubos na kilala pero napalagay na din naman ang loob ko dahil sakanya ko lang nakukwento ang tungkol sa panaginip ko na madalas bumagabag sa'kin.

Past life? Naniniwala siya dun? May point naman pero ang luma naman ng theory niya.

Agad akong nag reply.

To: Winter

Past life? Naniniwala ka doon?

From: Winter

Oo naman. Maraming naniniwala doon pati na ang religion na Hinduism. Malay mo makilala mo rin siya ngayong present life mo.

Nagkibit balikat ako. Malabo siguro 'yon.

To: Winter

Hindi ko alam. Sige, out na'ko. Mamaya uli!

From: Winter

Sige, ingat ka!

To: Winter

Thank you. Ikaw din.
Please do a sketch of the guy in my dreams!

Isinara ko na ang laptop at nag ayos. Mamasyal masyal nalang muna ako ngayon. Ayoko na ring problemahin ang panaginip ko. Dagdag stress kahit nakaka curious!

Past life? Totoo ba 'yon? Ewan.

Napatigil ako paglabas ng mapansin ang unti-unting pag patak ng snow. Wow! Eto ang unang patak ngayon taon! Napangiti ako at napatingala.

Ang sabi ni Papa, pinanganak ako noong unang araw ng snow kaya 'yon ang pinangalan nila sa'kin.

Inilahad ko ang kamay ko para masapo ang maliit at makikinang na snow. Sa pagkakatanda ko, nag so-snow rin sa panaginip ko.

A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon