CHAPTER FOUR

4 3 0
                                    

Ilang araw na simula noong nagplayground kami ni mommy at nakalaro ko si buknoy pero hinding-hindi ko din makakalimutan ang araw na 'yon no'.

Kase nung araw na 'yon may biglang lumapit na bata sa amin ni mommy habang nakain kami tapos bigla ba namang tinawag na tita si mommy ko.

Nakalimutan ko name niya parang ano demen? Basta 'yung dulong name niya katunog ng ayos ewan ko hindi ata siya mahal ng mommy at daddy niya kase hindi masabi ng maayos name niya tapos noong kinakausap niya si mommy ko patingin-tingin siya sa amin ni buknoy ang sungit niya kaya, palagay ko matanda na siya kase ang tatas-tatas niya na magsalita tapos naka english pa how about me naman.

Habang pinagmamasdan ko sila na nag-uusap ni mommy ko parang feel ko, feel ko lang kase nga feelingera ako nu'. Feel ko ang seryoso ng pinag-uusapan nila ni mommy ko kase titig na titig at nakikinig siya ng mabuti sa mommy ko pero ano kaya 'yon tsaka sino kaya 'yan siya na parang mushroom bigla-bigla lalabas kung saan-saan.

Nagmumuni-muni ako dito sa may kusina habang si Yaya Yony ko naman ay busy sa pagpunas ng mga plano na nahugasan na, wala naman siya iba gagawin kase wala pasok si Ametrieniece sunday ngayon kaya bukas pa siya mab-busy.

"Yaya Yony when po magv-visit ang gerpen ni Daddy Cole namimiss na siya ni Ameme" namimiss ko na talaga gerpen ng Daddy Cole ko miss ko na amoy niya, amoy strawberry siya na may pagka-minty miss ko na din mga gifts niya na toys tapos dress.

Ilang araw nalang pala mag-aayos na ulit ako ng toys and clothes ko naalala ko na Charity Day next week need ko na ayosin ang hindi ko na need na toys and clothes para ibigay sa mga baby at mga bata like me na need 'yon everytime na nandoon kami lagi nitatanong ng mga bata nasaan daw daddy ko sabi ko si Daddy Cole man ang daddy ko pero sabi nila hindi ko daw daddy si Daddy Cole kase hindi naman sila magasawa ba 'yun sabi nila.

Sabi ko naman bakit naman magiging mag-asawa sila 'e sabi ng mommy ko magbrother and sister sila ni daddy Cole tapos nitatanong din nala kung may brother ba ako o sister sabi ko naman wala kase galing ako kay God gift ako ni God kay mommy ko.

Hindi naman sila naniniwala pake ko sa kanila sila na nga sinasabihan ayaw pa maniwala edi wag wala pake si Ameme sa kanila basta si Ameme ganda lang.

Nilingon ko naman ang Nana ko na nag-aayos ng stock sa ref na pinamili nila no Yaya Yony kanina hindi ako sinama kase sarap-sarap ng sleep ni Ametrieniece kase nga tanghali kapag tanghali dapat natutulog para mag-big ako kaagad.

"Nana may tanong po ako, kase po alam niyo po naalala ko po nung nagcharity day po kami nung kahapon nang kahapon nang kahapon basata madaming kahapon po 'yung mga bata po do'n like me lagi nila ni-aask na saan daw papa ko po." huminga ako ng malalim kase feel ko nasasaktan heart ko ewan ko bakit nasasaktan heart ko wala naman ako ginagawa.

Nakita ko pang napalingin din si Yaya Yony sa aking tanong kay Nana, matagal ko na din kase
'Yung nipagyataka? ?ipagyakata? basta 'yung may iniisip ka po na magulo ganon. Sabi kase nila Daddy Cole gift daw ako ni God 'e bakit wala akong daddy? Bakit 'yung ibang gift ni God na baby at bata may daddy ako wala.

"Si Daddy Cole mo siya ang daddy mo ah, abay loko ang mga bata na 'yun ah hindi ba nila kilala ang daddy ng Ameme namin" weh totoo ba 'yan Nana mukhang hindi pa siya sigurado sa sagot niya 'e nakipageye to eye contact pa siya kay Yaya Yony ko nung tignan ko si Yaya na nakatitig kay Nana.

"Opo nisabi ko po 'yan sa kanila pero po kase sabi nila hindi ko daw po daddy si Daddy Cole kase po brother and sister sila ni mommy bawal po ba 'yun?" nagugulohan talaga ako bakit nila sinasabi 'yon.

Tatanongin ko nalang ang mommy ko kapag bumalik siya dito next week kung bakit wala akong daddy na daddy lang ang tawag ko walang name kagaya sa Daddy Cole ko.

"Hmm kase ang ganda-ganda ng Ameme na 'yan kaya gano'n, pero pwede naman 'yun anak kahit na brother and sister sila ni mommy at Daddy Cole mo pwede mo naman siya maging daddy kase hindi lang nasusukat sa dugo ang pagiging ama, pwede ding sa puso ito manggaling" tinuro pa ni Nana ang chest ko kung nasaan ang little heart ni Ametrieniece.

Pero kase bakit ganon daddy ang usapan namin ni Nana ko napunta sa blood and heart o to the m and g iba talaga kapag matanders na gaya nga ng sabi ni Yaya Yony ko.

"Gulo-gulo mo naman Nana sabi ko bakit wala ako daddy, bakit naman ikaw napunta sa blood at heart hindi naman 'yun ang nitanong ko nu'." napanguso ako dahil do'n ng lingunin ko si Nana ay nanlaki ang mga mata nito parang shock na shock siya like o to the m and g.

"Abat ikaw na bata ka" omg ah ang kurot attack ni Nana takbo.

Masakit 'yon pinch sa singit because Ametrieniece si makulit. Takbo lang ako ng takbo sa sala namin kase nga nihahabol ako ng magic kurot ni Nana. Kahit matanda na si Nana ay kaya niya pa rin makipaghabulan sa akin habang si Yaya Yony ko naman ay nakatingin lang sa amin habang nakangisi.

Nang mapagod ay umupo siya sa sofa ako naman ay humiga sa hita niya habang hinihingal ng kaunti. Kahit na matanda na si Nana bilib na bilib ako sa mga knees niya sabi kase ni Daddy Cole ko kapag old ka na sasakit na din daw ang mga knees ko kase nitanong ko siya nung nakaraan kase hindi siya maayos maglakad sabi niya ruyama ata 'yun o baka naman maruya ah basta 'yung para sa old people lang daw 'yun.

Ang saya-saya ko pero hindi ko pa din makakalimutan ang sakit sa little heart ko everytime na maaalala ko ang sinasabi nila o tinatanong nila bakita wala akong daddy o bakit si daddy Cole ang daddy ko.





@ALL RIGHTS RESERVED 2022

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost Over (Childhood Memoirs Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon