Chapter 3

0 0 0
                                    

Natapos ang buong araw sa klase. Kahit pagod ang katawan at isip ko ay pinilit kong maglakad papasok sa trabaho.

Saka bukas ay holiday, magkakaroon ako ng isang araw na pahinga.

Pagdating sa Delight ay agad akong nagbihis ng uniform para sa cashier.
Madaminh customer ngayon ang delight. Pulos iyon kabataan. Ang iba ay magkasintahan at ang iba naman ay grupo ng magkakaibigan.

Ginawa ko ang trabaho ko ng may ngiti sa labi. Iyon lagi ang paalala ng manager namin na dapat lagi kaming nakangiti sa customer.

Libre ang pagkain namin dito sa delight kaya nakakatipid ako paminsan-minsan dahil dito nako naghahapunan. Hindi kona kakailanganin pang magluto.

Mag-isa lang ako sa buhay. Nakakawalang gana kumain ng mag-isa kaya't mas gusto kong nasa school o Delight dahil may kasama akong kaibigan.

Sa paglipas ng panahon. Unti-unti kona ring nakasanayan ang mag-isa. I have no choice. My fate gave me this situation. I should accept it.

Minsan napapaisip ako kung bakit wala akong kapatid. Nakakalungkot ang mag-isa at walang mapagsabihan ng problema mo. Mawala man ang magulang mo. Nandyan naman ang kapatid mo para alalayan at suportahan ka.

Pero parang Kay pait sakin ng tadhana. Gusto nya ata talagang mag-isa ako kaya hindi ako nabibiyayaan ng kapatid.

Pagpatak ng alas-dose ay niligpit ko na ang gamit ko para makauwi na. I'm so tired and I missin' my bed so much.

Gusto kona lang humiga at matulog bukas maghapon but knowing Rommel and Joana. They will not let me sleep or rest. They will probably drag me to a mall or bar.

Napagdesisyunan kong mamili ng ilang gamit sa bahay sa isang convenience store malapit sa Delight. 24/7 naman itong bukas.

Naubos na ang stock ko at sigurado akong wala akong kakainin bukas sa bahay kung hindi ako mamimili ng pagkain.

May nadaanan pakong high-end bar. Stone Bar. Yan ang pangalan ng bar. Kilala ito dahil maraming nagpupuntang artista at matataas na tao dito.

Diretso lang ako sa paglalakad. Malapit nako sa convenience store.

Nakailang hakbang pako ng may marinig akong iyak.

Iyak?

"P-please s-stop!" Hindi nga ako nagkakamali. Iyak ito ng isang babae. Tila nagsusumamong huminto sa nais gawin sa kanya.

Napalingon ako sa kaliwa ko. Madilim na street ito paglagpas ng High end bar.

"You will surely love this, just let me take a sip." Boses ng isang lalaki.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung babalewalain kona lang ang narinig ko o tutulungan ko iyong babae.

Pero anong magagawa ng tulad ko?Damn! Wala pa man akong ginagawa ay tila kinakain nako ng konsensya ko sakaling iwan ko man ang babae na wala man lang ginagawa.

"P-please I-im begging...s-spare my life."
Tila hinang hina na ito at bakas ang matinding takot sa boses ng babae.

Nasa madilim silang parte. Kita ko ang likuran ng lalaki.

Kahit natatakot at kinakabahan ay naglakas ako ng loob na pukawin ang atensyon ng lalaki.

"Kung anumang gagawin mo mas magandang ihinto mona. You heard her right? You should stop or I will call the police and they will arrest you." Diretsong salita ko kahit sa totoo lang ay abot ang kana sa dibdib ko.

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng skirt ko. Niready ko ito sa kung anong sakaling mangyari. Wala akong kakayahang ipaglaban ang sarili ko.

Dahan-dahang lumingon sakin ang lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fangs and BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon