'Isang babae patay matapos gahasain at saksakin sa noo. Dito sa madilim na eskenita---'
"Oh anak bat mo pinatay ang tv?" Tanong ni mama
"Wala po ma, napakaboring lang kasi, paulit ulit nalang yan" sagot ko rito
"Alam mo nak, nakakaawa talaga ang babaeng yan, tignan mo, ginahasa na nga, pinatay pa tsk tsk tsk walang puso ang sinumang gumawa nyan"
"Kaya ikaw nak, mag pakabait ka at wag kang gagaya sa ganyan" dugtong nito
"Opo ma"
"Oh sya matulog kana, may pasok kapa bukas." Saad ni mama at pumasok na sa kaniyang kwarto
Tik
Tak
Tik
Tak
Heto na naman ang nakakilabot na tunog ng orasan.
Agad akong napabalikwas ng bangon ng mag ring ang cp ko.
Unknown number calling.....
Tss sino na naman ba ito?
"Hello?"
"Isang babae patay matapos gahasain at saksakin sa noo---"
"Hello! Sino ba ito!"
Walang sumagot bagkos nagpatuloy ito sa pagsasalita
"Magpapakita ito pagsapit ng alas dose, sa ilalim ng kama--"
Tss pinagtitripan lang ako nito.
Binaba ko na ang telepono at humiga ulit sa kama.
12:00 am na pero wala namang nagpapakita, wala sigurong magawa ang taong yun at ako ang napagtripan.
Tik
Tak
Tik
Tak
Mahimbing na natutulog ang isang lalaki habang nakamasid sa kanya ang isang babae. Matalim na tinignan ang lalaki.
Hinahaplos haplos nito ang mukha gamit ang kutsilyo.
"Magbabayad ka!" Sigaw ng babae at isasaksak na sana ang kutsilyo ngunit nagising ang lalaki
Napabalikwas ako ng bangon at agad tinignan ang orasan at pasado alas tres na pala ng madaling araw.
Naisip ko parin ang panaginip ko kanina, nakakilabot parang totoo.
____________
"Isang babae patay matapos gahasain at saksakin sa noo, magpapakita ito pagsapit ng alas dose sa ilalim ng kama kaya mag iingat ka at wag babaliwalain ang babala."
______
"Isang lalaki, patay matapos saksakin sa noo ng sarili niyang ina. Ayon pa sa mga saksi na may nakasulat daw sa gilid ng kanyang kama. Ayon pa dito na dugo ang ginamit sa pagsusulat.
"I'M THE KILLER"
"Ayon pa sa mga saksi may sinulat pa ito sa headboard ng kanyang kama, hindi nito mawari kung totoo ba or nagbibiro lang ito."
Inoff ko na ang tv. Nakakaboring HAHAHAHA Gusto niyo malaman kung anong sinulat?
"I'M THE KILLER AND WAIT FOR MY COMEBACK" Di parin mawaglit sa isip ko ang nakita ko, kaya sinabi ko na ang boring kasi habang nakatutok ako sa sulat na gamit ay dugo, tumitindig balahibo ko. At may bumulong malapit sa tainga ko, sinasabayan niya ang bawat pagbigkas ko sa salita.
' It's mysterious '
"Anak" Muntik na akong mahulog sa upuan ng tinawag ako ni mama.
"Kanina kapa nakatulala dyan, ayos kalang ba?" Tanong ni mama na bakas ang pag aalala
'Sasabihin ko ba yung nangyari kani-kanina lang?' tanong ko sa isip ko
"Wala ma, naisip ko lang kung paano ako e crushback ni crush" sabi ko kay mama na halatang kumbinsido sa sinabi ko. Buti nalang at Di ako nautal.
"Naku anak, wag kanang maghabol sa taong hindi ka gusto" saad ni mama
"Mama naman di naman ako naghabol ah atsaka crush lang naman eh" nakapout kung saad ni mama
"Oh siya halika na, kumain na tayo" saad ni mama kaya tumayo na din ako para pumunta sa kusina. We're just poor, not totally poor kasi makakain naman kami tatlong beses sa isang araw
"Hay naku anak, tulala kana naman diyan, umupo kana at para makapagsimula na tayong kumain" saad ni mama kaya napabalik naman ako sa huwisyo Umupo na ako at nagsandok ng kanin sa plato ko at kumuha ng ulam. Napatigil ako sa pagsubo ng magsalita si mama.
"Alam mo anak, balita ko yung anak ng kapitbahay natin ay namatay daw." Sabi ni mama habang iniisip yung nangyari
"Talaga ma? Eh ano namang sanhi ng pagkamatay niya? Eh okay pa naman siya kahapon ah" takang tanong ko kay mama
"Yun nga ang nakakapagtaka, ayon sa ina niya habang nanunuod ang dalaga sa balita bigla nalang daw itong nahulog sa upuan at tinanong niya kung ayos lang ba pero hindi ito sumagot bagkos ay tinanong daw siya nung dalaga kung siya ba yung bumulong sa tainga niya pero sabi naman daw niya na hindi raw at sinabihan niya yung anak niya na matulog na dahil may klase pa bukas. Sinunod naman nito ang sinabi niya pero kinabukasan nakita nalang daw niya yung anak niya na nakabulagta at may tarak na kutsilyo sa noo, ang sabi nung mga police na suicide daw. Pero ang pinagtataka niya wala namang problema ang anak niya at wala namang sinabi na may problema siya, ang hinala niya na baka daw may nakapasok tapos pinatay ang dalaga" mahabang kwento ni mama sabay buntong hininga
"Tsk tsk tsk nakakaawa talaga, panay iyak pa ang ina niya dahil hindi matanggap ang nangyari, mabait na bata daw yun tapos masunurin at hindi nakikipag away. Naawa ako sa sinapit nila" dugtong pa nito
Nakatulala ako habang iniisip ang kwento ni mama. Posible kayang ako ang isunod? Haysss ba yan, natatakot na ako ah. Tumitindig na naman balahibo ko parang may nakatitig sakin, tumitingin tingin ako sa paligid pero wala naman akong nakikita na kakaiba. Stress lang siguro toh.
"Anak? May problema ba?" Tanong ni mama
Hindi kasi ako mapakali, para talagang may nakamasid sakin pero kapag tumitingin ako, wala naman akong makikita.
"Anak?" Tanong ni mama habang winawagayway ang kanang kamay sa harap ko kaya nahinto ako sa pag iisip at tumingin kay mama.
"P-po?" Utal na tanong ko, kinakabahan ako baka ako na ang isunod.
"Ayos kalang ba? Kanina kapa ganyan, may problema ba? Please tell me handa akong makinig" alalang tanong ni mama pero nginitian ko lang ito kasabay na umiling.
"Oh siya bilisan mong kumain dyan at matulog na tayo" saad ni mama at binilisan kung kumain.
BINABASA MO ANG
THE KILLER
HorrorA story that full of mystery and Finding who's the real killer. Are you ready to find who's the real killer together? Or finding in your own. A/N: Don't Plagiarize my story. It is work of my own imagination. Binibining_Jodie