SYETE

2 1 0
                                    

TANGHALI nang makarating ang dalawang babae at isang lalaki. Pinuntahan nila si Diana sa bahay ngunit tahimik lang na bahay ang kanilang naabutan. Magulo sa loob ng bahay na iyon, daming nagkalat na mga gamit.

"DIANA!" tawag nilang tatlo ngunit wala silang narinig. Ilang beses pa nilang inulit iyon at napagpasyahan na nilang umuwi. Lalabas na sana sila sa pintuan ng may marinig silang iyak. Iyak ng babae. Dalawang babae. Tatlo. Apat. Lima.

Nagsimulang manindig ang kanilang mga balahibo. Hindi nila alam ang kanilang gagawin. Dahan-dahan nilang pinuntahan ang pinanggagalingan ng boses.

Wala sa sala.
Wala sa kusina.
Wala sa kwart—-

"Si Diana!" sigaw ng lalaki sabay turo sa gawi ni Diana. Nakita nalang nila itong nakahandusay sa sahig at walang malay.

Dali dali nila itong nilapitan at chineck kong buhay pa ba ito. Nakahinga naman sila ng maluwag ng mapagtantong humihinga pa ito.

Ilang segundo ang lumipas at nagsimulang magpatay sindi ang ilaw. Tumunog din ang alarm clock tanda na alas dose na ng tanghali.

Napasinghap silang tatlo ng magsimulang maglaglagan ang mga gamit sa kwartong iyon. Nakaiwas ang babae sa bagay na tatama dapat sa kanya. Todo iwas sila ng magsimulang batuhin sila ng kung ano ano.

Puro sigaw lang ang marinig sa loob ng kwartong iyon. Hindi nila batid na may taong tawa lang ng tawa sa reaksyon nila.

Napaatras sila ng biglang bumangon si Diana. Nakatutok ng matalim sa kanilang tatlo. Puno ng galit ang makikita sa mga mata nito. Hihilahin na sana ng lalaki si Diana ngunit nanlaki ang kanilang mga mata ng bigla itong lumapit sa kanila.

Isang hakbang paabante
Isang hakbang paatras

Atras lang sila ng atras, nanginginig na ang kanilang tuhod.

"KYAHHHHHH" sigaw ng babae at lalabas na sana siya sa kwartong iyon ngunit agad din napaatras ng sumarado ng malakas ang pintuan. Umatras siya ng umatras at nawaglit sa kanyang isipan ang babaeng nasa likuran niya.

"Ellaine" napatigil siya sa pag atras ng marinig niya ang malamig na boses sa tenga niya. Tumindig ang balahibo niya sa batok at nanghihina ang kanyang mga tuhod.

Para siyang tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Parang tumigil ang oras sa kanilang tatlo.

Napaawang lamang ang bibig ng dalawa at nanlaki ang mga mata sa nakita.

Babae.
Isang babaeng duguan na may dalang kutsilyo at nakangisi ito sa kanilang tatlo. Nakakatakot ang mga titig nito na animoy nasisiyahan sa nangyari.

SAMANTALA si Ellaine ay di pa rin makagalaw sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata at panginginig ng buong katawan ang makikita mo sa kanya

"D-Diana s-sorry" utal utal na saad nito. Wala siyang nakuhang tugon dito pero naramdaman niya pa rin na hindi ito umaalis sa likod niya.

Dahan dahan siyang lumingon at nakita ang kaibigan na nakangisi sa kanya at dadambahin na sana siya ng saksak ng bigla itong binato ni Seth ng libro dahilan para mabitawan ang kutsilyo na hawak nito ngunit di pa rin tumigil si Diana at sinakal niya si Ellaine.

*Tok Tok Tok*

"May tao ba diyan?" tanong nito

May kumatok sa pintuan, nagsisigaw sila at humingi ng tulong.

"Siguro pusa lang yun" saad nito at umalis na.

"HELPPPPPPPPPPP" sigaw nila ngunit tuluyan na ngang naka alis ang tao.

Nawalan sila ng pag-asa at nagtataka kung bakit di sila naririnig nito.

Bumalik ang temperatura sa loob ng kwartong iyon at nakita nilang nakahandusay ang kanilang kaibigan na si Diana. Nakahinga na rin ng maluwag si Ellaine matapos ang insidenteng iyon.

Nagising si Diana at napa atras silang apat. Nanlaki ang mga mata ni Diana sa gulat

"Ellaine?" tanong nito na hindi makapaniwala

"A-ah Diana" utal na saad nito.

"A-akala ko patay ka na" saad ni Diana at nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mata. Lalapitan na sana nito si Ellaine ngunit umatras lang ito. Hindi siya makapaniwala sa reaksyon ng dalaga. Pero di niya ito pinansin at  dinambahan ng yakap si Ellaine.

Nanlaki din ang mga amata ni Ellaine sa gulat at the same time, takot.

"Akala ko patay ka na" pag uulit nito sa sinabi

"It was just a prank Diana. I'm sorry" saad ni Ellaine. Nagkwentuhan lang sila sa loob ng kwartong iyon at di sila makapaniwala sa mga nalaman at mga nangyari sa kanila.

It supposed to be prank pero kasama rin pala kami sa nangyari.

Prank na nagkatotoo

Napagpasyahan nilang lumabas sa kwartong iyon matapos mahimasmasan. Ngunit sa paglabas nila ng bahay, nagulat sila sa nakita at nagsimulang mangatog ang mga tuhod nila.

"Ito yung daan kung saan lumabas tayo kanina diba. Ito yung daan na pinuntahan natin" saad ni Ellaine

Sabay nilang nilingon ang kanilang pinanggalingan at nagulat ito sa nakita. Nasa lumang bahay sila kung saan nag iinuman ang tatlo before nangyari ang insedenteng iyon sa kanila.

"P-panong n-nangyari yun" takang saad ni Ellaine

"Diba nasa bahay tayo ni Diana pero bakit napunta tayo rito?" saad naman ni Seth

"H-hindi ko alam" sabat ni Nerlyn na kanina pa tahimik.

Puno ng pagtataka at mga tanong sa isipan nila habang binabaybay ang daan pauwi.

SAMANTALA sa kabilang banda naman, nakangiti lang ang taong ito habang pinagmamasdan niya ang taong papalayo sa bahay na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon