PROLOGUE

38 7 5
                                    

Pauwi na ako sa tinitirhan ko galing akong trabaho, nangungupahan ako malapit sa pinagt-trabahuan ko, isa akong sekretarya sa hindi gaanong kalakihan na kompanya, ayos naman ang sahod sobra-sobra pa nga pang-tustus sa pang araw-araw ko, ang natitira ay iniipon ko dahil balak ko magtayo ng negosyo.

“Oh nariyan ka na pala iha” nagmano ako kay Lola Athalia kapitbahay ko siya, isa siyang may ari ng karinderya sa tabi ng inuupahang bahay ko.

Si Lola Athalia ay mag-isa nalang sa buhay pero may kasama naman siya sa bahay niya, ‘yung katulong niya sa karinderya si Lezzie at Noel magkapatid sila, wala na silang mga magulang kaya kinukop sila ni Lola Athalia para may makasama siya sa bahay niya.

“Oho La, medyo nalate nag-overtime po kase ako tinapos ko lahat ng trabaho ko para pagbalik ko galing sa 2 days leave ko ay wala na akong masyadong gagawin” nagleave ako kase balak ko puntahan ‘yong pwesto na in-offer ng friend ko, na para sa business na sisimulan ko.

May sapat na pera na ako at mukhang sobra-sobra pa nga ata ‘yong naipon ko para sa plano ko.

“Ay oo nga pala kanina pa may pabalik-balik na sasakyan dyan sa tapat ng bahay mo, nagtanong nga sa akin kung nasaan ka at sinabi ko nasa trabaho ka” nakakapagtaka magh-hating gabi na sino naman kaya ‘yon.

Alas dyez na ng gabi sino naman kaya matinong tao ang magpabalik-balik dito para hanapin ako wala naman akong natatandaan na may pinagkakautangan.

“Sino po ba ‘yun Lola natatandaan niyo po ba ang itsura niya?” baka si Tito Cole pero malabo naman kase hindi niya naman alam kung nasaan ako.

Ang natatandaan ko lang ay nagkita kami ni Venus no’ng nakaraang araw  dahil isa sa matalik niyang kaibigan ang kapitbahay ko, pero malabo kase alam ko hinding-hindi niya sasabihin ‘yon sa magulang niya dahil malaki ang galit niya sa akin. Pero malay natin.

“Lalaki iha, matangkad na moreno at singkit pa tapos makapal ang k— ay ayon ‘yung sasakyan niya iha sakto” napalingon naman ako sa itinuro ni Lola Athalia sa likuran ko.

Isang Montero Sport ang nandoon kilala ko kung sino may-ari nito.

“Sige po Lola Athalia titignan ko po kung sino iyon” bago ako tumalikod ay binigay sa akin ni Lola Athalia ang ulam na pinareserve ko pa.

Lalong lumalakas ang tambol ng puso ko bawat hambang na ginagawa ko, binilisan ko ang lakad ko habang natanaw ko siyang nakatalikod na may kausap sa telepono siguro naman hindi niya maririnig ang langitngit ng gate ko.

“T-Tinay teka lang” napalingon ako ng wala sa oras dahil sa tumawag sa akin, hindi ko napansin na may tao pala sa loob ng kotse niya.

Akala ko siya lang mag-isa nagpunta dito, may kasama pa pala siya, hindi lang isa tatlo pa talaga.

“Ano hong kailangan niyo sa akin? Sabi ni Lola Athalia ay kanina pa daw kayo pabalik-balik dito” habang binubuksan ko ang gate para makapasok ako.

Ano nanaman kailangan nitong mga ‘to sa akin.

“Gusto ka lang namin makausap anak” Napatinaod ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

Anak... Ang sarap pala sa feeling na matawag na anak.

“P-Pasok po kayo” pinatuloy ko muna sila sa loob bago isarado ang gate ko.

Iginaya ko sila papasok sa loob ng bahay at pinaupo sa sofa, ako naman ay dumiretso sa kusina para dalhan sila ng maiinom.

“Ano hong sadya niyo at narito kayo” tanong ko pagkababa ko ng tray na laman ay juice.

Nakapagtataka na gumawi sila dito gayong masaya naman na sila buong pamilya ginugulo pa ako.

Miss na miss ka na namin anak, bumalik ka na, uwi ka na sobrang miss ka na ng mama mo” nakatitig lang ako sa kaniya pinipigilan ko ang sarili na umiyak, dahil pagdating kay Mama ang hina-hina ko sobra.

Miss na miss ko na siya, pero hindi ko din maiwasan na magalit dahil sa nangyare taon na ang nakalipas.

“Masaya na ho ako sa buhay ko sir sana ay hayaan at wag niyo na akong gambalain” tumalikod ako at inayos ang nakakalat na papers na naprint out ko kagabi.

Napasinghap ako ng sumabat ang kapatid kong pinaglihi sa sama ng loob.

“Ang arte mo naman masyado, kami na nga itong nagpakumbaba at pinuntahan ka dito para makauwi na tapos g-ganyan-ganyanin mo ang papa namin ang kapal ng mukha mo” hindi pa din siya nagbabago ang tabil pa din ng dila niya hanggang ngayon.

Lumipas na ang taon nagbago ang pangangatawan at hitsura nila pero ewan ko sa ugali.

“Bakit sino ba ang nagsabi sa inyo na pumunta kayo rito? Wala diba ‘e bakit parang sa tono ng pananalita mo ay utang na loob ko pa na pumunta kayo rito” hindi na ako nakapagtimpi sa asungot na ‘to akala mo kung sino.

Alam ko naman na hindi at never niya ako matatanggap dahil para sa kaniya ang kapatid niya lang na babae ay si Venus lang at siya lang din ang bunso sa pamilya nila.

“Tumahimik ka Adonis” sa wakas at inawat niya na ang anak niya.

Hindi ko pa kaya makipag usap sa kanila dahil sa ginawa nila sa akin. Walang magf-forgive and forget.

“Mabuti pa ho umalis nalang kayo at sana wag na kayo gagawi pa rito kahit kailan” lumapit ako sa pintuan para buksan ito ng malaki.

Hinding-hindi ako makakalimot at magpapatawad dadalhin ko sa hukay ang sama ng loob at galit na nararamdaman ko sa pamilya nila.

“Talagang aalis na kami, tara na pa” inalalayan niya ang ama nito para makatayo at makalabas.

Ngayon ko lang napansin na napaka tahimik ng dalawang kasama niya na akala mo wala ding ginawa at sinabi na napakasakit sa akin.

Pagkalabas nila ay isinara at nilock ko ang pintuan, at sa gano’ng sitwasyon hindi ko namalayan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Masyadong malalim ang iniwan nila na sugat sa pagkatao ko na parang kahit na sino ay walang makakagamot nito. Tanggap ko pa na itinago ako ng mama ko sa kaniya at sa kanila, sabik na sabik ako sa ama at kapatid pero hindi ko inaasahan na masakit pala ang kapalit ng kahilingan ko na sa kanila ay mapalapit.












©ALL RIGHT RESERVED 2021

Almost Over (Childhood Memoirs Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon