Chapter 2

0 0 0
                                    

Pagpatak ng alas-onse ay nag-umpisang umilan. Nung una ay ambon lang ito at kalaunan ay lumakas na.

Nakalimutan ko pa naman magdala ng payong. Napamura ako sa naisip ko.

Siguradong mahihirapan ako sa paghahanap nang masasakyan. Pag ganitong malakas ang ulan ay talagang bihira ang masasakyan na tricycle. Kung meron mang dadaan na jeep ay swertihan na lang kung makasakay ako mg hindi nababasa.

Iilan na lang ako dumarating na customer. Ang ilang staff ay nag-uumpisa na din maglinis para mamaya ay magsasara na lang.

"Gift Celestine Sta. Maria!" Boses ni Thea ang pumukaw sakin.

"Bakit?"lingon ko sa kanya.

"Tinatanong kita kung sasabay ka sa akin. Ang lalim naman nang iniisip mo." Nakakunot ang noong saad nya.

"Siguro iyong si Alexus ang naaalala mo no? Sabagay, kahit ako hindi sya maalis sa isip ko. Grabe! Nakita moba yung braso nya? Parang ang sarap pigain at hawakan. Saka yung kamay? Grabe puro ugat , parang pag humawak sayo nang madiin hindi ka palalakarin e."

"Thea! Bibig mo! May makarinig sayo dyan!" Saway ko. Puro kabastusan talaga to si Thea. Bulgar na bulgar magsalita.

"Totoo naman e. Saka ang pula ng lips grabe, parang nag lilipstick. Sarap nya siguro ikiss." Nakangiti at tatawa tawang Sabi nya.

"Ewan ko sayo." Natatawa na lang na sabi ko. Kahit kailan talaga hindi 'to maawat.

Nang matapos ang shift ko ay niready kona rin ang sarili ko. Sinuot ko ulit ang  uniform ko at saka ko hinanda ang gamit ko para makauwi na agad.

Paglabas ko ng cafe ay wala pa ring tigil ang buhos ng ulan. Kailan kaya 'to titigil? Mukhang mamaya pako makakauwi.

Napatingin ako sa paligid ko. Tila parang may nakatingin. Hindi ko alam pero bigla ang kinabahan.

May mga poste ng ilaw sa hindi kalayuan. May mga nakahimpil din ng kotse.

Hindi ko alam kung saan nagmumula ang tingin na iyon sa akin. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.

Nang may humintong  kotse sa harapan. Pamilyar ang kotse.

Bumukas ang bintana ng driving seat at nakita ko si Joana sa passenger seat kasama ang boyfriend na nasa driver seat na si  Lester.

"Beshy! Sakay na! Hatid kana namin."

Tila hulog ng langit si Joana sa akin. Sa wakas ay makakauwi nako. Agad akong tumalima at sumakay ng kotse.

Nang umandar ang kotse saka ako lumingon sa kinatatayuan ko kanina. Sa 'di kalayuan ay may kotseng umilaw at nagumpisa na ding umalis sa kinalalagyan nito. Pamilyar iyon ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita.

Nagpasalamat ako kay Joana at Lester nang ihatid nila ako sa bahay. Nag half-bath kaagad ako sa cr pagkauwi ko at nagtimpla ng gatas ko.

Para makatulog ako kaagad ay umiinom ako ng gatas.

Kinuha ko cellphone ko sa bag. Baka may nag-chat sa akin sa messenger. Ngunit pagkabukas ko ng data ay agad tumunog ang Facebook hudyat na mayroong notification. Hindi nga ako nagkamali dahil may nakita akong minention ako ni Joana.

Agad ko naman itong pinindot.

Nung una ay hindi ko nakilala ang nasa larawan. Nakatagilid ito. Nakasuot ng Wilson Univ uniform. Nakaladlad ang itim at mahabang buhok. Kuha ito sa tapat Delight Cafe.

"Shit!" Muntik ko nang mabitawan cellphone ko nang makita kung sino ang nag-post ng larawan. Ako ang nasa larawan!

Why the hell he will post a picture of me?!

Alexus Brent Batalier posted photo 30 minutes ago.

Ito yung oras na nagaabang ako sa harap ng Delight Cafe.

Parang sasabog sa kaba ang puso ko. Hindi maaari. Hindi ko sya nakita doon. Oo,mayroon akong naramdamang nakatitig sakin nung mga oras na iyon pero wala akong nakitang sinuman sa paligid ko.

Libo ang nagreact sa larawan at may ilan-daang komento doon.

'Oh my God!Who is she?!'

'Alexus Brent is now eyeing someone. That's new!'

'I can't believe it! Who is she?'

'She's from Wilson University but she's not familiar'

'Babe who is she?!'

'Baby you are mine! But who is she?'

Marami pang comment doon. Ngunit halos pare-pareho lamang ito. At iyon ay gusto nilang malaman kung sino ako.

Talagang hindi nila ako makikilala dahil laging naka tali ang mahaba kong buhok tuwing nasa University ako. Tuwing uuwi lang ako galing sa trabaho ko ito inilaladlad.

Ngunit mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang caption ng larawan.

" I want you."

Tang*na.

What does he mean?

Kung ano man ang plano mo Batalier. Wag mo ko isali don. Ayoko ng problema.

Hindi ko alam Kung anong oras nako natulog.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Pagtingin ko rito ay pasado ala-singko na ng umaga. Medyo madilim pa nang tumingin ako sa bintana.

Napagdesisyunan ko na lang na matulog ulit.

Nagising ulit ako pasado alas-diez na ng  umaga. Tama lang upang makakain at makagayak na rin para makapasok ako sa eskwelahan.

Pag pasok ko sa University ay pinaulanan ako ng tanong ni Joana. Wala pa si Rommel nang dumating ako.

"Besh grabe kinikig ako!" Impit pa itong tumili nang kumawit sa braso ko. " I really can't believe it! Alexus Brent Batalier is attracted to you!"

"Shhhhh! Ano kaba?! Hinaan mo ang boses mo." Kinakabahan akong luminga sa paligid. Ayokong may makarinig sa kanya. Baka awayin ako ng mga babaeng nagkakagusto kay Alexus at iyon ang ayokong mangyari.

" You can't stop me Gift! Grabe, kinikilig talaga ako. Hindi lang kasi ako makapaniwala. You are very distant to a man like him. How come na magugustuhan ka nya? I don't want to be sound offending but, paano nangyari?" Hindi makapaniwalang sabi nya.

Kahit ako hindi ko alam kung paano nangyari. I don't want assume things. He must be mistaken me to someone. It can't be me. He can't like someone like me.

" Hindi ako yon, malabo iyon. Baka nagkamali lang sya o napagkamalan lang nya ko." I said with flat tone.

" No, I can't be wrong. Yung buhok pa lang at hugis ng katawan. Likod pa lang ang sexy na. Paano ako magkakamali." Nangungumbinsing Sabi nya.

Ipinagsawalang-bahala kona lang ang huling salita nya. Ayokong mag-assume. Sobrang labo mangyari.

Hindi ang katulad nya ang magkakagusto sakin.

At hindi rin ang tulad nya ang magugustuhan ko. He is poison to me. I admit it.

Nagpunta kami saglit sa cafeteria para bumili ng meryenda nang makita ko sya.

Ang lalaking dapat kong iwasan.

He's wearing the typical uniform of our University. White long sleeve ,black tie and black slacks. He's effin' good with his uniform. Very manly and masculine.

He's puffing something. An electric cigarette.

Whatever he's doing is illegal. But he's an exception.

He was talking with someone who has sexy body and round butt ass. His type.

The woman touching his biceps and collar of his uniform. She's smiling seductively to him. But his attention is towards me now.

Damn Batalier! You are putting me to a chaos!

Fangs and BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon