Chapter 1-Meet them

21 0 0
                                    

Siya'y nakatingala sa langit, pinagmamasdan ang mga bituin na nag niningning. Bumuo ang kaunting ngiti sakanyang labi. Ayon sakanya, ang mga bituin na ito ay hindi siya kailanmang binigo. Nandidiyan tuwing gabi. Shining—giving comfort to him.

He closed his eyes and sighed. He now feels so relaxed, na tila bang wala siyang pinagdadaanan at sakit na dala-dala, na nakakalimot rin sakanyang nakaraan. Bigla ding humangin na siyang nakakapagdagdag comfort sakanya. He stays like that for a minute, then suddenly.

Narinig niyang may kumakatok mula sa labas ng kanyang silid. The smile that flastered on his face turned into a cold expression.

"Come in," he said coldly and 3 men wearing blacksuits entered.

The man in the middle of the two men bowed. "Magandang gabi, Ginoo."

Hindi niya pinansin ang pagbati pero siya'y nagtanong, "Nagawa niyo na?" He poured a wine into the glass.

Napalunok ang lalake at bumuntong hininga bago nagsalita, "Ginawa na namin, Ginoo. Nilibot namin ang buong siyudad at pati narin ang mga iba't-ibang lugar, pero—" napahinto ito at yumuko.

Napataas siya ng kanang kilay. "Pero?"

"P-Pero—h-hindi namin siya m-mahanap-hanap."

The glass he was holding suddenly turned into pieces, umigting rin ang kanyang panga. Naramdaman niya ang takot ng mga ito kaya imbes na pagalitan ay pinili niya nalang muna na maging kalmado.

Umayos siya sa kanyang pagkakaupo. "Gumawa kayo ng paraan," aniya.

"P-Pero—Ginoo, nilibot na namin ang buong siyudad. Pati narin ang mga iba't-ibang lugar at ang mga kasulok-sulokan nito pero hindi talaga namin siya mahanap."

Hindi na napigilan ang sarili. Galit itong tumayo at hinarap sila, "P*t*ang*ina! Sabi ko gawan niyo nang paraan!" Dahil sakanyang sigaw ay namutla ang mga ito.

"Mga l*ch*gas!" sabay sipa niya sa upuan at tumalsik sa harap ng tatlo, napaatras naman ang mga ito.

"P-Pasensya na p-po," ani ng isang lalake sa kanan. Lumapit siya rito at nagsalita, "Ke-simple simpleng trabaho hindi niyo magawa?!" Sinampal niya ito nang pagkalakaslakas na naging dahil sa pagdurogo ng labi nito.

"Kung ayaw niyong pasabugin ko ang mga ulo niyo, hanapin niyo ang pinapahanap ko!"

"O-Opo!" walang pag-aalinlangang sabi ng tatlo.

"Magsilayas kayo! Mga p*ny*ta!" Lumabas naman ang tatlo. When they finally got out, he sat down back to his chair—closed his eyes and massaged his forehead.

Hindi ako makapaniwala! Hanapin lang ang babaeng 'yon hindi pa magawa.

Napabuntong hininga siya, Ano bang dapat gawin?

Kinuha niya ang isang litrato na nasa drawer. Tinitigan niya ang babaeng nasa litrato.

Nasan ka bang babae ka? Saang mundo ka nabibilang?

*

Cassandra Clare Bryxon Point of View

"Uy, Cas! Ready ka na mamaya para sa quiz?" tanong sa'kin ni Trisha, kaibigan ko. Imbes na sagutin ko siya, bumuntong hininga nalang ako.

Nagsitinginan ang dalawang kaibigan ko dahil 'don. "Cas, anong problema?" tanong ni Trisha.

Umiling-iling ako. "Wala."

Napairap naman ang isang kaibigan ko na si Zeli. "Sus, wala raw. Meron!"

"Amp. Sabihin mo nga," pamimilit ni Trisha at sinuntok pa ako ng mahina sa braso.

Bumuntong hininga muli ako bago nagsalita. "Si mom and dad kasi," pagbibitin ko.

"Ano?" sabay sabi ng dalawa. Napairap ako, tsk.

"They've got divorced." They were both shocked because of what I said.

"What?! Bakit?" Trisha.

Umiling-iling ako. "I don't know. They didn't tell me. Umuwi lang sila sa bahay na nag-aaway na, then ayon, napunta sa divorce." I looked down. 

Masakit man sa dibdib, wala akong magagawa kundi kimkimin nalang ito. Nangyari na ang dapat mangyari, hindi ko sila mapipigilan kung iyon talaga ang gusto nila.

"Oh my god, anong gagawin mo niyan ngayon, Cas?" Zeli asked.

Umiling muli ako. "Nothing. Sa condo nako mag s-stay."

"Hala, okay lang 'yan, Cas. Alam kong kakayanin mo 'yan," Trisha said. I nodded and smiled.

"Thank you."

The bell suddenly rang. "Oh, oras na ng klase! Halina kayo," sabi ni Zeli at umuna ng umalis. Then, sumunod naman kami sakanya.

*

Sorry for the bitin chapter. Hahabaan ko nalang sa susunod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mask ManWhere stories live. Discover now