HEART OF FRIENDSHIP

0 0 0
                                    

Heart of Friendship
Collaboration of Luna Brecken and Klover Silvenia

"Luna! Girl tara na mahuhuli na tayo sa klase natin." Hinigit ko siya at sinabay sa pagtakbo para hindi mahuli sa klase.

Ngayon ang unang araw ng klase namin bilang isang 1st year College and parehong kursong Flight Attendant ang kinuha namin ng bestfriend kong si Klover dahil isa sa mga pangarap namin ay ang makapag travel around the world.

She is my best friend simula pagkabata. We are like sisters dahil na rin siguro sa only child ako at siya naman nag-iisang babae lang sa kanila.

Lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko at ganun din siya sa'kin. We didn't hide secrets with each other because that's how we trust each other. Well that's how I thought...

"S-sandali Klover, dahan dahan lang."

Napahinto ako at tumingin kay Luna, nakita kong napahawak siya sa dibdib niya at grabe paghahabol ng hininga. Nagtatakang at nag-aalalang tinanong ko siya.

"Woi, okay ka lang? Wala ka namang hika diba? Male-late na tayo Luna e."

Umayos siya ng tayo at biglang ngumiti. Sabay hawak sa kamay ko.

"Okay lang ako tara na?"

Nag-aalangan akong tumango kasi parang may mali kay Luna, pero isinantabi ko na lang 'yon at nagpokus na lang sa pagtakbo kasi sobrang late na talaga kami.

Ilang araw ko nang napapansin kay Luna na ang bilis niyang mapagod palagi ko naman siyang tinanong kung ano ang nararamdaman niya pero ang sinasabi niya lang palagi "Napagod lang siguro ako,"

"Klover, Girl pwede mo bang kunin 'yung napkin ko sa bag may dalaw pala ako hindi ko alam buti may pads akong dala lagi," binuksan ko naman ang bag niya at naghalungkat may nakita akong box na maliit na puro gamot tapos ang lalaki pa, kinuha ko 'yung pads niya at agad iniabot sa kaniya.

Kinagabihan sa bahay ay sinearch ko kaagad kung para saan ang mga gamot na nakita ko.

"Lunnnnaaaaa !! Tara na male-late na tayo ulit ang bagal mo pa namang maglakad akin na bag mo ako na magbubuhat," kahit ayaw niyang ibigay kinuha ko pa rin. Alam ko na ang sakit niya at ayaw niya lang sabihin sa akin. Palagi kong inaalagaan si Luna para hindi na siya mapagod at hingalin.

--

"Tita nasaan po kayo?" Tumawag ako sa mama ni Luna dahil wala sila sa bahay niya tapos hindi rin siya pumasok ngayon.

"Ano kasi iha, dapat ko ba itong sabihin sa iyo ayaw kasi ni Luna na may makakaalam eh,"

"Alam ko na po nasa ospital po ba kayo?"

"Oo nanikip kasi ang dibdib niya kanina ang sabi ng doctor humihina na daw talaga ang puso niya at kailangan na namin maghanap ng donor kung hindi pwedeng tumigil na sa pagtibok ang puso niya."

"Wait lang po pupunta ho ako diyan." Dali dali akong pumunta sa hospital at hinanap ang room kung nasan na confine si Luna.

Halos mapaiyak ako sa nakitang sitwasyon ng bestfriend ko, nakaratay sa hospital bed. Kung dati uniform lang ang suot suot niyan pag sobrang pagod galing sa school at agad na makakatulog sa kama, ngayon hospital gown na.

"Klover nak, nandiyan ka na pala."

Agad na salubong ni tita sa 'kin, nagising ko ata siya dahil sa presensiya ko.

"Opo, matulog lang ho kayo ulit. Ako na muna ang babantay kay Luna."

"Hindi na nak."

"Sige po. Wala pa ba kayong nakitang heart donor para kay Luna Tita?"

Lumapit si tita kay Luna at hinaplos ang pisnge nito.

"Sa kasamaang palad ay wala pa nak."

Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kamay ng bestfriend ko.

"Ipagdasal lang na'tin tita na sana ay may darating na heart donor na para sa kanya, may awa po ang diyos."

Ngumiti lang si Tita sa sinabi ko. Maya maya bigla siyang bumaling sa'kin.

"Nga pala, pupunta sana ako sa malapit na convenient store diyan sa labas, tatawid lang sa kabilang kanto."

"Gabi na ho tita ah, anong bibilhin niyo?"

"Basta nak. Pwede mo ba akong samahan?"

Tumingin ako kay Luna.

"Sige ho mukhang ang himbing naman ng tulog ni Luna."

"Tara nak, mabilis lang tayo. Saktong pagbalik natin ay gising na yung anak ko."

Nakalabas na kami sa hospital at handang ng tumawid sa kabilang kanto.

"Nak, hawakan mo kamay ko, tatawid na tayo."

Agad ko naman itong hinawakan. Gabi na kaya medyo madami daming sasakyan, sasakyang pauwi na sa kanikanilang mga bahay galing sa trabaho o ano man.

Napansin kong napatigil si Tita sa paglalakad.

"Ano hong problema? Malapit na ho tayo sa kabilang kanto, ilang hakbang na lang."

"Nahihilo ako na---"

Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng ilaw galing sa isang sasakyan. Ang bilis ng pagpapapatakbo nito at sobrang kaba ko kasi patungo ito sa amin ni tita.

Wala na akong choice kundi itulak si tita pakanan at ang kasunod nun ay ang pagbangga ng sasakyan sa akin at pagdilim ng mundo ko.

"Klover!!!! Klover nak! Tulong, tulungan niyo siya. Tumawag kayo ng ambulansya parang awa niyo na."

May naririnig akong boses, sumisigaw na umiiyak. May kunting malay pa ako at panaka nakang minumulat ang mga mata ko.

"Klover nak. Gising na-k."

Nakita ko si tita na umiiyak sa harapan ko.

"T-t-i-ta...y-ung p-puso ko---"

"Nak, lumaban ka, kayanin mo. Patawarin mo ako kasalan ko 't---"

"P-pakibigay

"P-pakibigay k-kay Luna..."

Grabe na ang iyak ni tita sa harap ko.

"Hindi nak, mabubuhay kapa"

"P-pakisabi kay Luna mahal na mahal ko siya..."

---

"Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven’t already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also make sure your seat back and folding trays are in their full upright position." I can't believe after 5 years heto ako at nakatayo sa loob ng eroplano. Tumingin ako sa labas kung saan kita ang himpapawid.

"Klover natupad ko na ang pangarap nating lumipad papunta sa iba't ibang lugar at libutin ang mundo," humawak ako sa dibdib ko at pumikit.

"Kasama kita lagi kahit saan ako magpunta salamat sa pangalawang buhay, salamat sa puso mo iingitan ko ito," pinunasan ko ang luhang kumawala sa mga mata ko tyaka umupo sa upuan ko.

Tragic One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon