Part 2

205 0 0
                                    

"Kayo na lang Ma. Dito na lang ako sa bahay. Manonood na lang ako ng tv." Sagot ni Ella.
"Mabuti pa nga lalot mukhang uulan. Mahihirap ka lang doon. Basta dito ka lang sa bahay. Wag ka ng lalabas." Sabi naman ng kanyang ama.
"Nako Mario. Kelan pa lumabas ng bahay yang anak mo eh parang madre yan na nakakulong na lang buong maghapon." Tawang sabi ng ina ni Ella.
"Ma naman. Wala naman kasi akong gagawin sa labas." Depensa ni Ella.
"Nako. Nainis ang madre." Tawang wika ulit ni Rose sa anak.
"At least maganda." Tawang sagot ni Ella.
"Oh basta wag kang lalabas baka mamaya eh gumala ka. Hindi maganda ang panahon ngayon." Sambit ni Mario.
"Saan naman gagala yan eh wala naman tayong kapitbahay. Hahaha. Maliban na lang kung pupunta yan sa bayan." Tawang wika ni Rose.
"Kaya nga. Bat kasi wala tayong kapitbahay. Ang layo pa ng ibang mga bahay sa atin. Wala tuloy akong kakilala rito." Sambit ni Ella
"Nako. Naghahanap lang kayo ng kachismisan niyo eh. Ayaw niyo tahimik rito" depensa ni Mario.
"Ay grabe si papa. Ang nega." Twang wika ni Ella.
"Kj talaga papa mo nak. Hahaha. Hayaan mo na." Dagdag ni Rose.
"Manood ka na lang tv Ella. Baka mamaya eh mapano ka pa sa labas." Sabi ni Mario.
"Opo. Basta bilhan niyo ako ng pagkain para may kakainin ako dito." Sagot ni Ella.
"May mga pagkain pa jan sa ref. Kahit kainin mo lahat" wika ni Mario.
"Anong oras kayo uuwi Ma?" Tanong ni Ella.
"Mga hapon na mga 5:00 kasi dadaan kami ng bayan. Marami naman tong niluto ko kaya kaysa na to pang tanghalian mo." Paliwanag ni Rose.
"Ok."
Nagpatuloy ang kainan ng buong pamilya habang nagkukwentuhan.  Ng matapos kumain ay gumayak na ang mag asawa. Naiwan magisa si Ella. Napaupo na lamang ito sa kanilang sofa sa kanilang sala. Inopen ang tv.
"Kainis naman. Cartoons ulit. Boring." Inis na wika ni Ella. Palibhasay di na siya na eengganyo manood ng cartoons dahil para sa kanya ay dalaga na siya.
Inilipat na lamang niya sa ibang channel upang tumingin ng angkop na panood na kukuha sa atensyon at panlasa niya. Napadpad siya sa isang channel kung saan ang panood ay 50 Shades of Grey at ang saktong eksena ay naghahalikan ang dalawang bida. Napatulala si Ella sa pinapanood. Hindi niya alam kung bakit pero may parang kung anong bagay ang nagtutulak sa kanya na tapusin

ELLA THE YOUNG LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon