Ilang araw na lumipas mula nangyari ang kanyang pag amin, sinusubukan ni Anne na limutin si Alexis ngunit hinde talagang maiiwasang sila ay pagtagpuin. After all they're classmates, parehas sila ng kinuha.
Break time at ngayon ay nakapili silang dalawa, at saktong nasa likod Anne si Alexis.
“Kuya, Dalawang order ng unli-fries, dalawang cheese burger, dalawang puno na cups ng kwek-kwek at tubig. Kuya gusto ko yung tubig na sobra-sobra sa lamig, kung pwedeng sampong yelo sa iisang baso or isang yelo nalang na water na nasa plastic”
“389 po, ma'am” sabi ni Kuya at ibinigay sa kanya ang order nya, at ang tubig. Yelo, isang buong yelong tubig na nasa loob ng isang plastic bottle.
Agad namang dumiretso si Anne sa pangatlo sa gitna na upuan sa may kanan, nang nalapag nya ang pagkain nya ay tahimik syang umupo doon at nilagay ang kanyang head phones para walang marinig na kung ano mang ingay mula sa paligid.
Pinatugtog naman ni Anne ang kantang “Di sapat pero tapat” ng This Band, saktong medyo maulan din ngayon kaya mababagay itong kantang ito.
Malamig na tubig, malalakas na ulan, at malungkot na musika para sa isang perpekto na merienda.
Si Alexis naman ay umupo sa table na tapat kay Anne at ganon ang eksena hangang hapon at hangang sa mga sumunod pang araw.
Lumipas ang araw, lingo, buwan, at sa wakas ang sakit sa puso ni Anne ay naghilom na.
Eto na ang huling klase sa taong ito at nakapag desisyon na buohin ulit ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Alexis, alam nya namang masaya na silang dalawa ngayon eh.
Tanggap nya na, kasi ano ba namang magagawa nya diba? Sya na ang mahal tsaka alam nyang masaya na sila sa isa't isa, susuportahan nya nalang.
Maybe after all isang mabuting desisyon na din iyon, ang lumayo kay Alexis.
She learned to also love herself before loving anyone else, self love is love.
Di nya maiitatangi, she still have feelings for Alexis at hinde nya pwedeng sisihin ang sarili kung bakit ganon.
Boyfriend material din naman kasi si Alexis eh, hayst ang swerte nya kay Cess.
Naglalakad sila Cess at Alexis sa may hagdan ng makasalubong nila si Anne, “Hello, guys!”
“Hello, Anne? Kamusta ka? Di ka na namansin ah?” bati ni Cess
“Wala yun, busy talaga ako sa school works kaya ganon. Sorry ah kung nasungitan ko kayo, stressed kasi ako” paghingi ng tawad ni Anne sa kanilang dalawa.
“Hoy ano ka ba, okay lang” sagot ni Cess.
Ngumiti si Anne at sinabing, “Alexis, pwede ba tayong nag usap? Don't worry, Cess. A quick talk lang, i just have to say something important”
At naglakad muna papalayo si Cess
“Alexis, I'm sorry sa mga nangyari ah? Kinailangan kong gawin yun kasi, ayokong masaktan. And i know na tama lang yun, don't worry naka move on na ako HAHAHAHA”
Nilagay lang ni Alexis ang kanyang braso sa balikat ni Anne at sinabing, “I know, and thank you for doing that”
BINABASA MO ANG
Dakilang Thirdwheel: Pakipot
Short StoryAlexis confesses to Anne that he really likes him but Anne has zero interest and he only likes Alexis as her friend. Anne then introduces Alexis to a friend of her but later on Anne falls. She kept denying the fact that she really likes Alexis, she...